Chapter 29
Training for Final Exams. Final Overall Exams. Improvement.
TINITIGNAN ko ang group photo namin noong Middle Fest. Yung picture namin kung saan tumanggap kami ng award. Katabi nun ang trophy namin. Isang linggo na din ang lumipas simula ng matapos ang Middle School Festival.
"Hanggang ngayon, di pa din ako makapaniwala na nanalo tayo kahit supporting award lang." sabi ni Ospe na nakatayo din pala sa likod ko at nakatingin sa pic. Lumingon ako dito.
"Ako man. Lalo na yung class booth para sa Year natin, di ba? So parang nakadalawang award tayo." nakangising sabi ko dito. Ngumisi din ito pabalik sa akin.
"Tama na yung pagtingin dyan sa pic. May mga lessons na tayo na dapat isipin. Lalo na malapit na ang Final Overall Exams natin." sita naman sa amin ni Sav. Lumapit na kami ni Ospe sa lamesa at umupo na din.
"Ano bang icocover sa exams?"
"Tingin ko maganda na pag-aralan maigi yung recent tapos magbasa na din sa mga past lessons. Kasi overall nga ehh. Baka lahatin na nila." sabi naman ni Chia. Sabay naman kaming napasubsob nina Ospe at Phar sa mga libro namin.
"Ughh. Ayaw ko na." sabay sabay pa naming sabi na parang nagmarathon kami sa pagod.
"Kung may Physical Exams na naman tayo, ehh di ibig sabihin nun, kakaharapin na naman natin si Trainy?" nahihintakutan na sabi ni Ospe. Lahat naman kami ay napatigil sa aming ginagawa. Pagkatapos ay sabay-sabay na napatakip sa aming mga bibig.
"Tapos may practical pa tayo!" dagdag pa ni Sav.
"Oo nga pala! Kaya na ba natin harapin yun?" tanong ko pa.
"Mukhang need muna natin na itrain ang mga katawan natin. Para makalaban tayo." suhestiyon naman ni Chia.
"Sige. Training lang pala ehh. Tutulungan ko kayo dyan." sabi ni Monique-senpai na natutulog pala sa sofa. Umupo ito at pupungas-pungas pa. "Ako na ang bahala na palakasin ang mga katawan niyo." dagdag pa nito. Mabilis na tumayo kami at lumapit dito.
"Talaga, Senpai?" tanong ko pa at tumango ito.
"Kailan natin sisimulan, Monique-senpai?" masayang sabi ni Alois.
"Hmm. Bakit di pa natin gawin ngayon?"
ISANG kahon na gawa sa yelo ang nasa harap namin. May bolang yelo din sa loob. Nakapaligid lang kami doon.
"So, sisimulan muna natin sa ganito, Senpai?" tanong ko. Tumango naman ito.
"Nandito na din naman tayo sa clubroom. Mas maganda siguro kung dito natin sisimulan." sabi nito. "Sino mauuna sa inyo?"
"Teka. Isa-isa lang? Di ba partners yun?" tanong ni Sav. Umiling si Senpai.
"Simulan niyo muna sa sarili niyo. Tapos saka kayo magshifting kung sino ang magiging partners niyo. Maganda na paiba-iba kayo. Para mas mapag-aralan niyo kung sakali na siya ang magiging partner niyo." paliwanag nito. "Si Phar lang naman ang mahihirapan kasi nga nasa ibang klase siya. Pero mabuti na din yan para ma-adopt mo kung ano man ang Wield na makakapareha mo."
Lumapit naman ako sa kahon. Tinapat ko ang kamay ko sa bolang yelo. Sinimulan ko maghum. Hanggang sa unti-unti, umuusok na ang bola. Indikasyon na nalulusaw na siya.
"Okay. Good. Now..." at tinuro si Alois. "Pair with her." sabi nito. Tumabi naman si Alois. Nilabas ang tools at gamit ang forza nito, dahan-dahan nitong parang nilagyan ng pandikit ang paligid ng bola at binabalik ang natutunaw na bola. "Okay. Stop." sabi ni Senpai. Lumayo naman kami ni Alois. Konti na lang ang tubig na nasa kahon ngayon. Napangiti ako.
BINABASA MO ANG
Wielders Academy. (The Other Side)
FantasyWielders Academy. (The Other Side) Academy for people who are given supernatural ability and talents. People with such ability are called Wielders. Many can pefectly control their ability. Who can wield their ability completely. But unfortunately...