Chapter 2.
The Underwater Breather Wielder who wants to...
First Part
"SIGURADO ka bang okay ka na Miss?" paniniyak pa ni Chia.
"Oo. Thank you. And I'm Mimari Wretha. Year 1 Section 5. E Type. Underwater Breather Wield."
"Oh. Mimari pala. Ako naman si Prospero Donato Ramirez Asturias. Ospe na lang. S Type. Decoder Wield. 1-7 naman kami. "
"Alois Swartzell. T Type. Componing Wield."
"Savanna Paige Smith. P Type. Strenght Wield."
"Maria Miranda Torres. M Type. Voice Wield."
"Chia. Chiamaka Fofona. U Type. Duplication Wield."
"Ano nga palang ginagawa mo dito?" -Alois.
"Hiding." -Mimari.
"Ha? Bakit naman? Panigurado kung makikita ka ng Swimming club... irerecruite ka nila." -Sav.
"Kaya nga ako nagtatago eh."
"Eh? Sayang naman. Paniguradong malaking tulong ka sa swimming club." -Ospe.
"Hindi din. Hindi naman din kasi ako marunong lumangoy." sabi ni Mimari. "Saka ibang club ang gusto kong salihan." nakayukong sabi nito sa huli. Pero agad namin na inalalayan ang aquarium na nasa ulo nito dahil nga sa ilalim lang ng tubig ito humihinga.
"Anong club naman ang gusto mong salihan?" -Sav.
"...is..."
"Ha?" -Chia.
"is..."
"Ano ulit?" -Alois.
"is." Nagtinginan naman kami. Parehong nalilito. Syempre mahina na salita nito. Nagbububbles pa ang tubig.
"Lakasan mo kaya Mimari."
"TENNIS! GUSTO KONG MAGTENNIS!" sigaw nito dahilan para matalsikan ang ibang tubig at agad na napaubo ito. Agad namin nilagyan ng tubig ulit ang bowl nito. Nagpasalamat naman agad ito.
"Dahan-dahan lang Mimari. Muntik ka na." -Chia.
"Saka... seryoso ka ba dyan?" di makapaniwalang tanong ni Ospe.
"Tennis talaga? Alam mo ba kung gaano kadelikado yun para sa'yo?" -Sav.
Tumango naman si Mimari. "Alam ko. Kaya nga hanggang panood na lang ako." at lumingon sa tennis court. Kaya pala nandoon namin siya naabutan. Gusto pala nitong sumali sa tennis.
"Paano ka makakasali kung may aquarium ka sa ulo? Di ba dapat yun muna isipin mo?"
"Tingin mo ba hindi ko iniisip yun?"
"Sabi ko nga eh."
"Oo nga pala, Mimari. Paano ka pala natutulog?" curious na tanong ni Alois.
"Paano? Eh di nakapikit."
"I mean... di ba dapat may tubig ka? Hindi ka naman nakababad sa bathtub o sa pool di ba?"
"Ayy oo nga noh? Paano nga?" -Sav. At nacucurious na tinignan namin ito. Kasi yung aquarium niya nasa ulo. Pero nakaseal sa bandang leeg para di matapon. Yung nga lang...hindi ito pwedeng yumuko dahil tatapon ang tubig.
"Ahh... ganito yun... may water bed ako... para di masakit sa katawan ko. Tapos may mas malaki na aquarium sa ulunan ko. Tapos nakadapa ako matulog." paliwanag nito. Lahat naman kami ay napa-ahh. Mukhang ang hirap ng pagiging incomplete nito.
BINABASA MO ANG
Wielders Academy. (The Other Side)
FantasyWielders Academy. (The Other Side) Academy for people who are given supernatural ability and talents. People with such ability are called Wielders. Many can pefectly control their ability. Who can wield their ability completely. But unfortunately...