Chapter 10
Summer. Wielders Bullexpress. 8th Squad Quarters.
"ANG init!" reklamo ko habang pumapasok na kami. Ngayon kasi pasimula ang summer season. Four seasons din dito sa Wielders Continent.
"Nakashort sleeves na nga tayo eh. Nagrereklamo ka pa." sita ni Sav.
"Saka parang di ka galing sa tropical na bansa kung magreklamo ka." natatawa pang dagdag ni Chia. Sinimangutan ko naman ang mga ito.
"Eh sa mainit na talaga."
"Simula pa lang to, Maria. Pag kalagitnaan na lalong mainit talaga." sabi naman ni Ospe.
"Kaya wag ka ng magreklamo dyan. Tara na sa clubroom." sabi ni Alois at tumuloy na kami sa clubroom. Pagkadating namin ay nandoon na si Pharger.
"Sanza!" sabi nito gamit ang kanyang napakalamoys na tinig. Sabay-sabay naman kaming napahawak sa dibdib namin.
"Kung ganito ang boses na bubungad sa akin nakakawala ng init." relief na sabi ko.
"Tama!" agree naman ni Chia.
"Phar, mag-apron ka na din para mas bet." suhestiyon pa ni Sav. Sinamaan naman kami ng tingin nito.
"Ipapaalala ko lang na lalaki pa din ako at boses ko lang ang iba." seryosong mukha nito. Pero nilapitan lang naming mga babae ito at kinurot sa pisngi.
"Cute mo talaga Pharger!" natutuwang sabi namin at nagsiupo na sa sofa. Dahil may locker kami ay nandito na din ang ibang mga gamit namin.
"Ikaw lang nandito, Pharger? Nasaan si Monique-senpai?" tanong ni Ospe.
Tumango naman ito. "Hindi ko nakita si Monique-senpai. Baka nasa 8th Squad quarters pa."
"Hala! Bakit nandoon pa siya eh magstart na ang klase mamaya." -Chia.
"Oo nga. Lagot na naman siya kay Ikaru-sensei." -Alois.
"Ayiiee. Concern siya." tudyo naman ni Ospe dito na binatuhan lang ng screw driver ni Alois.
"Antayin na lang natin. Baka mamaya late na naman yun." sabi ko na lang. Nagstay pa kami at pagkatapos nun ay nagsipuntahan na kami sa mga classroom namin.
PERO ilang araw ang lumipas at di namin nakita si Monique-senpai.
"Maria." tawag sa akin ni Janik-sensei.
"Yes, Janik-sensei?" sabi ko at lumapit dito.
"Pinapatawag ka ni Ikaru-sensei. Nasa may faculty room siya para sa mga second year." nakangiting sabi nito sa akin at tumango naman ako. Sobrang kinakabahan ako.
Hala! Bakit? Anong ginawa ko? Never pa naman akong nalate, di ba? Wala naman akong nilabag na rules, eh. Bakit? BAAAKKKKKIIIIIIITTTTTTT?????
At di ko namalayan na nasa tapat na ako ng faculty office. Huminga muna ako ng malalim at saka kumatok ng tatlong beses. Pagkatapos ay ini-slide ko pabukas ang pinto.
"Yes?" tawag sa akin ng isang babae.
"Sanza." bati ko at bahagyang yumukod. "I'm Maria Miranda Torres. Year 1 Sec 7. Pinapatawag daw po ako ni Ikaru-sensei." sabi ko. Ngumiti naman ito sa akin.
"Sanza. I'm Olida Presta. Isa akong math teacher." pakilala nito.
"Sanza Presta-sensei."
"Si Ikaru-sensei, di ba?" tanong nito at tumango ako. "Nandoon siya. Dun sa may corner." sabi nito at tinuro si Ikaru-sensei na abala sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Wielders Academy. (The Other Side)
FantasyWielders Academy. (The Other Side) Academy for people who are given supernatural ability and talents. People with such ability are called Wielders. Many can pefectly control their ability. Who can wield their ability completely. But unfortunately...