Chapter 6

106 7 11
                                    

Chapter 6.

The Gangster. The Missing Princess. New Incomplete.


NAGMAMADALI naman ako sa pagpasok dahil medyo tinanghali ako ng gising. Nagmamadali ako ng pag-akyat at pagliko ko ay may nakabangga pa ako. Clichè man pero oo. Nakabangga pa talaga ako.

"Sorry!" agad na paumanhin ko. Tinignan lang ako nito. Nakita ko naman na isang lalaki na may nakakatakot na aura.

He just looked at me, helped me get up and then leave. My forehead creased. I thought he will be like:

Huh? Nabangga mo ako di ba? Bayaran mo ako!

Or something like that.

Kinibit balikat ko na lang at tumuloy na sa classroom. Mabuti na lang at pagkadating ko ay wala pa ang teacher namin.

"Oh ano nalate ka na naman ng gising noh? Ipapaalala ko lang na hindi ka Speed Wield or Teleportation Wield para magtanghali ng gising. Voice Wield ka at hindi ka paliliparin ng boses mo." sermon agad ni Sav.

"Sanza Sav. Sabi ko nga. Ngayon lang naman." nakangiwing sabi ko.

"Minsan tatawagan kita para magising ka kaagad. To think na kinatok na kita para magising ka." naiiling na sabi ni Sav.

"Parang hindi ka pa sanay. Kahit naman noong elementary pa tayo. Buti na lang talaga at sinsiguro ng head dorm na nakaalis na lahat ng bata papasok sa school para masiguro na walang late." -Ospe.

"Ewan ko ba dito kay Maria at talagang lagi na lang late bumangon." dagdag pa ni Alois.

"Ipapaalam ko lang na si Chia din."

"Well at least nakakahabol din ako. Saka masarap kaya matulog dito. Malamig kasi. Sa amin kasi ang init eh." sabi ni Chia. Agad na napatingin ako dito.

"Buti pareho tayo Chia na galing sa mainit na bansa kaya nagkakaintindihan tayo! Apir!" at naghigh five pa kami. Napailing na lang yung tatlo. Tapos pumasok na yung teacher namin at nagsimula na ang klase namin.



"BUTI talaga nakahabol ako kanina." sabi ko habang naglulunch kami. Nandito kami ngayon sa cafeteria para maiba naman kasi madalas na kami sa Club room.

"Kaya nga. Pasalamat ka at si Janik-sensei ang teacher natin sa first period. Kung iba... naku... panigurado na nasa hallway ka nakatayo buong klase." -Alois.

"Oo nga. Buti na lang talaga." naiiling ko din sabi. "Aagahan ko na talaga next time!"

"Sus. Wag kami Maria. Baka kakasabi mo niyan eh sa Principal's Office ka na bumagsak."

Napangiwi ako sa narinig ko. 

"Ano kayang meron sa Principal's Office noh? Pati sa Principal? Kasi kahit si Monique-senpai na RD Type, takot na takot na mapunta dun eh." nahihiwagaang sabi ni Chia.

"Huwag mo ng alamin." nakangiwing sabi ko. Lahat sila ay napatingin sa akin.

"Bakit?" sabay-sabay nilang sabi. Nang maalala ko ang tungkol dun... agad na napangiwi ako at para akong kilabutan.

"Please wag niyong ipaalala ang trauma ko sa Principal natin." sabi ko habang yakap ang sarili ko.

"Hala! Lalo kaming nacurious dyan."

"Basta wag niyo na ngang alamin. Mas maganda na hindi niyo alam."

"Pero hanggang ngayon wala pa din akong idea kung anong kayang gawin ng Principal natin." -Alois.

Wielders Academy. (The Other Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon