Chapter 12
Notre Foresta. Breeds. Lav.
NAGLALAKAD na kami papunta sa bahay ng townhead dito sa quarters ng lugar na ito. Ito pala ang nagpadala ng request sa Wielders Military. Tumigil kami sa isang malaking puno. Nakakapagtaka na may pinto ito at mga bintana pa. Kumatok naman si Deputy Ovsali at bumukas ang pinto.
"Deputy Ovsali-arf." bati ng isang babaeng may tenga ng parang isang aso.
"Hello Inuka." bati ni Deputy Ovsali dito. Tumingin naman ito sa amin. Ngumiti ito ng malaki.
"Monique-arf! Ano nga pala ang tawag niyo dun--arf? Sanz-arf?" inosenteng tanong nito. Tumawa naman si Monique-senpai.
"Ang galing mo na Inuka! High five!" sabi nito at nakipag-apir. Humarap sa amin si Senpai at inakbayan ang katabi nito. "Guys. This is Inuka. Ang panganay na anak ng head chief ng town na ito." pakilala nito. Kumaway naman sa amin ito.
"I'm Inuka-arf. Inuka Gesha-arf." pakilala nito sa sarili nito. "Pasok kayo-arf." sabi nito. Sabi nito at nilakihan ang bukas ng pinto. Pumasok na kami. Namangha kami sa loob nito. Ang ganda lang kasi talaga. Kaya pala malalaki ang mga puno at talagang matataba dahil isang normal na bahay ang loob ng puno. May hagdan pa sa tabi na marahil ay para sa mga kwarto. Nagsi-upuan naman ang iba sa amin sa mga bean bags na nasa sahig. Habang kaming mga babae ay sa sofa. Si Monique-senpai naman ay gumawa ng sarili nitong ice chair at nasa likod nito nakatayo sina Deputy. Pinagsilbihan din kami ni Inuka ng maiinom. Mula sa hagdan ay may isang matandang aso na bumaba.
"Arf." sabi nito. Tumayo naman si Monique-senpai.
"Sanza Chief!" masiglang bati ni senpai dito. Ito pala ang chief ng bayan.
"I'm Inaku Gesha. Ang head chief ng bayan-arf." pakilala nito. Tumayo naman kami at yumukod dito.
"Welcome-arf." sabi nito at umupo sa isang silya. "Kayo pala ang mga kasama ni Monique ngayon-arf." sabi nito. Tumango naman kami. Isa-isa na din kaming nagpakilala.
"Uhmm... head chief. Kilala mo po si Monique-senpai?" tanong ko. Tumango naman ito.
"Oo. Madalas din kasing pumupunta si Monique dito. Kaya kilala na namin ito." nakangiting sabi nito. Sabay-sabay naman kaming napatango at pagtingin namin kay Senpai ay abala ito sa pagkain.
Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto. Pumasok ang isang batang lalaki na nakauniporme at isang babae pa sa likod nito.
"Aba nandito na pala ang mga bisita natin." nakangiting sabi ng babae.
Tumayo naman si Chief at lumapit sa babae. "Ito nga pala ang asawa ko, si Anaka. At ito ang bunso namin na si Iuka." pakilala nito sa mga dumating. Magalang naman kaming nagbatian. Ilang saglit lang ay naging tuta na si Iuka at nagtatakbo na ito paakyat. Nagulat naman kami sa nakita namin.
"Gusto ko nga pala sabihin kung bakit ko kayo pinatawag." seryosong sabi nito.
"HA? WHAT the!" gulat na reaction naming lahat sa sinabi ni Chief. Kaya pala pinapunta sina Monique-senpai dito.
"Oo. Ilang araw ng nawawala ang ilang mga bata dito. Lalo na ang mga kaedad ni Iuka. At napag-alaman namin na ilang Wielders ang may sala." malungkot na sabi nito at napabuntong-hininga. Seryoso naman na nakikinig sina Senpai.
"Paano niyong nasabi na Wielders?" tanong ni Maria.
"Dahil hindi sila monstros na tulad namin." sagot nito.
"May alam po ba kayo saan sila maaring nagtungo?" tanong ko.
"Syempre hindi, Alois. Eh di sana napuntahan na agad." sagot sa akin ni Ospe. Sinamaan ko naman ng tingin ito kahit alam ko na may punto ito.
BINABASA MO ANG
Wielders Academy. (The Other Side)
FantasyWielders Academy. (The Other Side) Academy for people who are given supernatural ability and talents. People with such ability are called Wielders. Many can pefectly control their ability. Who can wield their ability completely. But unfortunately...