Mistake 8

12.6K 290 10
                                    


Marahan akong nagmulat ng marinig kong may nagdo-doorbell. Agad kong tumayo at nagpunta sa banyo saka nag-ayos ng sarili ko. Napatingin ako sa sarili ko saka bahagyang ngumiti. It's been weeks since lumipat ako dito sa condo unit ni Miaka. So far,nakakasanayan ko ng malayo kay Onyx at Evana. The last na nagkita kami ni Onyx ay nung day after akong lumipat sa unit na tinitirahan ko ngayon.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ng makita ko ang mukha niya. Puros sugat at pasa ang mukha niya. Medyo putok din ang kanang kilay niya pati narin ang labi niya. I wanted to ask him what happened to him pero mas pinili ko nalang manahimik at umalis. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong matuwa dahil hindi niya ako sinundan nung araw na yun o dapat akong mainis dahil kahit na nasaktan niya ako umaasa parin akong tatawagin niya ako para kausapin at humingi ng tawad. Pero ilang linggo na ang lumipas ay wala parin.

Malimit ko narin silang makita ni Evana sa campus kaya laking pasasalamat ko. Kahit gusto kong lumapit siya sa akin nanundin parin yung takot na nararamdaman ko sa tuwing makikita siya. Laking pasasalamat ko lang talaga at laging nasa tabi ko sila Brenon,Miaka at Zircon.

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng marinig ko nanaman ang doorbell. Napakamot nalang ako sa ulo saka nagsimulang maglakad papunta sa pintuan. Nakalimutan ko palang may nagdo-doorbell nga pala.

"Morning Beatrix!" Hindi na ako nagulat ng si Zircon ang sumalubong sa akin pagbukas ko ng pintuan. Nakangiti nanaman siya at may hawak na tray. Sa ilang linggong pagtira ko dito walang mintis sa pagbisita si Zircon kahit na kapit-bahay lang naman kami. Palagi siyang pupunta dito every morning habang may hawak ng tray ng pagkain.

"Morning. Pasok ka." Nakangiting saad ko saka ibinukas pa ng maigi ang pintuan. Pumasok naman siya saka inilapag ang tray ng pagkain sa may table sa salas saka umupo sa couch. Umupo naman ako sa tabi niya saka tinitigan ang tray na dala niya. Napangiti nalang ako. Iba nanaman kasi ang iniluto niya para sa araw na ito. Tuwing umaga,iba-ibang agahan ang niluluto niya saka dadalhin sa unit ko-err ni Miaka pala.

"Kain ka na. Alam ko namang hindi ka pa kumakain. Halata sa mukha mong kakagising mo lang eh." Namula naman ako sa sinabi niya saka tumagilid at kinapa ang mukha ko kung may dumi ba,miski ang mata ko kung may morning star pa ba ako. Naghilamos naman na ako pero nakakahiya parin. Minsan talaga tanga ako,nasa harapan na lahat ng salamin eh hindi pa inayos ang sarili. Aish.

"Hey. You're still beautiful kahit na kagigising mo palang." Natatawang saad niya kaya mas lalong namula ang mukha ko. Feeling ko lahat ng dugo ko umakyat sa mukha ko dahil ramdam ko yung init ng magkabilang pisngi ko. Sinimangutan ko naman siya saka bahagyang hinampas sa braso pero tinawanan niya lang ako.

"Tch. Tawa ka ng tawa dyan. Kainis." Ismid ko saka bumaba ng upo sa carpeted na floor saka kinuha yung pagkain sa table at nagsimulang kumain.

"Uy. Nagalit ka naman agad." Aniya pero hindi ko siya pinansin. Bahala siya. Tumawa siya ng tumawa hanggat gusto niya. Basta ako kakain ako ng niluto niya.

Hindi na ako nagtaka kung bakit HRM ang kinuha niya. Ang sarap lang kasi ng mga luto niya kahit ata i-compare sa luto ko itong mga niluluto niya eh walang wala ang luto ko.

Napansin ko namang bumaba din siya ng upo kaya magkatabi na kami ngayon sa lapag habang ako kumakain parin.

"Beatrix pansinin mo naman ako." Pagmamakaawa niya. Tumigil ako sa pagsubo saka tinignan siya. Para siyang bata na nakanguso habang nakatingin sakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay saka nagpatuloy sa pagkain. Bahala siya sa buhay niya,basta ako kakain.

"Beatrix..uyy.." Aniya saka kinalabit ako sa bewang. Napaigtad naman ako dahil nakiliti ako sa ginawa niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Napansin kong nalungkot siya saka nagyuko. Para siyang bata na malapit ng umiyak.

Just A Mistake ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon