Chapter 5

111 6 10
                                    

Chapter 5

Clubroom and goals. New member. Official Club.



"KUMUSTA naman ang clubroom niyo? Okay naman?" tanong agad sa akin ni Ashi pagkapasok ko.

"Okay naman. Medyo nag-aayos pa kami." 

"Buti naisipan niyo na gumawa na lang noh? Saka kung titignan din kasi... maganda ang combination niyo. Iba't-iba ang Wield niyo pero pare pareho naman kayong may C Type."

"Oo nga eh. Hindi din naman namin alam saan kami sasali. Kaya mabuti na sama-sama na lang din kami."

Tumango-tango naman ito. "Kung kailangan niyo pa ng tulong... sabihin mo lang sa akin, ha?"

Ngumiti naman ako dito. "Sure Ashi. Arigato." ngumiti lang din ito sa akin. Matapos nun ay nagstart na ang class. Mamaya pupunta na naman kami sa clubroom.




"TINGIN niyo maganda na dito ilagay ang cabinet?" tanong ni Sav. Dahil after class na din naman at club activities na kaya naisipan namin na iorganize ang clubroom.

"Tingin ko maganda sa isang sulok." suggest ni Chia. Kaya naman tinuro nila kung saan at binuhat naman ng dalawa. 

"Ayy panget pala. Dun na lang ulit sa kabila." at binalik nung dalawang lalaki.

"Siguro masa maganda dun sa isang corner noh?" at nilagay ng dalawang lalaki dun. 

"Sagabal sa isa pang cabinet."

"Pwede ba girls. Pakisabi kung saan talaga? Aba kanina pa kami paikot ikot at buhat buhat tong cabinet na to. Kayo kaya ang magbuhat?!" napapagod na reklamo ni Ospe. Tumango-tango naman si Alois.

"Girl kaya ako." -Chia.

"Ako din." -Sav.

"Ui Savanna... ipapaalala ko lang na Strenght Wield ka. Dapat nga ikaw nagbubuhat eh." hinihingal pa din na sabi ni Ospe.

"Ayaw. Babae ako." nakangusong sabi naman ni Sav.

"Oh siya. Dyan na sa original spot niya. Pinalipat-lipat pa kasi natin." naiiling na sab ko. "Ituloy na natin ang linis para makapagpahinga na tayo." at nagsipaglinis na kami. Dahil nga bakanteng clubroom... marami ang naging tambak. Puno din ng alikabok kaya talagang linis lang ang ginagawa namin. Malapit nang maggabi ng matapos kami.

"Grabe kakapagod pala pag ganito noh?" napapagod na sabi ni Alois at naupo sa may bean bag na nandoon. 

"Tama ka dyan. Paano tayo laging nagbubuhat." reklamo pa ni Ospe.

"Oh siya.. wag na magreklamo." sabi nina Chia at Sav na may dalang tray ng sweets at tea.

"Pero seriously guys... ang ganda pala nitong clubroom natin pag nalinis at nailagay na yung ibang decorations at gamit noh?" namamanghang sabi ko ng ilibot namin ang paningin sa loob. Bawat clubrom kasi ay may mini kitchen kaya nakakapagluto ka. May nilaan din kaming space para sa iba't-ibang abilities na meron kami o hobbies lang. Naglagay din kami ng music spot at art stuffs. Chairs and tables para kung kakain kami at gagawa ng assignments. Syempre bookshelves din para mas malapit yung iba namin books at hindi na namin dala lagi. Lockers naman para sa mga extra naming damit at gamit.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Wielders Academy. (The Other Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon