Mistake 2

15.5K 361 24
                                    

Nagmulat ako ng marahan ng maramdaman kong tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay. I looked at the place where I was sitting at. I sighed. Nakatulog pala ako kakaiyak sa guest room. Napahawak ako sa batok ko ng maramdaman sumakit ito. Naman. Nakatulog pala ako ng nakayuko habang nakasandal sa pader.

Bakit nga ba ako dito ulit nakatulog? Napangiti ako ng mapakla saka pagak na tumawa. Oo nga pala. I just saw my husband having sex with her girlfriend. Oh,hindi lang pala bastang sex yun. They called it love making. Tch. How stupid.

Tumayo na ako saka nag-ingat ng marahan. Tsk. Napasama ata talaga ang pwesto ko. Lumabas na ako ng guest room saka pumasok sa kwarto namin. Nung una nag-alangan pa ako kaya lang wala naman akong choice. Nasa loob ng kwarto na ito ang lahat ng gamit ko. Hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin yung kama saka nagtuloy-tuloy sa walk in closet.

Kinuha ko yung ilang maleta ko ng gamit. Tch. Buti pala hindi ko pa naayos to sa drawer. Tinatamad kasi akong magtupi ng damit ko. Mas nanuna ko kasing ayusin yung mga damit ni Hyron.

Hinila ko palabas lahat ng maleta saka bumalik sa guest room. Dito na lang siguro ako matutulog. Panigurado naman kasing gabi-gabing nandito si Evana para sa sexy time nilang dalawa ng ASAWA KO. Tch.

Wala kang asawa Beatrix. Sila ang mag-asawa. Ikaw yung kabit. Pagak na napatawa ako sa mga iniisip ko. Sabagay,totoo naman pala. Kasi sa lagay namin ngayon parang ako pa yung kabit at si Evana yung asawa. Ang saya lang diba? Tch.

Napatingin ako sa wall clock sa tapat ng kama. Tch. Almost eleven na pala. Isang subject na lang ang natitira sa schedule ko. Hindi na muna ako papasok. Tutal kailangan ko pa palang gawin yung assignments nila Natasha.

Inayos ko na lahat ng damit ko saka kinuha yung bag kong puro notebook nila Natasha. Sinimulan kong gawin lahat ng yun. Buti na lang madali lang lahat. Sabagay may pagkakapareha lang naman ang mga lessons namin sa lessons nila. Nang matapos ako sa pagsagot pumasok na ako sa banyo saka naligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako saka bumaba.

Nakita ko si Manang na parang di mapakali. Anong problema ni Manang?

"Manang. Ano hong problema?" Tanong ko na siyang ikinagulat niya. Bumaling siya sa akin na para bang nakahinga siya ng maluwag saka ako nilapitan at niyakap.

"Ano ka ba naman anak! Saan ka ba nagpupunta ha? Kagabi pa ako nag-aalala sayo. Ni hindi manlang kitang nakitang dumating. Teka, sa guest room ka ba natulog? Bakit?" Aniya saka marahan akong tinitigan. Napabuga nalang ako ng hangin saka nagkibit balikat.

"Hindi ko ho namalayang sa guest room ho pala ako nakatulog." Pagsisinungaling ko. Napakunot naman ang noo niya pero sandali lang yun dahil tumango na lang ito ng bahagya.

"Ganoon ba? Sa susunod ay magtetext ka ah anak? Nag-aalala ako sayo eh." Aniya kaya ngumiti nalang ako ng bahagya saka niyakap siya. Napahinga ako ng malalim. Namiss ko si Mama bigla. Gusto ko ng umuwi sa amin. Agad kong pinigilang mapaluha dahil don. Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Manang.

"Pasensya na po't nag-alala pa kayo. Teka,tanghalian na po ah? Kumain na ho ba kayo? Gusto niyo ako nalang ang magluto?" Tanong ko. Umiling naman siya bilang sagot.

"Ayos lang ako iha. Saka nakapagluto na ako. Ikaw nalang ang kumain." Nakangiting saad ni Manang. Napanguso naman ako.

"Ih! Manang naman eh! Ayokong kumain mag-isa. Sabayan niyo nalang ako. Please?" Pangungulit ko saka yumakap pa sa kanya. Si Manang lang kasi ang malapit talaga sakin simula ng ikasal ako kay Hyron. Lahat kasi ng katulong nila Hyron ay naiinis sakin dahil isa daw akong malanding ahas. Tch. Mga makapagsalita akala mo naman kung sino.

Just A Mistake ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon