Chapter 26
Transpo. With Forza. Little Improvement.
MABILIS lumipas ang mga araw. Sa sobrang abala nga namin, pagod na pagod na kaming nakakabalik sa dorm. Parang babangon tapos mag-aayos ng sarili at pagkapasok sa school, abala na kami sa iba't-ibang clubs. Minsan nga di pa kami nagkikita kahit nasa isang dorm lang kami. Maging sa classroom namin, minsan di rin kami nagpapaang-abot para tumulong sa klase namin.
"Wow. Tamang-tama at natapos niyo na din ang mga makina para sa Floating Wheels." humahangang sabi ni Cheo-senpai ng makita niya na tapos na ang Floating Wheels na pinagawa niya sa amin. Ang Floating Wheels ay isang uri ng masasakyan. Mukha itong isang Wheelchair. Ang kaibahan nga lang, lumulutang ito. Para kasi ito sa mga matatanda o mga hirap makalakad. Ang makina na inayos namin ay para makalutang ang Floating Wheels. May mga nasa limampung piraso din ang ginawa ng club nina Senpai.
"Oo nga, Cheo-senpai. Buti na lang at tapos na." sabi ni Wotta. First Year din na tulad ko.
"Ikabit na natin para maitest na. Kailangan pa natin tapusin ang Touring Train para makapaghanda na tayo sa paglalagay sa kanila para sa nalalapit na Middle Fest." dagdag pa ni Cheo-senpai. Biyernes na kasi at sa lunes na kasi ang Middle Fest. Ang Touring Train na sinasabi nito ay tren na pwedeng magtour sa buong campus na ang mga booth ay nasa labas. Para sa mga gusto lang na tignan ang buong campus sa madaling paraan.
Ginawa naman namin ang sinabi nito. Isa-isa namin na kinabit ang mga makina sa mga nakahandang Floating Wheels. Isa-isa din namin na sinubukan kung tama ang pagkakakabit at paggana. Nang makuntento kami, agad na lumabas kami para sa Touring Train. Sa haba kasi, sa labas na lang nilagay para maayos ng lahat.
"Paradi! Halika dito at kailangan ka namin!" sigaw ni Fabel-senpai. Nasa tabi ng Touring Train. Hawak-hawak nila ang isang malaking screw.
"Ito na!" sabi ni Paradi. Paradi Torin. Year 1 Section 5. T Type. Screw Wield. Kaya nitong maging isang Screwdriver. Lumapit naman ito kina Fabel-senpai. Tinaas nito ang mga braso at pinagdikit. Ang mga magkadikit na mga palad nito ay naging isang screwdriver. Binuhat naman nila si Paradi. Idinikit ang mga kamay sa screw at inikot-ikot para mailagay ng tama ang screw. Nang matapos ay ipinilig nito ang ulo para mabawasan ang hilo. Napatingin naman ako sa mga kamay ko.
Buti na lang di nagiging ganun ang mga kamay ko. Baka ako ang iniikot-ikot nila.
"Ohh ano, Alois. Ayusin na natin ang makina para sa mga Floating cabs?" tanong ni Fabel-senpai na abala sa pagtatanggal sa grasa na nasa kamay. Ang Floating Cabs ay maliliit na taxi. Parang capsule lang na kasya ang tatlong tao. Kaya nitong magpaikot-ikot sa loob at labas ng building depende sa destinasyon na gusto mo.
"Sige, Fabel-senpai." sabi ko. Naglakad na kami papunta sa mga nakahilerang Floating cabs. Binuksan ko ang mga tools ko. Binuksan kung saan ang pinaglalagyan ng mga makina sa likod. Tinignan ko ito. Kinuha ko ang screwdriver ko. Huminga akong malalim. Concentrate ako sa hawak ko. Ilang saglit lang, nakita ko ang isang munting liwanag sa dulo nito. Saka ko inayos ang mga nakikita ko na dapat ayusin. Sumenyas naman ako kay Fabel-senpai. Binuhay nito ang makina at nakita na maganda ang takbo. Pinatay nito iyon at bumaba na. Nakangising lumapit ito sa akin.
"Tama ang pagkakalagay mo, Alois. Buti at natuto ka kahit papaano sa paggamit ng forza mo."
"Oo nga. Handa na ang mga gagamitin na transpo para sa fest." biglang sabi ni Cheo-senpai at umakbay pa sa akin.
"Salgazie sa pagtuturo sa akin, mga senpai." sabi ko sa kanila. Nagkibit balikat naman sila.
"Wala yun. Salamat din sa pagtulong mo sa amin kahit biglaan ang paghingi namin ng tulong." sabi ni Cheo-senpai. Humarap ako sa kanilang lahat at yumuko.
BINABASA MO ANG
Wielders Academy. (The Other Side)
FantasyWielders Academy. (The Other Side) Academy for people who are given supernatural ability and talents. People with such ability are called Wielders. Many can pefectly control their ability. Who can wield their ability completely. But unfortunately...