Chapter 3

153 5 23
                                    

Chapter 3

The Underwater Breather who wants to...

Second Part



"INAANTOK pa ako." at naghikab pa. Maaga pa kasi. Nagmessage kasi sa akin si Monique-senpai kagabi at sinabi sa amin na agahan namin ang punta at nakausap na niya yung kakilala niya sa tennis club.

"Pasalamat nga tayo at tinulungan tayo ni Monique-senpai." -Sav.

"Oo nga. Hindi na dapat tayo magtago. Bukod dun, may mga gamit at court pa tayo." -Chia. Pumunta na kami sa may tennis club. Nakita naman namin na nandoon na sina Ospe at Alois. Kasama na din nila si Mimari. 

"Sanza!" bati nung dalawang lalaki.

"Sanza!" bati namin.

"Sanza sa inyo!" -Mimari. Lumapit naman kami dito. 

"Okay ka lang ba, Mimari?" 

Tumango naman ito. "Oo. Medyo kinakabahan lang. Ngayon lang kasi ako maglalaro sa court. Tapos tao pa opponents ko." sabi naman ni Mimari. Tinapik ko naman ito sa balikat.

"Don't worry! Magiging okay din. Kailangan mo lang masanay sa presensya ng tao sa harap mo. At yun ang gagawin natin ngayon." Nakangiting tumango ito sa amin. Tapos nun ay kumatok na kami sa pinto ng club room.

"Come in." rinig namin na sabi mula sa loob.

Binuksan naman namin ang pinto.

"Sanza!" bati namin pagkapasok.

"Sanza!" masayang bati ng ilang tao mula sa loob.

Isang magandang babae ang lumapit sa amin. "Sanza! Kayo ba ang mga kaibigan ni Monique?" tanong nito. Nagtinginan naman kami at tumango. "Hello! Ako si Shara Yao. Year 2 Section 3. P Type. Tennis Wield. Captain ako ng Female Tennis Club. Yoroshiku!" masayang pagpapakilala nito.

"Ahh! Senpai ka pala namin!" -Chia. Nakangiting tumango ito.

"Ako si Maria. Maria Torres. M Type. Year 1 Sec 7. Sila naman ang mga classmates ko. Sina Savanna, Chia, Alois at Ospe." pakilala ko sa mga ito. Tapos tinuro ko si Mimari. "Siya naman si Mimari."

"Siya yung gustong magtennis, di ba?" tanong pa nito. 

"Uhhmm.. Ako si Mimari Wretha. Year 1 Section 5. E Type. Underwater Breather Wield." nahihiyang pakilala nito.

"Wow!" sabi ng mga ito at agad na nagsipuntahan kay Mimari. "May aquarium nga sa ulo! Ang galing naman!" mangha na sabi nila. 

"Uhmmm..."

"Pwede ba namin lagyan ng fish? Malalasahan mo ba yung fish? Paano ka nga pala kumakain? Umiinom ka pa ba? Ibubuhos ba yung juice?" sunod-sunod na tanong nila dito. Hindi naman magkandaugaga si Mimari. Hindi nito alam kung sino ang unang sasagutin.

"Okay. Okay. Stop!" sabi ni Shara-senpai. "Nandito si Mimari para magpractice ng tennis. Hindi para ipakita ang aquarium niya." Nagsitabi naman ang mga ito. "Nakausap ko si Monique kagabi. Hihiramin niyo daw ang isang parte ng court at tennis racket. Tama ba?" tanong nito sa amin at nagsitanguan naman kami. 

"Then kumuha na kayo ng racket dun sa gilid at tayo na sa court. Maaga na makapagpractice na tayo habang maaga pa."

"Wow! Thank you Shara-senpai. Pero okay lang ba sa'yo na pahiramin kami ng racket at court?"

"Hmm? Okay lang. Tutal open naman lahat ng club for aspiring applicants. At dahil aspiring applicant si Mimari, papayagan namin. Baka magustuhan niyo din magtennis. Pabor din sa amin yun."

Wielders Academy. (The Other Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon