Chapter 24

27 0 0
                                    

Chapter 24
Informal. Almost same wield. Different clubs.


LAHAT kami ay nakaupo. Pinag-iisipan ang mga gagawin namin. Di rin naman kasi namin inaasahan na kailangan ang HHCW ngayon.

"Sabagay. Magiging abala naman talaga ang lahat ehh. Syempre, kailangan paghandaan yung mga ganitong bagay lalo na at isang beses sa isang taon lang naman, di ba?"

"Oo nga. Kaso ayun lang, meron din naman tayong class booth ehh." sabi naman ni Sav.

"Pero nagulat talaga ako kay Phar. Kasi madalas niyan 'Ayaw ko. Bakit boses ko na naman?'" sabi ni Ospe na pilit pa ginaya ang boses ni Pharger. Napatingin naman kaming lahat dito.

"Gaya nga ng sabi ni Senpai, mahina ang forza ko. Kung gusto ko din talaga mapalakas ang sarili ko, dapat gumawa din ako ng paraan." sabi ni Phar. Napatango naman kami.

"Tama. Saka sabi na din ni Sensei. Maganda na naeexpose tayo sa iba't-ibang environment para maimprove ang mga Wields natin. Saka experience na din sa atin ito. Gawin na din natin 'to para makapagtrain." saad naman ni Alois.

"Sabagay. Lalo na may Final Overall Exams pa tayo. Kailangan maipakita natin na nag-improve na din tayo." sabi ni Chia at naghain ng barley tea sa lamesita.

"Pero kakayanin ba natin? May class booth din tayo."

"Sabi nga ni Sensei, kausapin muna natin yung mga senpai natin para maiayos natin yung sched natin para sa paggawa ng booth at sa pagtulong sa kanila." paalala ni Sav. Sumang-ayon kami. Matapos nun ay bumalik na din kami sa classroom para tumulong.



"AYOS lang noh. Wag niyo na masyadong isipin yun. Syempre yan ang motive sa club niyo di ba?" nakangiting sabi sa amin ni Ashi. Kaharap namin sina Doer,Olga at Evans. Nagpaalam kasi kami sa kanila na kailangan kami sa clubs ng iba-ibang clubs dahil request iyon para sa club namin.

"Oo nga. Madami-dami din naman tayo dito. Pagkatapos niyo sa ibang clubs, dumiretso na lang kayo dito." sabi naman ni Olga.

"Saka may isang duplicate naman si Chia para tumulong sa pagtatahi sa mga costumes natin ehh. At least sa decor at mga ibang preparations na lang ang talagang aasikasuhin na maigi pag malapit na ang Middle Fest." dagdag pa ni Evans. Tumingin ito sa notebook nito. "May ilang days pa naman tayo. Maganda na din na magtulungan na tayo para mas mapaganda ang Middle fest. After all, first Middle Fest natin ito." nakangiting sabi ni Doer na sinang-ayunan naman nila. Nagkatinginan naman kami at impit na napatili.

"Salgazie, guys. If ever na need niyo din ang tulong ng HHCW, wag kayong mag-alinlangan na magsabi ha?" masayang sabi ko sa kanila. Nagpaalam na kami at nakita namin si Phar na naghihintay sa labas.

"Ohh ano? Okay ka na?" tanong ni Alois dito. Tumango naman ito.

"Ohh siya, guys. Tara na. Pumunta na tayo at pakiramdam ko sobrang nakapapagod itong mangyayari sa atin." hindi pa man kami nagsisimula ay parang pagod na sabi ni Chia. Sumang-ayon na lang kami at naghiwa-hiwalay na ng daan.



HUMINGANG MALALIM muna ako ng mapatapat ako sa Broadcasting Room. Wala talaga akong idea anong gagawin, pero pumayag na lang ako para mapagbuti pa ang Wield ko.

Kumatok ako sa pinto. Narinig ko na lang nasinabing pasok at tumuloy na ako. Doon ay naabutan ko sina Kaho-senpai at Juno-senpai. Pati na din ang ibang estudyante na sa tingin ko ay miyembro pa ng club.

"Ohh, hello Phar! Buti nakapunta ka." masayang sabi ni Juno-senpai. "Sa totoo lang kinakabahan pa nga ako baka di ka pumunta." natatawang sabi pa nito.

Wielders Academy. (The Other Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon