Chapter 28

18 0 0
                                    

Chapter 28
SSC. Best Supporting Award. End of Festival.


HINATID naman namin ang mga magulang namin sa gate, kung saan naghihintay ang isang Touring Train para sa mga bisita na galing sa Earth. Pero ang Touring Train na ito ay maghahatid sa kanila sa portal kung saan sila pumasok papunta sa Wielders Wol.

"Ohh. Anak, mag-iingat ka dito, ha? Wag mo din pababayaan ang pag-aaral mo di porke na di ka namin nababantayan." bilin pa nito. Napakamot naman ako sa batok ko.

"Ma naman. Para naman na pinapabayaan ko ang pag-aaral ko."

"Wag mo na isipin ang sinabi ng Mama mo. Nag-aalala lang sa'yo yan saka namimiss ka lang." ngingiting sabi naman ng tatay ko. Napangiti naman ako at niyakap sila pareho.

"Okay lang po talaga ko, Ma, Pa. Wag po kayo mag-alala." sabi ko sa kanila. Sabay naman nilang hinimas ang aking likod sa masuyong paraan.

"Ikaw naman, Ospe! Baka tulog ka ng tulog dito, ha? Naku! Lagot ka talaga sa aking bata ka!" banta pa ni Tita Isabella kay Ospe at kinurot pa ito sa tagiliran. Napaigik naman ito.

"Mama! Syempre pinag-aaralan ko naman paano na hindi makatulog!" katwiran ni Ospe at karga ang dalawang maliliit pang mga kapatid na sina Diego Martin at Sara Juana. Mga nasa limang taon naman si Diego at nasa tatlong taon naman si Sara.

"Son, if ever you need something, just tell me, okay?" sabi naman ni Tito Klaus. Tumingin naman ito sa amin. "Kayo din, mga iho at iha." nakangiting sabi nito sa amin. Pag ngumingiti talaga ito, parang matured version lang ni Alois.

"Yes, Tito Klaus." sabay-sabay naming sabi.

"My Baby Sweetheart Savanna! Parang ayaw ko pa umalis! I don't wanna leave my baby all alone here!" naiiyak pang sabi ni Tito Jackson habang nakayakap kay Sav. Nag-iisang anak lang kasi nila si Savanna kaya talagang spoiled na spoiled at clingy din ang tatay nito dito. Maging sina Chia at Alois ay mga solong anak lang din. Kami lang ni Ospe ang may mga kapatid.

"Dad! Hindi na ako baby! Big girl na kaya ako." nakangusong sabi ni Sav. Pinagdikit naman ng tatay nito ang mga pisngi nila.

"You'll always be our baby girl, my Savanna!" malambing na sabi nito. Napangiti ako. Ganito talaga ang Papa ni Savanna kahit noon pa.

"Ehh di magbaby ulit kayo para may bago na kayong baby." sabi naman ni Savanna na kinapula ng nanay nito at itinawa naman ng tatay nito.

"Sige na mauuna na kami." sabi naman ni Tito Talmai. Isa-isa muna kaming nagpaalam sa kanila at hinintay muna namin na makaalis sila bago bumalik sa classroom. May clean up pa kasi kami para ready na kami sa mga susunod pang araw ng Middle Fest.


AS USUAL, ang dami pa ding tao sa mga sumunod pang araw ng Middle Fest. Isang linggo lang kasi ang Middle Fest kaya talagang dinudumog ng madami. Nagpupunas naman ako ng lamesa ng marinig ko ang isang announcement.

"Sanza everyone. This is from the Broadcasting Club. We just wanna inform everyone that we found a lost boy. Age four. And wearing a brown pants and white jacket. Please pick him at the Lost and Found kids near the Left Wing. Salgazie." sabi ng mabining boses na walang iba kundi si Phar. 

"Tama talaga ang ginawa ng Broadcasting Club na kunin si Phar bilang isa sa mga announcer. Kasi talagang makikinig ka ehh." naiiling na komento ni Sav at inilibot ang tingin sa paligid. Talagang napatigil saglit ang mga nandoon at talagang nakinig sa boses ni Phar. Ang iba nga ay parang natulala pa saglit at nahimasmasan matapos ang annunsyo.

"Anong oras ang break mo, Maria?" tanong ni Chia sa akin. Napatingin naman ako dito at sa isa pang Chia na nasa gilid ko at may hawak na tray at nagseserve sa mga orders ni Monique-senpai. Napailing naman ako. Kaya nga pala iduplictae ni Chia ang sarili kaya kahit papaano, madami ang nakakapagbreak sa amin kasi may kapalit naman agad.

Wielders Academy. (The Other Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon