Mistake 24

10.1K 169 9
                                    


Malaya lamang akong nakatitig sa mag-ama ko habang patuloy silang naglalaro sa tabing dagat. Simula ng magka-ayos kaming dalawa ni Onyx ay sinimulan ko na ring ayusin ang buhay namin ng anak ko.

Sinimulan kong contact-in sila Mama at Papa. Akala ko nga'y magagalit sila sa akin noong nakipagkita kaming dalawa ni Onyx kasama si Hendrix sa Manila. Naisip ko kasing paano kaming magsisimulang muli kung ang ilang mga naiwan ko sa lungsod ay kakalimutan ko na lamang? Lalo na sila Mama at Papa? Sila Mommy Hershey at Daddy Kenryx na mga magulang ni Onyx?

Sinimulan kong buksan muli ang puso't isipan ko hindi lang para sa akin kundi para na rin sa anak ko. Ayokong dumating ang araw na kapag tinanong siya ng mga kaibigan o kaklase niya sa eskwelahan kung na saan ang ama niya'y wala siyang maisagot. Ayokong maging tampulan ng tukso ang kalagayan ng anak ko.

Tama naman ang ginawa ko hindi ba? Kasi kung hindi,hindi ko naman makikitang masaya ang anak ko ngayon. Hindi ko siya makikitang tuwang-tuwa ngayon na nakikipaghabulan kay Onyx na ama niya.

Kung ako ba ang nasa kalagayan ni Onyx ngayon magiging masaya ba ang anak ko? Kung ako lang ba ang kasa-kasama nya hanggang sa tumanda,magka-asawa at magka-anak siya magiging masaya kaya siya? Siguro,Oo,pero alam kong kahit maging masaya siya nandoon pa rin yung isang malaking katanungan sa buhay niya na nagsasabing hindi siya kumpleto.

"Mama! Sali ikaw!" Sigaw ng anak ko ng mapalingon sila sa gawi ko. Umiling lamang ako saka ngumiti.

"Hindi na be! Dito na lang si Mama! Enjoy na lang kayo ni Papa mo!" Nakangiting sagot ko sa kanya. Nakita ko namang napasimangot siya saka ngumuso pero agad naman siyang nilapitan ni Onyx saka bumulong.

Kunot-noong tinignan ko lang silang dalawa hanggang sa makita kong sumilay ang isang ngisi sa labi ng anak ko kasabay ng pagtingin ni Onyx sa gawi saka kumindat sa akin. Anong sinabi ng isang 'to sa anak ko?

"Ma! Mama! You stay there na lang po pala! Baka mawala si B-baby sister!" Muling sigaw ng anak ko saka nagsimula nanamang tumakbo papuntang dalampasigan.

Napasinghap na lamang ako habang nanlalaki ang matang tinignan siya sabay tingin kay Onyx na may malaking ngisi sa labi.

"Hoy! Anong sinasabi mo sa anak ko ha?! Anong baby sister?! Gusto mo bang mabaog ng wala sa oras ha?!" Inis na sigaw ko kay Onyx sa pinanlisikan siya ng mata. Ang walangya nama'y tinawanan lang ako.

"Wife wag naman! Pag nabaog ako paano tayo makakabuo ng football team?" Aniya saka kumindat pang muli saka nagtatakbo papunta sa kinaroroonan ng anak namin.

Ano?! Football team?! Football team? Niloloko niya ba ako?! Football team? Letse ka Onyx! Bahala kang matulog sa labas mamaya. Hinding-hindi ka makakatabi sa akin sa oras ng pagtulog. Akala mo ah.

Nang marinig kong mag-ring yung cellphone ko'y walang isang salitang kinuha ko ito saka sinagot.

"What?!" Asik ko habang nakatingin pa rin ng masama kay Onyx. Tinitigan niya naman ako pabalik then mouthed 'Mamaya ka sakin' but I just rolled my eyes at him dahil nabwibwiset ako sa kalandian niya.

Hamakin ba namang gusto ng football team? Ilan ba ang member ng football team? Six? Letse siya. Ano ako? Baboy? Isang irihan marami agad ang lalabas? Eh kung sa loob niya kaya ipabuo yung baby namin? Tss. Akala kasi nya napadaling manganak. Kay Hendrix nga lang ay nahirapan na ako dahil wala naman akong naging kasama maliban kay Jerica noon. Tss.

"Grabe ka! After three years na hindi pag paparamdam iyan ang isasalubong mo saking bruha ka?! Eh kung sabunutan kaya kita mula ulo hanggang baba ha?! Nakakayamot ka Beatrix ah! Hindi mo manlang sinabing buhay ka pa palang impakta ka! Argh! I so hate you!" Nanlalaki ang matang tinitigan ko ang cellphone ko ng makilala ko kung sino ang nagsasalita sa kabilang linya.

Just A Mistake ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon