Chapter 20
Choose. Math Expertise. Ready for Exams.INABOT sa akin ni Janik-sensei ang Activity Log Book ng club. Sinusulat kasi ng secretary doon ang attendance, needs, activities at club project. Nakangiting tumingin ito sa sa amin.
"Well done, guys. Very good ang ginawa niyo dito." nakangiting sabi nito. Sinulat kasi ni Ospe ang mga ginawa namin nung community service at noong Elementary School Fest."At dahil dyan, wala na kayong community service. Back to normal na kayo." Napangiti kaming lahat.
"Sa wakas! Di na kami maglilinis!" masayang sabi ni Ospe at nagtatalon pa talaga.
"Oo nga! Di na kami gigising maaga!" segunda ni Alois.
"Hep. Wag masyadong magsaya. Ipapaalala ko lang na nakalimutan niyo na din ang clubroom niyo. Aba, parang binagyo na din dito. Mukhang ito naman ang nangangailangan ng community service." naiiling na sabi ni Janik-sensei at inikot-ikot ang tingin sa buong clubroom. Napangiwi naman kaming lahat. Tama kasi ito. Simula kasi ng magcommunity service kami, dito na namin ginagawa yung ibang schoolworks tapos iiwan na lang namin. Pati mga pampalit namin nandito na din. Di na kasi namin iniiwan sa dorm para madali namin balikan.
"Yes, Sensei. Lilinisin po namin." sabi ni Chia.
"Okay. Good. See you tomorrow." sabi nito at nagpaalam na.
"Hays. Ano ba yan. Akala ko tapos na." nanghihinayang na saad ni Ospe. Tumango naman si Alois.
"Oyy wag kayo magreklamo dyan. Aba, kayong mga lalaki talaga ang makakalat." sita ni Sav at pinagtuturo ang mga nagkalat na gamit. Nandoon ang mga tools at iba pang mechanic stuffs ni Alois na ginamit nito nung nakaraang elem. fest. Nagkalat din ang iba't-ibang libro at mga papel na pinagpractisan ni Ospe para sa signboards nito. Nagkalat din ang ibang mga gamit pa nila. "Ohh siya. Magsimula na kayo." utos pa nito. Bumuntong hininga na lang ang dalawang lalaki.
"Yes,Maam." sabay nilang sagot at nagsipagkilos na.
"Buti pa si Phar, ang ayos ng gamit." sabi ni Chia.
"Syempre kasi---"
"Princess, ehh." sabay na sabi nung dalawa. Sinamaan ito ng tingin ni Pharger.
"Maayos lang talaga ako sa gamit ko!" singhal nito sa dalawa. Tumawa lang sila at nagbalik na sa paglilinis.
Okay na din ito. Clubroom lang kesa buong Building.
"MALAPIT na ang school fest natin ha." biglang sabi ni Chia. Napaangat naman kami mula sa paggawa ng assignments namin.
"Oo nga noh? Anong plano natin?" tanong ni Sav at binaba ang hawak na ballpen.
"Teka. Paano ba ang proseso? Kasi sa elem per club, di ba?" tanong naman ni Ospe na humihikab na dahil sa dami ng binabasa at sinusulat.
"Same lang naman halos sa elementary. Kaso sa middle school at high school, may kanya-kanyang booth ang per classroom. Ang per club naman ang magdedecide kung magbobooth sila o hindi." biglang sabi naman ni Monique-senpai na nakahiga sa sofa. Humikab pa ito. Teka nag-aaral ba talaga si Senpai?
"Ahh. So it means, senpai, ang classroom ang magdedecide na? Tapos tayong club bahala na?" tanong naman ni Alois dito. Tumango habang humihikab naman si Senpai dito.
"Ehh di kung ganoon lang din, para sa akin, mabuti na din siguro kung wala tayong gawing booth para sa club." sabi ko.
"Ha? Bakit naman, Maria?" -Sav.
"Kasi syempre magiging abala tayo sa booth para sa room natin. Kaya mahihirapan tayo. Saka for sure, sina Phar at Senpai din naman may gagawin sila." katwiran ko dito. Mukhang napaisip ito. Tapos tumango.
BINABASA MO ANG
Wielders Academy. (The Other Side)
FantasyWielders Academy. (The Other Side) Academy for people who are given supernatural ability and talents. People with such ability are called Wielders. Many can pefectly control their ability. Who can wield their ability completely. But unfortunately...