Chapter 22

17 0 0
                                    

Chapter 22

Fight With Trainy. Practical Exams. First Overall Exams done.


HINIHINGAL pa din ako. Kanina pa kasi ako umiiwas kay Trainy. Ang bilis din kumilos nito. Akala ko dahil punching bag lang siya kanina, susuntukin lang namin.

Aba malay ko ba na ito pala ang susuntok! May sipa pa!

Hinawakan ko ang tagiliran ko na sinipa nito. Ramdam na ramdam ko ang sakit dito. Ikaw ba naman ang sipain at lumipad ehh.

"Nandyan sa tabi mo ang mga kahon. Humanap ka ng gagamitin mo." sabi ni Sensei. Lumingon-lingon naman ako at napansin ko ang ilang kahon nga sa tabi. Kahit masakit, pinilit ko maglakad papunta doon. Tinignan ko ang kahon. Ilangmga gamit na sa totoo lang, di ko alam kung makatutulong ba talaga. May tela, salamin, plastic na bulaklak, water color, tubig pati nga bulak meron.

Mahinang napamura ako. Anong gagamitin ko sa mga ito? Nag-iisip ako ng marinig ko ang pagsigaw sa pangalan ko.

"Ospe!" sigaw nila at paglingon ko, nasa likod ko na si  Trainy at aatake na naman. Kinuha ko ang kahon at mabilis na lumayo. Tumingin ako at nakita ko naman ang kailangan ko.

"Pwede na 'to." mahinang sabi ko. Dala-dala ang mga hawak ko, mabilis na tumakbo ako palayo kay Trainy. Di ko na iniinda ang sakit na nararamdaman ko. Nang maisip ko na may distansya na ako mula dito, nilabas ko ang tubig. Binuhos ko sa water color. Gamit ang bulak, sinawsaw ko dun ang bulak at nagkaroon ito ng kulay. 

Sakto naman na pagkatapos ko, malapit na si Trainy sa akin. Umatake sa akin ito. Umiilag lang ako. Nang makita ko na may opening sa gilid, pinunas ko ang bulak doon. Sa bawat opening sa katawan nito, pinapahid ko ang bulak. Nang makontento ako, lumayo ako. Hawak ang bulak, bumulong ako.

"Decode." sabi ko. Lumabas sa pintura na pinahid ko ang iba't-ibang salita. Mga salita na ako lang ang nakakakita. Nakasulat sa mga pinahid kong pintura kung saan gawa si Trainy. Ang mga materials sa punching bag, at saan ang weak point nito. O mga parte kung saan worn out na ang balat nito. Kaya ng sumugod si Trainy, inipon ko ang lakas ko at ginamit ulit ang Wield ko.

"Visible." sabi ko. Naging malinaw na sa lahat ang mga parte. Pati na din ang mga kulay na nilagay ko kanina. Tinawag ko ang atensyon ni Trainy. "Trainy! May mga sulat ka!" sabi ko. Tumigil ito at tinignan ang katawan pero nagsalit ulit ako. "Invisible." Nawala na naman ang sulat. Nang maging abala na ito sa paghahanap, agad na sinugod ko ito. 

"Right image. Visible." sabi ko at nagpakita ang sinulat kong code sa kanan nito. Doon tumingin si Trainy kaya sinamantala ko ang pagkakataon. Agad na sinuntok at sinipa ko ito ng madami sa kaliwa. Nang tumingin ito sa akin nagsalita na naman ako. "Back image. Visible." Lumingon si Trainy at sinamantala ko naman ang harap nito. "Left image. Visible." sabi ko. At inalternate ko lang paulit-ulit hanggang sa biglang naging steady na lang si Trainy. Biglang nagliwanag ang screen sa harap nito.

10K.

10P.

5W.

Naging normal na punching bag ulit si Trainy. Hingal na hingal ako. Lumapit sa akin si Icalyp-sensei. "Asturias. Passed. You may now take a break and sit at the back." sabi nito. Tumango naman ako at dahan-dahan na naglakad papunta sa kanila. Tuwang-tuwa naman na sinalubong nila ako.

"Wow, Ospe. Ngayon ko lang nalaman na kaya mo pala yun." sabi agad ni Maria.

"Ako din. Di ko akalain na magagamit ko yun." pagod na sabi ko at umupo at sumandal sa may pader.

"Okay, class. Dahil nakita niyo ang ginawa ni Asturias, I hope may idea na kayo kung anong gagawin niyo. Then let's procede." sabi ni Icalyp-sensei at nagtawag na ng bagong estudyante. Napapikit naman ako. Mukhang dapat ko na seryosohin at di tulugan ang mga training sa P.E. namin para di ako nagugulpi ng ganito!

Wielders Academy. (The Other Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon