Chapter 8

117 5 30
                                    

Chapter 8.

W.A.P. 8th Squad. New Problem. 

Princess Voice Wield Part 2


"HAAAAAAAAAA!!! Gusto ko ng bumaba!" sigaw ni Sav habang nakayakap ng mahigpit kay Chia.

"S-sav... madudurog na ang katawan ko."nahihirapan na sabi ni Chia.

"AAAAHHHHHHHHHH!!!" patuloy lang na sigaw ni Sav.

Tinignan ko naman yung dalawang lalaki at tinaas pa ang mga braso. Enjoy na enjoy naman sila. Tinignan ko naman si Pharger na tahimik lang na nakatingin sa baba. Tumingin naman ako sa may gilid ko at nakita ko si Monique-senpai na nakahiga at nakaunan sa dalawang braso nito.

"Senpai."

"Oh?"

"Hindi mo ba babagalan? Mukhang hihimatayin na si Sav sa takot eh."

"Bakit mabilis ba? Mabagal pa nga ito kumpara sa tuwing papasok ako at hinahabol ang gate bago magbell eh."

"Ehh? Anong oras ka ba umaalis ng 8th Squad Division HQ?"

"8:20 am." kibit balikat na sabi nito. Napanganga naman ako.

"Senpai... 8:25 ang sara ng gate. 8:30 ang simula ng class! 5 mins lang ang biyahe mo!Talagang magmamadali ka dahil nasa ibang Sector ka na! At malayo ka pa!" malakas na sabi ko dito. Nasa baba pa kasi ng Zero Division ang 8th Squad Division.

Nagkibit balikat lang ito. "Kaya nga sabi ko mabagal pa nga itong takbo natin eh."

Naitampal ko naman ang kanang palad ko sa noo ko. Kaya naman pala laging late si Monique-senpai. Syempre late na siyang umaalis. Tapos naabutan pa siya ng pagsara ng gate.

"Nandito na tayo!" biglang sabi ni Ospe. Tumigil naman si Sav sa pagsigaw. Pare-pareho kaming napatingin. Sa malayo pa lang ay nakikita na namin ang W.A.P. Ang pinakamalaking amusement park sa buong Parallel Planet.

"Wow!" humahangang sabi ni Alois. Tumigil kami malapit na sa park at tumingin sa baba.

Bigla naman akong naexcite. Lalo na nandito kami sa taas kaya kita namin ang buong park.

"Hala ang laki na nga niya lalo!" -Chia.

"Mas makikita natin lalo yan kung bababa na tayo." sabi ni Monique-senpai.

"Bababa na tayo?" relieved na tanong ni Sav.

"Yup. Kapit ng mahigpit!" sabi lang nito at dinireksyon na nito pababa ang skateboard. Pero dahil nga nasa taas kami... para kaming nasa tuktok ng roller coaster at biglang bumaba. O kaya yung carpet sa Aladdin ang feeling. Yun nga lang magkakayakap na kaming tatlong babae pati na yung mga lalaki.

"SENPAAIIIIIII!!!" sigaw namin habang pababa kami samantalang ito ay tatawa-tawa lang.



SA MAY malapit sa tapat na kami ng entrance sakto bumaba. Mabuti na lang at konti lang ang tao dahil na din sa weekdays.

Hilo-hilo kaming nagbabaan mula sa skateboard.

"A-akala ko katapusan ko na." nanghihinang sabi ni Sav.

"Matindi pa sa roller coaster ito." sabi naman ni Ospe.

"Tara na at pumasok na tayo. Nagugutom na ako." sabi lang ni Monique-senpai ng makababa at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa gate.

"Senpai!" tawag ko dito.

"Oh?" at lumingon sa amin.

"Paano tong skateboard? Ang laking harang dito. Saka sagabal sa daan." sabi ko at tinuro ang skateboard na iniwan nito. Tumingin naman ito doon.

Wielders Academy. (The Other Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon