Untold Mistake 4

5K 79 0
                                    

"I will cherish every moments that I'm with you. For better or for worst. In sickness and in health. In richer and in poorer. Till do us part. I may not be the man in your dreams nor your soulmate neither your superhero. But I will stand by your side. Forever and always." He said as he slid the ring on my finger.

Gustung-gusto kong umalis sa kinatatayuan ko. Sumigaw sa harapan ng maraming tao, sa lahat ng sumusubaybay sa kasal naming dalawa. Gusto kong isigaw na walang katotohanan lahat ng sinabi. Gusto kong isigaw na isang pagkakamali lang lahat ng ito. Pero kaya ko ba? Kaya ko ba talagang gawin? Kaya ko bang gawin kahit na alam kong madaming tao ang masisira? Ang pagkakaibigan ng mga magulang namin? Ang pinagsamahan nila Mama at Tita Hershey? Nila Papa at Tito?

Kaya ko bang sirain ang araw na ito gayong alam ko naman sa sarili kong may part sa akin na ginusto ito? Call me selfish or what. Pero naisip ko na ito siguro yung way ni God para masabi ko kay Onyx lahat ng nararamdaman ko. But how? Hindi ko alam. Paano ko ba malalaman? Kung alam ko namang simula ng gabing yun malaki na ang nagbago? Malaki na ang naging damage ng ginawa namin.

But he told me he loves me. Pinanghawakan ko yun eh. Pinaniwalaan ko. But I guess love can deceive everything and everyone around it. Love. Simpleng salita pero ang lalim ng kahulugan. Simpleng salita pero ang laki ng impact sa isang tao.

Just A Mistake ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon