Chapter 25

27 0 0
                                    

Chapter 25

Self-defense subject. Same name, different use. Idea to use the forza.


"SO, dapat para sa mga announcements, ako ang magsasalita?" sabi ko kay Ate Juno. Tumango naman ito.

"Yup. Itatake advantage natin ang boses mo. Since dahil Princess voice ka, makikinig ang mga tao sa'yo."

"Pero nakakailang pa din kasi." sagot ko naman dito. 

"Wag ka na mailang. Madami ngang advantage yang boses mo. Imbes na mailang ka, itake advantage mo na lang. Malay mo in the future, maging handy sa'yo di ba?" sabi naman ni Kuya Kaho.

"Itake advantage? Paano?"

"Simulan mo sa pag-aaral sa Forza." sabi naman ni Ate Juno. 

"Narinig ko na yan mula kay Monique-senpai."

"Ahh. Alam mo na pala ang forza." sabi ni Kuya Kaho.

"Pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam paano ko gagamitin ang forza na yan para sa Wields ko." Tumayo naman si Ate Juno at may kinuha sa gilid ng clubroom. Pagbalik nito, isang halaman na maliit pa lang ang tubo ang nandoon.

"Di ba Botanical Wield ka din?" tanong nito. Tumango naman ako bilang sagot. "Subukan natin ilagay ang forza mo gamit ang mga Wields mo."

"Paano?"

Naghawak naman silang lahat sa kani-kanilang mga baba. Waring nag-iisip sa paanong paraan iyon magagawa.

"Teka, iniisip ko yung paliwanag ni Ikaru-sensei sa amin." sabi naman nito.

"Si Ikaru-sensei?"

"Oo. Si Ikaru-sensei ang sensei para sa Self-defense subject na meron para sa mga Year Three." sabi pa nito. Nagulat naman ako doon. Di ko akalain na may ganoong subject pala para sa mga nasa third year na.

"May ganyan pala na subject."

"Oo. Para sa mga third year lang. Preparation para pag naghigh school ka na." sabi nito. "Ahh. Naalala ko na." biglang sabi nito. "Ganito. Isipin mo pag nagsasalin ka ng tubig." simula nito. Iminuwestra pa nito ang mga kamay na animo may hawak na pitsel at may baso sa harap namin. "Ang pitsel, yung ang forza mo. Ang baso ang wield mo. Pag iinom ka, di ba tinatantiya mo kung gaano lang ang tubig na iinumin mo?" tanong nito. Lahat kami ngayon ay nakikinig dito kung paano magagamit ang forza sa Wield.

Tinaas nito ang kanang braso na parang nagsasalin sa baso. "Ngayon, iisipin mo yung forza mo, isasalin mo ang forza na meron ka. Iisipin mo kung konti o madami ba. Syempre, pag sobra tatapon, pag kulang, mahina o bitin. Kaya dapat maimagine mo kung gaanong lakas lang ang kailangan mo." paliwanag nito sa amin. "Alam ko mahirap. Pero ipapakita ko sa'yo paano gamit ang Wield ko." sabi nito at tumuwid ng tayo. "Halika dito, Convea. Pati, ikaw, Vhol." sabi pa nito. Lumapit naman ang dalawa sa harap ni Ate Juno. "Humarap kayo sa kanila." sabi nito at humarap sa amin sila. Nasa likod nila si Ate Juno. Inaantay namin ang gagawin ni Ate Juno. Pero ilang saglit lang, bumuka ang bibig ni Ate Convea.

"The news about the recent happenings for our school fest..." sabi nito na sobrang nagtataka dahil bumubuka na lang ang bibig nito pero di kontrol ang sinasabi. Ang naririnig namin ay biglang malakas tapos biglang humihina. Nagtataka kami sa nangyari. Napatigil naman si Ate Convea. Agad na lumingon kay Ate Juno.

"A-anong nangyari, Ate Juno?" nagtatakang tanong nito. Maging si Vhol man ay nakatingin lang dito.

"Ginamit ko ang Wield ko. Broadcasting. Since si Convea ay radio static, naglagay ako ng forza kay Convea sa pamamagitan ng paghawak ko dito para siya ang magrelay ng ibbroadcast ko. Ang isang kamay ko naman ay nakahawak kay Vhol para iadjust ang volume sa static ni Convea." paliwanag nito. Namangha naman kami dito.

Wielders Academy. (The Other Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon