I sighed. Napatingin ulit ako sa wall clock na nasa harapan ko. The clock says it's already ten in the evening yet he is still not here. Napatingin ako sa mga pagkaing inihanda ko para sana sa hapunan naming dalawa. Halatang malalamig na ang mga ito. Sabagay anong oras ko ba niluto ito para sana sa amin. Ilang araw na after nung kasal namin pero araw-araw ganito ang nangyayari.
Yes. We're both living in the same roof. Sleeping on the same room yet para akong isang hangin lang na dinadaan-daanan niya. Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam nanaman ng pagkirot nito. Kung iniisip niyong may sakit ako sa puso itigil niyo na. Wala akong sakit. Sadyang ganito lang ang puso ko sa tuwing nasasaktan sa mga ginagawa sa akin ng so-called-husband ko. Sabagay,lahat naman ng babae ganito ang mararamdaman kung binabaliwala lang sila ng taong mahal niya.
Muli akong napatingin sa wall clock. Again,I can't do anything but to sigh. Past ten na pala. Hindi ko manlang naramdaman.
I yawned. Inaantok na ako. Siguro naman any minute darating na siya diba? Hihintayin ko nalang siya. Sabagay,yun naman pala ang lagi kong ginagawa.
Nakatitig lang ako sa mga nakahandang pagkain ng maramdaman kong bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. And with that hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari.
××
"Iha.." Nakaramdam ako ng marahang pagtapik sa pisngi ko kung kaya't dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. My eyes widened when I saw Manang Teresa in front of me. Gulat na napabangon ako saka nilibot ang paningin.
"Manang nakauwi na po ba si Hyron? Nakakain ho ba siya? Nakaalis na po ba siya?" Sunud-sunod na tanong ko kay Manang habang hindi mapakaling tinitignan ang kabahayan. Napansin kong tahimik lang si Manang Teresa na umiiling sa isang tabi. And again I felt a fang of hurt inside my chest. Marahan nalang akong tumango saka bahagyang ngumiti. Nakita kong may awa ang mga tingin ni Manang pero tumango nalang ako nagsasabing 'Okay ako' kahit na hindi. For the third time I felt rejected.
"Sige po Manang. Mag-aayos na ako." Tumango lang ng bahagya si Manang. Para akong lantang gulay na umakyat sa kwarto namin ni Hyron. Pumasok ako sa banyo saka naligo. Pagkatapos ay nagbihis ng pamasok. Kahit na inaantok pa'y kailangan kong pumasok dahil ilang araw na akong hindi pumapasok dahil ipinagpaalam kami nila Mommy Hershey-Mommy ni Hyron-para sa honeymoon kuno naming mag-asawa. Tch. Kung alam lang nila ang ginagawa sakin ng magaling nilang anak. Kaya lang hindi naman ako pwedeng magreklamo. Ginusto ko rin ito. Kaya papanindigan ko na lang.
××
Habang naglalakad sa hallway panay ang tingin ng mga taong madadaanan ko. Hindi ko na lang sila pinapansin. Sanay na ako.
"Stupid slut!" I sighed. Kahit hindi ako tumingin alam kong ako ang tinatawag niya. Sino pa ba,edi si Natsha 'The Bitch' Deverzon. Nakita ko siyang palapit sakin kasama ang ilan niyang alipores na kung ikukumpara sa akin ay di hamak naman na mas maganda ako sa kanila. Akala mo mga clown na ke-kakapal ng make-up. Tss.
Hindi pa man din ako nakakapagtanong ng kung anong kailangan nila eh pabagsak na inabot nila sakin ang mga notebook nila-na kung di ako nagkakamali ay may lamang assignments nila-habang mga nakangiti ng matamis na akala mo'y mga anghel pero mga anak naman ni Satanas.
"Do our homeworks. That's all. Ciao!" Aniya saka maarteng lumakad kasunod yung di mabilang na alipores niya. Pansin ko lang ah. Sa lahat ng istorya di talaga mawawala ang mga bruha. Bruhang nasobrahan sa kulay. Tch.
As usual,ano pa bang magagawa ko eh hawak ko na eh. Alangan namang itapon ko lahat ng to tapos ako nanaman ang pagdidiskitahan nila. Tch.
Habang inaayos ko lahat ng hawak kong notebook ay napansin ko ang isang pigura na nakatingin sakin. Natulala ako ng makita si Hyron na nakatingin sakin. Akala ko ng magsimula itong maglakad palapit sakin ay tutulungan niya ako but he didn't. Instead nilagpasan niya lang ako. Ouch. Ang sakit ha. Kung dati rati tinutulungan niya ako o kaya naman ay pagbabawalan niya sila Natasha ang ang mga alipores nito na huwag akong gawing instant answer sheet pero ngayon? Wala. As in wala. Nganga.
BINABASA MO ANG
Just A Mistake ✔
Fiksi UmumShanadeia Beatrix Dela Vega just a simple girl who fell in love with her guy best friend Onyx Hyron Levigne. Yes. It may sound cliche but that is the truth. They're as good and as sweet as a couples out there. But the only different is they're NOT b...