Chapter 7

128 5 58
                                    

Chapter 7

Princess Voice Wield. Goals. New Friends.


TAHIMIK lang akong nakaupo sa tabi ni Pharger.

"Paano mo nga pala nalaman ang name ko?" tanong nito sa mabining tinig. Nanatiling nakatingin lang ako. Hindi makapaniwala sa nakikita at naririnig ko. Syempre lalaki nasa harap ko. Pero parang babae ang kausap ko. 

Pinitik naman nito ang daliri sa tapat ng mukha ko.

"Ayy! Sorry naman! Hindi lang talaga ako makapaniwala." naiiling na sabi ko.

Bumuntong hininga naman ito. "Alam ko. B Type talaga ako. Kaso nung nagsummer bago ang pasukan. Nagbago ang boses ko. Naging BM Type na ako." 


Oo nga pala. May isa pa palang type. B Type. Botanical Type. Mga plants naman ang kinalaman nito. At ang tungkol sa pagbabago na sinasabi nito. Ganito yun. Sa elementary may isa o higit ng ability ang isang Wielder. Pero minsan, pag tumuntong na sa Middle School, nagbabago o nababawasan o dagdagan ang Wield ng isang Wielder. Tulad nito. Nang mag Middle School ay nadagdagan ang ability nito. Masasabi mo na ang Middle School ang unstable time sa isang Wielder dahil nagbabago-bago ang Wield ng isang tao. Pag nag high school na ang Wielder, kung ano ang Wield niya ay yun na talaga ang Wield Ability niya.


"Kaya ba nandito ka lagi? Kasi ayaw mo marinig nila ang boses mo?" Tumango naman ito.

"Oo. Paano kasi... may nakarinig sa akin."

Kumunot naman ang noo ko. "Nakarinig?"

"Oo. Nasa hallway ako at nagprapractice ng sasabihin ko at pilit na binabalik ang boses ko. Kaso biglang may nagsabi na parang may prinsesa daw siyang narinig. Kaya agad akong nagtago. Simula nun hinahanap na nila ako." at sinamahan pa nito ng malalim na buntong hininga.

"Kaya ka ba lagi nandito sa rooftop? Para walang makarinig sa'yo?" Tumango naman ito. "Pero napapansin ko na lagi ka din late. Lagi ka din maguiguidance di ba?"

"Oo. Pero di ako late. Nagcucutting class lang ako. Si Monique-senpai ang madalas late. Kaya nga si Monique-senpai ang may alam sa boses ko saka si Principal."

"Ahh. Okay. Medyo naiintindihan ko na bakit ka nagcucutting. Kasi maririnig ang boses mo, di ba?" Tumango ito.

"Kaya ba hindi ka din nagsalita nung nabangga mo ako? Kasi maririnig ko ang boses mo?"

Kumunot ang noo nito. "Nabangga? Kailan?"

"Past few days lang. Sa may hallway. Tinulungan mo pa nga ako na damputin gamit ko eh. Tapos nakita ka ni Monique-senpai sa canteen." kwento ko. Matiim naman nakinig ito at pilit inaalala ang sinabi ko. Maya-maya lang ay tumango ito.

"Oo. Naalala ko na. Pasensya na at umalis ako. Ayaw ko kasing mainvolve ka sa akin. Baka layuan ka din nila." malungkot na sabi nito.

"Lalayuan? Bakit naman nila ako lalayuan?" nagtatakang tanong ko.

"Dahil gangster ako."

Inismiran ko naman ito. "May gangster ba na princess ang boses?" sinamaan naman ako nito ng tingin.

"Hindi ko ginusto na ganito ako at mukhang gangster lang talaga ako."

"Hmm... so yung gangster na pinapalabas mo ay front mo lang, ganun? Para mailang sa'yo ang tao at hindi mo kailangan magsalita."

Nag-iwas naman ito ng tingin.

"Hindi naman sa ganun. Plano ko talaga na maging gangster. Kaso naudlot nung nagbago ang boses ko."

Wielders Academy. (The Other Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon