Chapter 9
Missing Voice. Substitute. Conquered fear.
Princess Voice Wield - Last Part
PINIPILIT ko talagang magsalita. Pero garalgal pa din. Masakit pa sa lalamunan.
"Paano na? Lagot talaga ako." garalgal kong sabi. Sinubukan ko naman na magvocalization pero wala pa din.
Kahit ganito, nagpasya pa din ako na pumasok. Dahil napaaga naman ako ay naisipan ko na pumunta muna sa clubroom. Pagkabukas ko ay nagulat ako na makita ang iba.
"Sanza." pilit kong bati.
"Sabi na paos ka din eh." garalgal na sabi ni Sav.
Gulat na tumingin ako dito. "You mean---"
"Oo. Paos din kami." sabay na sabi nina Sav, Chia at Ospe. Si Alois naman ay nagkibit balikat lang.
"Ayan kasi. Sigaw tapos ice cream. Yan tuloy napala niyo." sermon nito sa amin. Napaiwas naman kaming lahat ng tingin.
"T-teka..." biglang tawag ko sa attensyon nila.
"Bakit?"
"P-paano na yung pang announcement para bukas?" nakangiwing tanong ko. Sukat nun ay napatingin silang lahat sa akin.
"Oh. My. Gosh! Oh my gosh! Anong gagawin natin?" nagpapanic na tanong ni Sav.
"Ehem. Ehem. Mic test. Mic test. Test mic. Test mic." nagpapanic ding sabi ko habang hawak ang ballpen na nakita ko na lang sa lamesa.
"Guys! Don't panic! Don't panic!" sabi ni Chia habang nagbubura sa whiteboard na wala naman nakasulat.
"Kalma lang guys! Malalagpasan natin ito!" sabi ni Ospe habang nagpapagulong-gulong sa may sofa.
Napatigil naman kami sa pagpapanic ng may ibagsak na makina sa may lamesa si Alois. Agad kaming tumingin at lumapit dito.
"Ano yan Alois? Yan na ba ang solusyon sa problema namin?" namamaos na tanong namin. Nilapit naman namin ang mukha namin kay Alois at isa-isa nitong tinulak palayo.
"Sinong may sabi na gagamitin niyo to? Pinatong ko lang noh." sabi nito at agad namin na pinagbabatukan ito.
"Badtrip ka din noh? Pinaasa mo kami eh." naasar na sabi ko at lumayo na kami.
"Wala akong kasalanan. Wala naman akong sinabi ah? Kayo kasi nag-assume. Kaya nadisappoint kayo." paliwanag pa nito. Napanguso naman kami. Kahit ayaw namin aminin, may punto ito.
"So paano na?" helpless na tanong ni Chia. Sabay-sabay na bumuntong hininga kami. Lagot kami. Magiging bad record sa amin to.
"Guys, relax. Magagawan natin ng paraan yan." kalmadong sabi ni Alois.
"Wow Alois! Akala mo ganun lang kadali ang lahat. Para naman lilitaw na lang bigla at papasok mula sa pinto ng clubroom..." at tinuro ang pinto. "ang solusyon natin---"
Biglang bumukas ang clubroom at lumitaw si Pharger.
"Sanza." sabi nito. Tapos sinara ang pinto. Lahat kami ay napatigil sa mga ginagawa namin. Nanatiling nakatingin lang kami kay Pharger na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa amin.
"W-why?" tanong nito. Kinuyog namin ito.
"Pharger!" sabay-sabay namin sabi. Lumayo ito at napasandal sa pinto.
"B-bakit? Anong meron?"
"Pharger! Please! Ikaw lang makakasove sa problem namin."
"Problem?"
BINABASA MO ANG
Wielders Academy. (The Other Side)
FantasyWielders Academy. (The Other Side) Academy for people who are given supernatural ability and talents. People with such ability are called Wielders. Many can pefectly control their ability. Who can wield their ability completely. But unfortunately...