Chapter 19

26 0 0
                                    

Chapter 19.
Remake the house. Elementary Best Booth. Ghost success.


AGAD na dinaluhan namin si Aprion. Iyak ng iyak ito. Itatayo sana namin ito pero agad na lumuhod at yumuko na ang ulo ay nakadikit na sa sahig.

"Sorry! Sorry mga senpai!" nakayukong sabi nito at umiiyak pa din.

"Ano bang nangyari, Aprion? Bakit ang gulo dito?" takang tanong ni Sav at inikot ang paningin sa classroom.

"K-kasi, S-sav-senpai. Sinubukan ko kontrolin ang Wield ko. Mag-mag ppractice sana ako para mamaya. K-kaso, biglang naging unstable siya. N-nagvavanish ang timbang ko pero di ako tumatagos. Tapos bigla akong nagsolid sa isang harang na ginawa natin. Na-na-nastuck yung kamay ko sa isang ginawang pader. Pinilit ko hatakin kaso... kaso...bumagsak yung pader. Pi-pinilit kong itayo kaso nung hinawakan ko naman, nastuck sa may sahig. Sa taranta ko nabangga ko sila at nagkabagsakan na." at umiyak na naman ng malakas pagkatapos nitong magwento.

Tinignan namin ang isang pader na sinasabi nito. Nakalubog nga ang isang pader sa sahig. Bagsak bagsak na nga ang mga desenyo namin. Corridor Structure kasi ang style. Kaya nga pag natumba nga... Parang domino na magbabagsakan nga sila.

Tumingin ulit kami kay Aprion na umiiyak pa din.

"Aprion..."

"Sorry, mga senpai. A-alam ko naman na talagang pinaghirapan niyo ito ehh. Nakipagkaibigan na nga kayo sa akin kahit matapod niyong malaman ang kalagayan ko. Tinulungan niyo pa nga ako na makasali sa school fest. Tapos... tapos ganito pa gagawin ko sa mga ginawa niyo." at umaalog pa ang balikat nito. Yumuko naman kami at lumapit dito.

"Wag mo na isipin yun, Aprion. Gusto mo lang naman maging maayos yung gagawin mo mamaya, di ba? Kaya nga maaga kang pumunta dito para makapag-ensayo. Saka alam naman namin na unstable talaga ang lagay mo ngayon. Kaya naiintindihan namin kung biglang mag-iba ang Wield mo o mawalan ka ng kontrol." sabi ko dito. Inangat naman nito ang ulo. Si Chia ang humawak sa balikat nito at nag-angat dito mula sa pagkakayuko.

"Wag mo na isipin, Aprion. Di naman kami galit." nakangiting sabi ni Chia dito.

"Oo nga. Saka may oras pa naman, di ba?" sabi ni Ospe. "Kaya pa natin ayusin, di ba, guys?" nakangiting sabi nito sa amin. Tumango naman kami.

"Kaya nga kesa nagdadaldalan tayo, simulan na natin. Di man natin matapos ngayon, tatlong araw naman ang fest ehh. Pwede pa din natin ihabol kahit mamayang hapon o bukas." sabi ni Alois na abala sa pagpupulot ng mga projector at sinusuri ang lagay ng mga ito.

Nagtinginan naman kami. Tapos tumingin kay Aprion.

"Narinig mo yun, Aprion? Wala naman kaming galit sa'yo. Saka di pa naman huli ang lahat. Ayusin muna natin ito. Darating ba ang mga magulang mo ngayon?" tanong ni Sav. Umiling si Aprion.

"Bukas pa, Sav-senpai. May huli pa sila ng isda ehh." sabi nito. Tumango naman kami. Tinayo namin si Aprion at pinunas ni Chia ang mga luha nito.

"Tahan na. Walang magagawa ang pag-iyak. Simulan na natin ayusin ang lahat. Di pa naman huli ehh." nakangiting sabi nito dito.

"Tama." sabi ko at tinapik sa balikat ito. Tumango naman si Aprion. Matapos nun ay sinubukan namin na ayusin ang mga gamit kahit medyo mahirap na nga.

"Ooohhh. Mukhang dinagsa na agad itong booth, ha?" biglang sabi ni Monique-senpai. Nakasandal sa hamba ng pinto at kumakain ng barbeque.

"Senpai! Hindi pa nga nagbubukas itong haunted house. At talagang nagawa mo pang magbarbeque kahit ang aga-aga!"

Nagkibit balikat ito. "Iba talaga ang karne ng Wimostros, kahit ilang linggo na sa ref, pag niluto mo, malambot na malambot pa din." sabi nito at kumagat sa barbeque na hawak nito. "Gusto niyo?" alok nito sa amin. 

Wielders Academy. (The Other Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon