"Make sure na hindi makakalusot si Onyx sa pagbabantay niyo. Maliwanag?" Mariing babala ni Miaka sa dalawang gwardiyang nakabantay sa pintuan ng kwarto ni Beatrix.Agad akong nagtago sa isang pasilyo ng makita kong papunta si Miaka sa lugar ko. Nang masiguro kong wala na siya ay saka ako lumabas. Nandoon pa rin ang dalawang lalaki. Fuck. How can I come inside that damn room?
I waited for hours para mawala sila or maybe mapagod sila. But damn,kung aalis ang isa ay maiiwan lamang ang isa para magbantay. Saka sila magpapalit ng pwesto.
"Sir.." Napatunghay ako sa pagkakayuko ng marinig ko ang marahang pagtawag ng kung sino at ang pagtapik nito sa balikat ko. Nakita ko yung isang Nurse na nakatingin sakin na para bang nag-aalala siya.
"What?" I asked in a bored tone.
"May hinihintay ho ba kayo? Kanina ko pa ho kasi napapansin na nandyan kayo't parang may hinihintay. Hindi niyo na nga ho ata namalayan at nakatulog na kayo." Aniya na naglaki ng aking mata.
Agad kong tinignan yung wrist watch ko and shit. Pasado ala-una na ng umaga. Tangina,hindi ko man lamang naramdaman na nakatulog na pala ako.
Agad akong tumayo saka napahilamos sa mukha. Ilang oras na akong nandito? Nakakain na ba ako? Wala na ba iyong mga bantay ni Beatrix?
Agad akong napahinto sa pag-iisip. Shit. "Miss." Tawag ko doon sa isang Nurse. Bumaling naman siya. "Po?" Aniya.
"Wala na ba iyong dalawang lalaki sa may pintuan sa kanan?" Kinakabahang tanong ko. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Feeling ko isang pagkakamali lang at mas lalong gugulo ang lahat.
Napailing na lamang ako doon. Wala na nga pa lang mas gugulo sa nangyayari sa buhay naming dalawa ni Beatrix. Kasalanan ko naman kung bakit nagkaganito ang lahat. Sinayang ko yung pagkakataon na maging ama sa anak ko. Sinayang ko iyong pagkakataon na maging mabuting asawa kay Beatrix. Sinayang ko iyong panahon na sana naging masaya at magiging masaya sana kaming tatlo. But what now? I turned it into a mess. Lahat sira na. Yung tiwala ni Beatrix. Yung pagmamahal niya para sa akin. Lahat-lahat. Sira na ang pamilyang gusto kong buuin.
"Ah. Yung sa room 202 po ba?" Tila naguguluhang tanong niya. Marahan lamang akong tumango. Nananalangin na sana'y wala na ang mga ito.
Nabuhayan ako ng loob ng makita ko siyang marahang tumango. "Wala na ho Sir. Mukhang napagod ho sa pagbabantay." Aniya. Napatango na lamang ako. Pinipilit kong 'wag mapangiti dahil lamang doon pero hindi ko magawa. Ayokong maging masaya sa simpleng dahilan lang na iyon pero hindi ko maiwasan.
"Kayo ho ang asawa nung pasyente na naka-confine doon?" Tanong niya habang tila giliw na giliw na nakatingin sa akin. Isinawalang bahala ko na lamang iyon saka tumango.
"Naku! Mukhang mahal na mahal niyo ho iyong si Ms. Beatrix." Tila ba tuwang tuwang saad niya. Hindi ko mapaiwasang mapangiti ng malungkot dahil doon.
Oo,mahal na mahal ko si Beatrix. Pero hindi naging sapat sa akin ang salitang mahal ko lang siya. Dahil kahit kailan hindi ko naman nagawang pangatawanan ang salitang iyon.
Masyado ng malalim ang salitang mahal ko siya. Pero iyon ang totoo,mahal na mahal ko si Beatrix pero sinayang ko lahat. Ngayon dahil sa kagaguhan ko baka mawala siya. Baka maisipan niya na talagang iwanan ako't sumama sa anak namin. Kung saan walang makakasakit sa kanilang dalawa na kagaya ko. Kung saan magiging mas maayos at masaya sila.
Bakit sa iisiping 'yon ay parang gusto ko naring mawala sa mundong ito?
"I love her. So so much but words weren't enough. Nasaktan ko siya. Ako ang naging dahilan kung bakit siya nasa ganyang sitwasyon. Ako ang dahilan kung nawala ang anak naming dalawa. Kasalanan ko lahat." Pag-amin ko saka nag-angat ng tingin.
BINABASA MO ANG
Just A Mistake ✔
Fiksi UmumShanadeia Beatrix Dela Vega just a simple girl who fell in love with her guy best friend Onyx Hyron Levigne. Yes. It may sound cliche but that is the truth. They're as good and as sweet as a couples out there. But the only different is they're NOT b...