Mistake 5

13.3K 345 23
                                    

My mouth fell open when I saw Onyx outside the Restaurant while Zircon was beside him-well few steps away. What the hell is he doing here? Seriously? Ano bang nangyayari sa utak ni Onyx?

"Shana!" Zircon called me when he saw me. Napansin napakunot ng noo si Onyx saka tinignan ng masama si Zircon na nakalapit na pala sakin.

Mas nanlaki ang mata ko when Zircon suddenly hug me. "I've missed you." Aniya habang nakayakap sakin. Nakita ko naman kung paano mapakuyom ng kamao si Onyx habang nakatingin kay Zircon-as if he was killing him already by the he looks at Zircon.

Marahan kong naitulak si Zircon saka tinignan siya ng nagtataka. "Oops. Sorry. I got carried away." Aniya saka napakamot ng batok and smiled sheepishly. Ayan na naman yung dalawang dimples niya na mas lalong nagpapagwapo sa kanya.

"A-ah hindi a-ayos lang." Hindi mapakaling saad ko. Kung saan-saan nadadako ang tingin ko. Minsan sa gawi ni Onyx- na ngayon ay naglalakad na palapit sakin - sa amin ni Zircon.

"So, are you done for tonight? Can we go now?" Nakangiting tanong niya habang nakatingin sa akin. Sasagot pa lamang sana ako kung hindi lamang sumingit si Onyx na ngayon ay nasa tabi ko at naka-akbay. Wait. Kanina pa ba siya nasa tabi ko? Ba't hindi ko manlang napansin?

"She's not going with you." Matikas na saad ni Onyx habang masama ang tingin kay Zircon. Kunot noong tumingin si Zircon sa kanya saka binalik ang tingin sa akin.

"Who is he?" Takang tanong ni Zircon sakin. Alam kong sisingit nanaman si Onyx kaya agad kong inalis ang pagkaka-akbay niya sakin saka lumayo ng konti. Buti nga natanggal ko kung hindi sisipain ko talaga siya. Tch. Bwisit pa rin ako sa kanya kaya wala siyang karapatang umastang asawa ko ngayon. Bwisit.

"Best friend ko. A-ano sige,pero sandali lang ah? Papaalam muna ako sa mga kasama ko." Tumango naman siya saka marahang ngumiti kaya agad akong pumasok ulit sa loob ng Restaurant.

"Sino yun? Ang gwapo girl! Grabe manliligaw mo ba parehas yun? Haba ng hair!" Ani Lyrica saka bahagyang hinawakan pa ang buhok ko. Napailing na lamang ako dahil sa ginawa niya. Wala nga palang alam si Lyrica about kay Onyx. Tanging kay Ericka ko lang sinabi.

"Aalis ka na?" Napatingin ako kay Yuji na ngayon lang nagsalita saka tumango. Wala naman akong mabasang emosyon sa mga mata niya pero napansin ko ang pagtataka sa mga ito.

"Kanino ka sasama?" Tanong naman ni Ericka.

I sighed. "Kay Zircon. Mauna na ako." Tumango lamang sila pero sumunod sila sa akin paglabas at ganoon na lamang ata nawindang ang buong pagkatao ko ng makitang nagsusuntukan na yung dalawang lalaking iniwan ko. The fudge? Ba't ba hindi ko naisip na ganito ang mangyayari?

"Fuck! What the hell is wrong with you dude?" Takang tanong ni Zircon ng maka-isang suntok si Onyx sa kanya. Agad naman akong lumapit sa kanilang dalawa ng akmang susuntok ulit si Onyx.

"Tama na! Ano ba?!" Sigaw sa kanilang dalawa-tho kay Onyx ako nakatingin. Nakita ko kung paano siya magtiim ng bagang habang nanlilisik ang tingin kay Zircon.

"Uuwi na tayo." Mariing sambit ni Onyx ng ibaling niya sakin ang tingin niya saka marahan akong hinawakan sa braso. Agad akong napa-igtad sa sakit dahil sa may pasa niya ako nahawakan.

"Onyx ano ba?! Nasasaktan ako!" Ngiwing usal ko saka pilit inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko. Mas lalo lamang akong napangiwi ng diinan niya pa yun. Damn it. Hindi niya ba talaga alam ang salitang masakit?

"No! Uuwi na tayo!" Asik niya saka pilit ako hinatak. Bago pa man kami'y makalayo may humawak na sa kabilang braso ko. Ang pagkakaiba lang kahit na mariin ang hawak nito'y may pag-iingat namang kasama.

Just A Mistake ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon