Chapter 27

14 0 0
                                    

Chapter 27

Middle School Fest. Class Booths. Parents' Visit.


HINDI magkandaugaga ang mga tao sa pag-aayos. May mga tao na sa entrata ng Academy. Ilang mga Militar ang naglilibot-libot. Mga estudyante na hinahanda na ang mga stalls at booth stands nila sa labas ng building. Pati mga teachers ay palakad-lakad sa kung saan-saan para masiguro na maayos ang lahat. Ang iba nga ay natataranta na dahil ilang saglit na lang, magsisimula na ang Middle School Festival.

"Ano? Kompleto na ba ang mga gagamitin?" tanong ni Ashi.

"Oo, Ashi. Kinontrol ko na kanina." sabi ni Olga.

"Good. Doer, yung mga designs?" tanong nito kay Doer. Nagthumbs up lang si Doer dito.

"Hala! Kinakabahan talaga ako." sabi ko. Ito kasi ang first festival namin na magkakasama kami sa iisang booth. Magkakahiwalay kasi kami dati. Saka first time din namin kasi na gagawin itong booth namin.

"Kung kabado kayo, paano pa kami, di ba?" nakasimangot na sabi ni Ospe. Napangisi naman kami nina Chia at Sav dito.

"Ikaw, Alois, ready na ba?" nang-aasar na tanong pa ni Chia. Iningusan lang ni Alois ito.

"Class." sabi agad ni Janik-sensei habang nasa pinto kami. Lahat naman kami ay tumingin dito. "Pag tapos na kayo, pumunta na kayo agad sa gym." sabi nito at umalis na. Inayos lang namin saglit ang mga gamit pati na din ang mga sarili namin matapos nun ay pumunta na kaming lahat sa gym. Pagpasok namin, madaming mga klase na ang nakapila. Naglakad pa kami papunta sa harap. Dahil mga first years ang nasa harap, kasunod ang mga second years at sa pinakadulo ang third years. 

Maayos na nakapila naman kami. Dahil magkasunod lang naman ang section namin ni Phar, nakita namin ito sa may pinakadulong pila dahil na din sa tangkad nito kaya sa may dulong linya na din kami pumila.

"Ohh, Phar! Anong gagawin niyo para sa booth niyo?" tanong ko dito. Ngumuso lang ito at di sumagot sa akin. "Okay. Tingin ko di mo bet." natatawang sabi ko na lang dito. Ilang saglit lang ay tumahimik ang lahat. Napatingin naman kami sa stage at nakita namin na naglalakad papunta si Ikaru-sensei sa may sentro. Kaya pala tumahimik ang lahat. Tumapat ito sa mic. 

"Sanza. I hereby represent the Principal and the SSC since they are all busy as of this moment." panimula nito. Kaya pala wala ni isa sa kanila na dapat magsasabi sa opening speech. "Today marks the first day of the Middle School Festival. Enjoy your fest. Be careful and if there are any problems, please seek me, the Military personnels roaming around the Academy and of course, the Supreme Student Council." sabi nito. "I, now officially announce, the start of the Middle School Fest. Goodluck to all the participating booths." pagtatapos nito at may mga fireworks pa na sa may bubong. Napatingala kaming lahat at namangha. Nagpalakpakan naman kami at naglakad na ito pababa mula sa platform sa stage at umalis din agad. Nagtinginan naman kami.

"Goodluck sa atin." sabi ko sa aming lahat.



"ONE kaleidoscope cake and two sparkling coffee. Order ng table number six." sabi ko at inabot ang order form na kinuha ko kanina lang. Yup. Caffe ang tinayo ng classroom namin. Ayun nga lang, with a twist.

"Teka ihahanda ko na." sabi ni Stressa. Siya ang naglalagay ng iba't-ibang kulay sa cake. "Inayos naman nito sa tray ang mga orders. "Maid! Pakidala na ito."

"Yes. Coming." matamlay na sabi ni Ospe. Lumapit naman si Sav dito. 

"Uyy, Ospe. Aba, ngumiti ka naman. Sayang costume mo noh." natatawang sabi nito na inirapan lang naman ni Ospe. Nakamaid uniform kasi silang mga lalaki at nakabutler style naman ang sa mga babae. Kaya iritang-irita ang mga lalaki. Natupad nga ang maid cafe na gusto nila, ayun nga lang, sila yung mga maid.

Wielders Academy. (The Other Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon