Chapter 21
Schedule. Exam Alarms. Trainy.KUMAGAT ako sa cupcake na hawak ko. Nandito kami sa clubroom at nagrereview dahil naghahanda na kami para sa nalalapit naming exams. Nagmerenda muna kami saglit. Hanggang ngayon kasi iniisip ko kung ano ang exams namin.
"Sa tingin niyo, ano yung exams natin?" tanong ko matapos lunukin ang cupcake na binake ni Chia.
"For sure, may written doon. Sabi nga ni Janik-sensei, mag-aral daw." Si Ospe na abala din sa pagkain ng cupcake.
"Pero nakakakaba masyado ehh. Parang ibang-iba sa elementary." kabadong sabi ni Sav at napahawak pa sa dibdib. Noong elementary kasi, hanggang written exams lang kami.
"Kaya nga. Ano kaya ang ipapagawa sa atin?" tanong ni Pharger.
"Tanungin kaya natin si Senpai?" suhestiyon ni Alois. "Monique-senpai!" tawag nito at tumingin sa sofa pero wala si Senpai doon. Bagsak naman ang mga balikat nito.
"Oo nga, noh? For sure, alam ni Monique-senpai kung ano ang exams natin." sabi ko. "Mabuti pa tanungin natin siya kung ano pagdating----"
"Na hindi ko din naman sasabihin kung ano." biglang sabi ni Monique-senpai na nakatayo sa may pinto. Biglang lumiwanag ang mukha ni Alois. Pumasok ito at sinara ang pinto matapos ay dumiretso ng upo sa sofa at pinatong ang magkabilang braso sa sandalan. "Gaaaahhh. I'm tired. I'm hungry." pagod na sabi nito. Pare-pareho kaming tumingin dito.
"Bakit, senpai? Bakit di mo sasabihin?"
"Dahil bawal." simpleng sagot nito habang nakapikit.
"Bakit naman? Exams naman iyon ha?" litong saad ni Sav.
"Ang gusto ng mga sensei natin, lagi kayong prepared. Yan ang unang matutunan niyo sa unang taon niyo sa Middle School. Kaya bawal sabihin ng mga upperclass kung ano ang gagawin sa unang exams para sa mga first years." sabi nito. Tumayo naman si Chia at pinaghandaan ng makakain si Senpai. Umayos naman ito ng upo at nagpasalamat sa pagkain na inihain nito. Bumalik na din si Chia sa long desk at naupo muli.
"Tingin mo mahirap, Senpai?" tanong pa ni Sav. Nagkibit balikat lang ito.
"Depende sa bawat Wielder yun." sagot nito at kumain ng cupcake. Lumunok muna saka nagsalita ulit. "Ang masasabi ko lang, mag-aaral kayo sa lahat at ihanda niyo ang mga sarili niyo."
"HANGGANG ngayon, kabado pa din ako kung ano ang exams natin." sabi ni Olga.
"Oo nga ehh. Kahit ang kapatid ko, ayaw sabihin bakit." segunda naman ni Ashi. Nasa second year na din ang kapatid ni Ashi.
"Maging si Monique-senpai, walang sinasabi." sabi ko. Nagkukumpulan kasi kami ngayon dahil na din sa nakaupo sa harap ko si Ashi at sa harap naman ni Sav si Olga.
"Pero ano kaya yun? Sabi kasi ni Kuya bawal daw sabihin kasi magiging unfair na daw yun para sa kanila na nagulat nung first exams nila. Kaya ayaw nila sabihin." kwento pa ni Ashi. Magsasalita pa sana ako ng pumasok na si Janik-sensei.
"Okay, class. Ito ang sched niyo para sa First Year Middle School-First Overall Exams." annunsyo ni Janik-sensei at nagsulat na sa pisara.
Year 1 Section 7
Lumon.
History 1 - 8:30-9:30
Break. 9:30-9:55
Literature 1 - 10:00-11.00
Lunch Break. 11:05-12:05
Geography 1 - 12:10-1:10pmMartue.
Science 1 - 8:30-9:30
Break. 9:30-9:55
Music and Arts. 1 - 10:00-11:00
Lunch Break 11:00-12:00
Language 1. - 12:10-1:30pm
BINABASA MO ANG
Wielders Academy. (The Other Side)
FantasyWielders Academy. (The Other Side) Academy for people who are given supernatural ability and talents. People with such ability are called Wielders. Many can pefectly control their ability. Who can wield their ability completely. But unfortunately...