Ilang araw na ang lumipas simula ng makarating ako dito sa probinsya namin pero nanatili lang naman ako sa loob ng bahay. Ayokong lumabas. Natatakot kasi ako na baka isang araw paglabas ko, siya ang makita ko. Oo, ganito ako kaparanoid ngayon. Dahil na rin siguro sa buntis ako.Walang araw din na hindi tumigil sa pagdalawa sakin si Jermae. Ewan ko ba dun sa babaeng 'yon. Masyado ding nega eh. Sa tuwing pupunta siya rito lagi niya akong tatanungin kung kamusta na daw ba ang lagay ko. Kung wala daw ba akong ginawang kagagahan sa tuwing ako lang mag-isa.
Napapailing na lamang ako dahil sa mas paranoid pa ata siya sa akin. Minsan hindi nawala sa isip ko na baka kaya ganon si Jermae dahil may taong gustong makaalam ng sitwasyon ko. Ewan ko ba. Feeling ko kasi lagi nalang may nakamasid sakin nitong mga nakaraang araw.
Katulad na lamang nung isang gabi nang maisipan kong maglakad-lakad sa dalampasigan ay nakarating ako sa tapat ng isang malaking bahay bakasyunan. Hindi ko nga alam kung anong meron dun eh. Basta iisang ilaw lang ang nakabukas samantalang ang iba'y mga nakapatay na.
Wala akong maalalang may ganoong bahay bakasyunan dito dati. Pero sabagay, ilang taon din kasi ang lumipas. Hindi ko naman pag-aari ang buong lupain ng Lucena para lang hindi pahintulutan ang kung sino na magtayo ng bahay nila.
Kinaumagahan tinanong ko di Jermae non kung sino ang may-ari nung bahay na malaki. Ang sabi naman niya hindi niya rin kilala dahil simula daw ng itayo 'yon ay wala pa siyang nakikitang kung sino na tumira doon. Weird though inisawalang bahala ko na lang. Hindi naman kasi siya sakop ng buhay ko.
"Bea! Lumabas ka naman ng lungga mo. Para kang bampira. Takot sa araw." Hiyaw ni Jermae na talaga namang nagpasakit ng tenga ko. Grabe. Wala pa rin pala talaga siyang pinagbago. The same Jermae na nakilala ko nung mga bata pa kami. Ang ingay-ingay parin.
"Ayoko nga kasi. Nakakatamad." Nakangusong saad ko. Oo na. Ako ng isip bata. Ganito ba talaga kapag buntis? Aish.
"Aish. Nagagawa ng buntis nga naman oh." Aniya na siyang ikinatawa ko nalang.
Ayos na rin na nandito siya. Baka kasi kung mag-isa lang ako dito'y ikabaliw ko na. Sa tuwing mag-isa kasi'y di ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Lalo na yung araw na ikinasal kami.
Dapat iyon din yung araw na naging masaya ako diba? Kasi kasal ko iyon eh. Kasal ko sa taong pinakamamahal ko. Pero ano bang magagawa ko? Hindi naman ako mahal. Oo, sinabi niyang mahal niya ako. Pero lasing siya nun eh. Siguro nga sa iba lang effective yung phrase na 'mas nagsasabi ng totoo ang mga lasing. Ako lang talaga itong umasa.
Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait ng maalala ko yung mga sinumpaang salita namin sa harap ng maraming tao, sa harap ng mga magulang niya, sa harap ng Diyos.
I smiled bitterly as the memories flashing back on my mind. Ayoko ng maalala. Kasi sa bawat maaalala ko nasasaktan lang ako at paulit ulit na nasasaktan.
"Ma'am,magsisimula na po." I looked up and saw a woman wearing a formal attire. I just smiled. A fake one. Again. I should be happy right? Dahil ikakasal ako sa taong matagal ko ng mahal? Pero bakit imbis na magdiwang ang buong pagkatao ko hindi ko magawa?
Magsisimula ng magbago ang takbo ng buhay ko. Ng buhay naming lahat. Today is my wedding and yet hindi ko manlang maramdaman iyong excitement na sinasabi nila. Bakit nga? Ah. Tama.
BINABASA MO ANG
Just A Mistake ✔
General FictionShanadeia Beatrix Dela Vega just a simple girl who fell in love with her guy best friend Onyx Hyron Levigne. Yes. It may sound cliche but that is the truth. They're as good and as sweet as a couples out there. But the only different is they're NOT b...