Chapter 15
Community Service. School Festival. Rumored Ghost."SIGURADO ba kayo na okay lang kayo?" tanong sa amin ni Senpai. Tumango naman kami dito.
"Oo, Monique-senpai. Kaya na naman. Saka taga dito din naman si Pharger at alam na naman namin paano bumalik sa dorm." sagot ni Chia. Tumango lang ito sa amin. Paglabas namin, nagulat kami na palubog na pala ang araw. Hinatid kami nina Aquil-guerja at Monique-senpai hanggang sa sakayan ng bus.
"Hala! Gagabihin na tayo sa pag-uwi. Paano pa yung mga homeworks natin?" sabi ni Alois at tumingin sa kanyang Wachwil. Napansin ko ang pagkunot ng noo nito.
"Ohh bakit, Alois?"
"Tignan mo ang Wachwil mo, Maria." seryosong sabi nito. Tinignan ko naman ito. "Ohh anong meron?"
"Yung oras at petsa."
Tumingin ako dun at nanlaki ang mga mata. "Teka, bakit Vienred (Biyernes) na agad?" sigaw ko. Dahil Martue (Martes) lang naman nung kami pumunta sa 8th Division Quarters.
Pati sina Ospe,Chia, Sav at Phar ay napatingin na din sa kanilang mga Wachwil.
"Di kaya sira ito?" tanong pa ni Chia.
"Hindi sira yan." simpleng sagot ni Monique-senpai. Tumingin kaming lahat dito. "Alam niyo ba kung bakit mas maliit lang ang lifespan ng mga hayop kesa sa tao?" tanong nito. Umiling naman kami. "Kasi pag natutulog sila, katumbas na yun ng ilang araw o linggo sa atin. Kaya mas maikli ang lifespan nila."paliwanag nito. Nalito naman kami.
"Ehh di Senpai, di ba dapat ilang oras lang sa atin ang araw nila pag ganun?" tanong ni Alois. Tumango si Monique-senpai.
"Pero di pareho yun sa Earth. Kabaligtaran sa kanila. Mas mahaba ang lifespan ng mga Monstros kaya mas mabagal ang oras nila." sabi ni Aquil-guerja.
Lahat kami ay laglag ang panga sa narinig.
"P-paano na yan? Lagot tayo sa school!" natatakot na sabi ni Sav at napatakip pa sa bibig.
Ikinumpas naman ni Monique-senpai ang kanang kamay nito sa amin. "Wag niyo na gaanong isipin. Pupunta din naman ako sa HQ para dalhin ang mga nahuling kriminal at magreport na din. Ako na din magpapaliwanag sa nangyari."
Sukat sa sinabi nito, agad na dinambaan namin ito ng yakap. "Salgazie, Senpai!"
"Ohh siya wag niyo na isipin. Magpahinga kayo pagbalik niyo sa dorm niyo." bilin nito sa amin. Tumango naman kami.
"Nandyan na yung sasakyan niyo." imporma ni Aquil-guerja. Sumakay na kami at nagpaalam na sa kanila.
PARE-PAREHO kaming nakaupo sa may tatami mat na nandito ngayon sa clubroom namin. Yung upo namin yung tipong upo sa mga hapon. Lahat kami nakayuko habang nasa tapat namin sina Janik-sensei at Ikaru-sensei.
"Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Ikaru-sensei at ipinakita sa amin ang isang papel. "Nagpunta kayo sa Monstrosity ng wala man lang permiso?" di makapaniwalang sabi nito.
"Come on, Ikaru-sensei. Naipaliwanag na naman sa report, di ba?" depensa ni Janik-sensei.
"Report? Aba ang report dito, nagfield trip kayo habang nasa mission ang 8th Division Squad!" inis na sabi nito. Tinignan namin ang papel na sinasabi ni Ikaru-sensei. Lahat naman kami ay lihim na napangiwi sa nakasulat.
It was an accident. They accidentally entered the portal with us to Monstrosity Wol. So I decided to let them join the mission and took it as our first club field trip. Please let it slide. Te-he 😋
Walanghiya Monique-senpai! Anong field trip? At nakuha mo pang maglagay ng Te-he at may drawing pa talaga!
"Wala na din naman tayong magagawa. Nakabalik naman sila ng maayos di ba?" depensa pa din ni Janik-sensei. Naikwento na kasi namin kay Janik-sensei ang nangyari pagkapasok na pagkapasok pa lang. Hays. Buti talaga nandito si Janik-sensei. Kaya si Janik-sensei ang school teacher idol ng school dahil sa maganda na, mabait pa. Samantalang si Ikaru-sensei naman ang scariest teacher ever.
BINABASA MO ANG
Wielders Academy. (The Other Side)
FantasyWielders Academy. (The Other Side) Academy for people who are given supernatural ability and talents. People with such ability are called Wielders. Many can pefectly control their ability. Who can wield their ability completely. But unfortunately...