Chapter 18

34 0 0
                                    

Chapter 18
Permit. Little Tips. Trouble.

"PWEDE ba yun, Senpai? Di tayo elementary, di ba? Paano tayo makasasali sa school fest nila?"

"May elementary naman tayong kasama, di ba?" tukoy nito kay Aprion. "Saka sa elementary premises naman tayo gagawa ng booth. Kaya sa tingin ko pwede naman."

"Mabuti pa itanong muna natin sa homeroom teacher ni Aprion yun." suhestiyon ni Chia. Sumang-ayon naman kami.

"Teka. Sino ba ang homeroom teacher mo?" tanong ni Ospe.

"Si Sidney-sensei."

"Sakto! Homeroom teacher din namin siya last year." -Alois.

Naglakad na kami papunta sa staff room. Pagkarating namin ay agad na kumatok kami at patagilid binuksan ang pinto. Naabutan namin si Sidney-sensei sa loob kasama ang ibang mga sensei.

"Sidney-sensei!" masayang tawag namin dito.

"Ohh kayo pala." masayang tawag din sa amin nito. Tumayo ito at lumapit sa amin. "Anong ginagawa niyo dito?"

"Magtatanong po sana kami tungkol sa school fest." sabi ni Sav.

"Ohh? Anong itatanong niyo?"

"Tungkol sana kay Aprion." panimula ni Sav.

"Anong meron kay Aprion? Naku hinahanap ko nga ang batang yun at nawawala na naman! Baka kung saan saan na napupunta. Iniiwan ko na nga lang ng notes sa desk niya para alam niya mga gagawin niyang activities na nalagpasan niya." kwento nito sa amin.

"Actually kasama namin siya, Sensei." sabi ko at humakbang pagilid. Lumitaw mula sa likod ko si Aprion at katabi si Senpai na nakapatong pa din ang braso sa ulo nito.

"Yo! Sidney-sensei!" biglang sabi ni Monique-senpai.

"Monique!" gulat na gulat na sabi nito. "Anong ginagawa mo din dito? Baka nagcucutting ka na naman para makatulog ha?" sita nito. Tumawa lang si Senpai.

"Member ako ng club nila, Sensei." simpleng sagot nito. Tumango naman si Sidney-sensei.

"Tungkol mga kay Aprion, sensei. Kung pwede sana kami makiusap tungkol doon." sabi ko at sa mabilis na paraan, pinaliwanag ko ang situasyon ni Aprion. Tumango-tango naman si Sensei sa amin.

"Naku po. Yung kumakalat pa lang multo dito sa school ay ito lang pa lang estudyante ko na laging nawawala." sabi nito at napahilamos sa mukha.

"Yun nga, Sensei. Kaya hanggang ngayon, medyo nahihirapan pa si Aprion at wala pa siyang mga kakilala dito. Kaya sana ipapakiusap namin na kung ayos lang na tulungan namin siya dito sa school fest."

"Sige. Kakausapin ko si Batany-sensei para sa ibang available na room." sabi nito sa amin. Napangiti naman kami at napatalon. "Pero kailangan niyo munang kumuha ng excuse letter mula sa homerooom teacher at club advisor niyo na pwede kayong magparticipate sa Elementary School Fest." bilin nito sa amin. Tumango naman kami. Madali na lang sa amin yun dahil iisa lang naman sila. Napansin namin ang pagngiwi ni Senpai.

"Ohh bakit, Monique?" tanong ni Sidney-sensei dito.

"Ehh kasi naman Sensei, kailangan pa ba talaga yan?"

"Oo naman. Syempre magsskip kayo ng ilang classes at lessons. Kaya mabuti na may letter kayo." paliwanag nito. "Bakit, sino ba ang homeroom teacher mo?"

"Si Ikaru-sensei." nakangiwing sabi nito. "Sasakalin muna ako nun bago ako payagan." Napangiwi din si Sidney-sensei. Nakauunawang tumango at tinapik pa ito sa balikat.

"Kaya mo yan." nakangwing sabi nito habang tumatango-tango lang. Tumingin ito sa amin. "Basta ibigay niyo lang ang letter ng mas maaga, para mas maaga kayo makapagprepare."

Wielders Academy. (The Other Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon