Chapter 11

94 1 21
                                    

Chapter 11

8th Squad Headquarter. Monstrosity. Mission.


"OH ANO na? Uupo na lang tayo?" hinihingal pang tanong ni Alois.

"S-sandali lang." hingal ding sabi ni Chia.

"Sino kayo? Anong ginagawa niyo dito?" biglang tanong ng kung sino at agad kaming napatayo.

"Ahmm... ano po..." di ko alam ang sasabihin ko. Tinignan naman kami ng lalaki.

"Academy students." sabi nito. Napatango naman kami. Magsasalita pa sana ito ng biglang batukan ito ng isang lalaki na kakadating lang.

"Ano ka ba naman, Drila? Masyadong scary yang aura mo. Chill chill lang." sabi ng lalaking bumatok dito at humarap sa amin. "Hello there. I'm Aquil Largis." pakilala nito sa sarili. Siniko naman nito ang kasama nito.

"I'm Drila Ulgo." maikling pakilala nito.

"We are the gatekeepers of this Squad Quarters. Just call us Guerja." sabi ni Aquil-guerja.

"Why are you all here?" tanong ni Drila-guerja.

"Mamaya mo na sila tanungin. Papasukin muna natin." sabi nito at binuksan na ang gate. Tumambad naman sa amin ang napakagandang entrance nito. Isang pathway at napapaligiran ng mga puno at halaman. 

"Very Japanese like

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Very Japanese like." komento ko.

"Well the first 8th Squad Captain was a Japanese from your planet. And because he missed his country, he made the quarters looked like one." Aquil-guerja said.

Napatango naman kami. Kaya pala pati ang town at itong headquarters nila ay Japaneses style mula sa entrance hanggang sa bahay mismo. Naglakad-lakad kami hanggang sa makarating na kami mismo sa gate.

"Where's Drila-guerja?" tanong ni Chia. Napansin namin na si Aquil-guerja na pala ang kasama namin.

"Naiwan sa gate. Kailangan kasi na may isa na magbabantay." sabi nito.

"Sino mga yan, Aquil?" tanong ng isang militar na nagwawalis.

"Academy students." sabi nito. Kinakawayan naman kami ng mga nakakasalubong nami na magalang naman naming binabati. Papasok na kami ng biglang nakarinig kami ng bell. Biglang nagsilabasan ang ibang mga militar. Lahat ng mga ito ay humilera sa may tapat ng pinto.

"Hala anong meron?" kinakabahan na tanong ni Sav.

"Hala ka Sav. Baka may sinira ka dito. Umamin ka na habang maaga pa." pananakot ni Ospe dito. Sinamaan naman ito ng tingin ni Sav.

"Kung unahin ko kayang sirain yang mukha mo?" sikmat nito.

"Shh! Tumahimik na lang kayo." sita ni Alois. Ilang saglit lang ay nakarinig kami ng parang ingay. Hinanap namin at pagtingala namin ay nakita namin na may isang bagay na pababa. Nakita namin na bumaba si Monique-senpai mula dito kasama sina 1st Head DT Cityz at 3rd Head DT Ovsali. Nagsiyukuan naman ang mga sundalo na nakapila. 

Wielders Academy. (The Other Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon