Chapter 13
Casual. U-Type Suspects. Sudden Attack.
MATAPOS nun ay bumalik na kami. Pagkalapit namin ay lumapit si Lav kay Maria. Inamoy-amoy nito si Maria. Nagtataka naman na tumingin kami dito.
"Iba talaga ang amoy mo." sabi nito. Nagkatinginan naman sina Monique-senpai at Maria.
"Hala ka, Maria. Baka kakamadali mo, hindi ka na naliligo." sabi pa ni Ospe habang winawagayway ang hintuturo nito kay Maria. Napanguso naman si Maria.
"Oo nga Maria." sabad ko pa.
"Pati ba naman ikaw, Chia?" nakangusong sabi nito.
"Eh di si Senpai hindi din naliligo kasi magkaamoy daw sila." sabi naman ni Sav na nagpatawa sa amin.
"Oo nga. Senpai hindi ka naligo noh?"
"Araw-araw ako naliligo noh." sabi nito at iningusan lang kami.
"Tara na nga at gabi na. Matulog na tayo." aya ko sa kanila. Nagsitanguan naman sila. Akmang hihiga na din kami ng may maalala kami.
"Saan nga pala tayo tutulog?" sabay-sabay pa namin na sabi. Nagkatinginan naman sina Senpai at Deputy.
"Sandali lang at may kukunin lang ako." biglang paalam ni Lav at mabilis na nagtatalon ito palayo kasama sina Volp at Noe.
"Oo nga pala. Sandali lang." sabi ni Senpai. Tinaas nito ang kaliwang kamay at ilang ice tent ang ginawa nito. "Ayan. Para sa mga lalaki, babae, mga JMP." sabi nito. Tapos ay gumawa naman siya ng simpleng papag na yelo at tig-iisa sila nina Deputy Ovsali at Deputy Cityz. Gulat naman kami.
"Senpai, dyan lang kayo sa labas? Hindi ba kayo sa loob ng tent?" tanong ni Maria. Nagkibit balikat naman sila.
"No. Dito kami sa labas. Tutal nandito tayo sa Notre Foresta, maganda na meron isang magbabantay." sabi ni Deputy Ovsali.
"Tama. At kung may wimostros man na biglang magpakita, kaya namin aksyunan agad." sabi pa ni Deputy Cityz. Napatango naman kami at bumalik na sa loob ng tent.
"Nakakapanibago. Para tayong nagcacamping." sabi ni Sav. Tumango naman kami.
"Oo nga. Kaso mukhang malamig sa gabi." sabi ni Maria. Nakarinig naman kami ng katok. Pagsilip namin ay nakita namin sina Lav na may hawak na mga malalaking dahon at inabot sa amin ang iba.
"Alam ko na hindi kayo sanay sa ganito. Kaya ito, sana makatulong laban sa lamig dito sa Foresta lalo na pag gabi." paliwanag nito. Ngumiti naman kami ng malaki dito.
"Mucro salgazie, Lav." pasasalamat namin dito. Tumango naman ito at inabot na sa iba ang dahon. "Teka Lav, saan ka pala?" tanong ko dito.
"Dito ako katabi nina Noe at Volp." sabi nito at sumandal na sa katawan ni Volp. Kinumutan naman ito ni Noe gamit ang malaking buntot nito.
"Noightte!" sabay-sabay namin sabi at natulog na.
KINABUKASAN ay tinuloy namin ang paglalakad. Mas nagdesisyon kasi kami na agahan para mahanap namin agad ang mga salarin. Pasipol-sipol naman si Monique-senpai.
"Gutom na ako." biglang sabi nito at agad na binatukan ito ni Deputy Ovsali.
"Hoy Monique! Ikaw na nga may pinakamaraming nakain, tapos ikaw pa magsasabi na gutom ka na." sita nito. Napahimas naman si Monique-senpai sa ulo nito.
"Ehh sa gutom pa talaga ako, Ikarus-nii." atungal nito.
"Senpai, bakit nii lang ang tawag mo?" takang tanong ko. Tumingin naman ito sa akin.
BINABASA MO ANG
Wielders Academy. (The Other Side)
FantasyWielders Academy. (The Other Side) Academy for people who are given supernatural ability and talents. People with such ability are called Wielders. Many can pefectly control their ability. Who can wield their ability completely. But unfortunately...