Chapter 14
Fight against a Wimostross. JMP. Friends.
ISANG malaki at mapanganib na Wimostros ang nasa harap namin. Sa talim ng mga kuko at hahaba ng mga pangil nila, paniguradong di kami makakaligtas dito.
"Run! Kaming bahala sa kanila." biglang sabi ni Monique-senpai. "Nii... kayong bahala sa mga bata." utos nito. Isang iglap lang ay isang uneven ice sword nito ang lumabas. Seryoso na din ang mukha nito.
Sumunod naman kami. Tinulungan namin sina Deputy na buhatin isa-isa ang mga bata. Kumapit naman kami kina Deputy at sandali lang ay nasa may taas na naman kami. Tinignan namin si Monique-senpai na abala sa pakikipaglaban sa Wimostross. Tama lang ang sinabi nito. Mabuti na umalis kami. Kasi panigirado, baka kung napaano na kami.
Isa-isa din hiniga ang mga bata nina Senpai. "Buti na lang nakaakyat tayo agad." sabi ni Ospe.
"Oo nga eh." sang-ayon ni Chia. "Grabe nakatatakot masyado ang mga Wimostross." dagdag pa nito at napayakap sa sarili.
"Sigurado ba kayo na ayos lang si Monique-senpai?" alalang tanong ni Alois.
"Malakas si Senpai. Naniniwala ako na kaya niya." sabi ni Sav.
"Pero tingin ko nahihirapan siya eh." sabi ni Ospe na nakadungaw sa baba. Katabi nito si Pharger. Sa pagmamadali ni Alois ay sumilip din ito sa baba pero napasobra ito, dahilan para madulas at mahulog sila pababa ni Ospe. Sinubukan ko na habulin sila pero napahawak lang ako dito at sa sumubok din sina Sav at Chia pero ang ending, lahat kami nadulas pababa.
"ARAY. Ang sakit." sabi ko. Tumingala naman ako. Saka ko lang napansin na ang taas pala namin kanina. Hindi na lang namin napansin dahil sa mabilis na pagkilos nina Deputy kanina.
"Siguro mas masakit yung pwesto namin kasi dinaganan niyo na kami." sabi ni Ospe. Saka lang napansin na sina Ospe, Pharger at Alois ang nasa lupa at pinagbagsakan namin.
Agad-agad naman na tumayo kami. Pinagpagan namin ang aming mga sarili.
"Ang taas pala ng pinagbagsakan natin." komento ni Ospe. Lahat kami ay nakatingala na.
"Paano tayo ngayon aakyat?" tanong ni Chia.
"Di ba mukhang mas maganda kung paano tayo makakatakas?" tanong ni Alois.
"Ha?" sabay-sabay naming sabi habang nakatingala.
"Uhmm... guys.."
"Ano? Baka may gamit ka dyan pag-akyat?" tanong pa ni Sav.
"Guys... may W-w-wimostross."
"Ha? Di ba kalaban ni Senpai?" tanong ko.
"May... m-may isa pa." nanginginig na sabi nito. Saka lang kami lumingon at nakita namin na may isang Wimostross pa ang matalim ang tingin sa amin at tulo ang laway. Lumabas sa likod nito ang isa pang Wimostross. Tinaas nito ang isang kamay. Kumislap pa ang mahabang kuko nito. Nanigas naman kami. Sabay-sabay na napalunok.
"G-guys." sabi ni Chia. "Alam niyo na gagawin, di ba?" tanong nito. Nagtanguan naman kami.
"Takbo!" sigaw ni Ospe at mabilis na tumakbo ng iwasiwas nito sa amin ang kuko nito.
"Shit! Shit! Muntik na tayo!" mura ko habang tumatakbo.
"Ahhhh! Malapit na sila!" tili ni Pharger na imbes matakot kami ay napalingon kami dito.
"How cute, Phar!" sabay-sabay na sabi namin. Suminangot naman ito.
"Hindi ito ang oras para humanga kayo sa boses ko!" sigaw nito. Sukat sa sinabi nito ay mabilis na takbo pa lalo ang ginawa namin. Isang puno ang nakita namin at pinilit namin akyatin pero dahil sa tayog nito, nahihirapan kami.
BINABASA MO ANG
Wielders Academy. (The Other Side)
FantasyWielders Academy. (The Other Side) Academy for people who are given supernatural ability and talents. People with such ability are called Wielders. Many can pefectly control their ability. Who can wield their ability completely. But unfortunately...