Chapter 23

27 0 0
                                    

Chapter 23

Purpose of Exams. Forza. Sudden Club Activity.


"PERO hanggang ngayon, iniisip ko pa din ang purpose sa system ng Middle at High Exams." biglang sabi ni Chia. Nandito na kami ulit sa clubroom. Sa susunod na linggo na kami mag-aayos para sa Middle Fest.

"Oo nga. Para saan yung practical at physical? Pati na yung nakakaasar na oral." naiinis na dugtong pa ni Phar sa huli.

"Para malaman kung hanggang saan ang lakas at abilidad ng isang Wielder." biglang sagot naman ni Senpai.

"Paano, senpai?"

"Doon kasi makikita kung hanggang saan ang forza ng isang Wielder." 

"Forza?" sabay-sabay naming tanong. Bumangon ito mula sa pagkakahiga at umupo. Tumango ito sa amin.

"Forza. Or yung tinatawag na energy ng isang Wielder. Nasa loob ba yun. O pwede nating sabihin na yun ang lakas mo pag ginagamit mo ang Wield mo." sabi nito. Lito pa din kami sa sinabi nito.

"Nalilito pa din kami, Senpai." sabi ni Alois. Napakamot naman sa ulo si Senpai.

"Ewan ko kung alam niyo yung tungkol sa mga ninja." sabi nito. "Alam niyo yung tinatawag nilang Chakra? O yung sa Hunter X Hunter? Yung nen?" sabi nito. Tumango naman kami bukod kay Pharger.

"Ano yun?" litong tanong ni Pharger.

"Ahh. Palabas yun sa Earth. Sa susunod dadalhan kita ng kopya, panoorin natin." sabi ni Ospe dito. Tumango naman si Phar.

"Anong meron sa ganoon, senpai?"

"Ang forza ay parang nen or chakra natin. Naalala niyo ba yung sinabi ko na minsan napapasama niyo yung Wield niyo sa ginagawa niyo?" tanong nito. Tumango lang kami bilang sagot. "Kasi nagkakamali kayo ng paggamit sa forza niyo sa loob niyo lalo na sa paggamit ng Wield niyo. Minsan napapasobra o kulang kayo sa lagay ng forza pag ginagamit niyo ang Wields niyo. Kung nakokontrol niyong maigi yun, mas magiging maayos ang paggamit niyo sa Wields niyo." paliwanag pa nito. 

"Kaya ba minsan hindi namin makuha ng tama? Saka paano mo nalalaman yun, Senpai?"

"Mahirap din ipaliwanag. Pero siguro dahil na din sa trabaho ko, nasanay na akong nakikita ko sa tuwing naglalabas ng forza ang sarili ko o ang ibang tao. Siguro kung makokontrol niyo din, makikita niyo din." sabi pa nito. Tinaas nito ang kaliwang kamao. "Tignan niyo." mula sa likod ng kamay nito, isang matulis na espadang di kahabaan ang lumabas. Tinuro nito ang gilid ng talim. "May puting ilaw dito. Pwedeng di niyo nakikita sa ngayon, pero siguro pag natrain kayo at tumaas na ang level ng forza niyo, makikita niyo na." sabi nito at sa isang iglap, nawala din ang espadang yelo nito.

"So it means, mababa pa ang forza namin?" tanong ni Chia. Tumango si Senpai.

"Yup. Kaya mali mali ang gamit o minsan ay pagod agad."

"Ahh. Paano mas magiging kontrolado ang forza, senpai?"

"Yan ang purpose sa exams. Di ba bawal gumamit ng Wield at nag-aalarm?" sabi nito. "Kasi nagrereact din ang Wachwil sa Forza. Kaya alam ng Wachwil kung gumamit ng Wield ang estudyante dahil nadedetect sa Wachwil yun. Naalala niyo yung kay Icalyp-sensei?" tanong nito. 

"Ahh oo nga. Yung kay Trainy." sabi ni Ospe.

"Oo yun nga. Nakita niyo ba. Sa dami ng estudyante, di ba kayo nagtataka na parang di man lang siya napagod?" sabi nito. Napaisip naman kami. May punto ito. Ilang estudyante ang nag exam nung araw na yun. Pero parang di man lang pagod si Icalyp-sensei sa paggamit ng Wield. "Kasi mataas na ang stamina at forza ni Sensei. Sa bawat pitik niya kay Trainy, may konting forza siyang nilalagay. Yun ang nagsisilbing batterya nito para gumalaw si Trainy. At dahil nakokontrol na ni Sensei ang forza niya, alam niya kung gaano kadami lang ang ilalagay na forza sa Wield niya kapag gagamitin iyon."

Wielders Academy. (The Other Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon