I was pacing back and forth sighing every minute-I think. Ilang oras na kasi ang nakalipas simula ng umalis si Onyx at iwan akong mag-isa dito sa condo unit niya pero hanggang ngayon ay wala parin siya. Kanina ko pa siya tinatawagan at tinitext kung nasaan na ba siya,kung ayos lang ba,kung ano na bang nangyayari sa kanya,sino ang kasama niya. Pero ni isa sa mga iyon ay hindi man lamang nabigyan ng sagot. Lahat ng tawag ko hindi niya pinapansin. Sobra na akong nag-aalala. Paano pala kung may ginawa si Evana sa kanya diba? Kaya lang bakit naman? Saka ano namang gagawin ni Evana sa kanya?O baka naman nagpapakasaya sila ni Evana hanggang ngayon kaya nakalimutan niya ng naiwan ako dito na asawa niya? Ganon nalang ba iyon? Pagkatapos niya akong pagsawaan kay Evana naman siya pupunta para magpasarap ulit?
Just by thinking those possibilities makes my heart shattered into million pieces. Pabagsak akong naupo sa kama saka marahang pinunasan ang luha ko. Bwisit naman Beatrix. Umiiyak ka nanaman dahil sa lalaking yun? Ano bang gusto mo? Gusto mo bang mapahamak pati anak mo dahil sa kagagahan na ginagawa mo ngayon?
Napapikit ako saka impit na umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ang sakit lang kasing isipin na parausan ka lang ng taong mahal na mahal mo. Tangina,ano pa bang kulang sakin? Ano pa ba? Kasi sabihin niya lang gagawin ko talaga ang lahat mapunan lang lahat ng pagkukulang na 'yon. Gusto ko lang naman maging masaya na kasama siya eh. Pero bakit ang hirap-hirap sa parte ko? Don't I deserve to be happy?
Iyak lang ako ng iyak habang nakahawak sa tiyan ko. Ayokong madamay ang anak ko-namin,kaya lang hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Umiwas man ako,magtago man ako,kahit na ano pang gawin ko hindi ko matakasan yung pagmamahal na meron ako kay Onyx. Kahit kailan ata hindi ko na magagawang takasan pa yun.
"Beatrix? What the fuck? What happened? Why are you crying?" I was in the middle of crying when I heard Onyx's voice.
Agad akong napatunghay dahil doon. Mas lalo ata akong naiyak dahil nakita ko yung pag-aalala na meron sa mga mata niya habang nakatingin sakin. He move closer to me and cupped my face.
"What happened? Anong nangyari nung wala ako? Bakit ka umiiyak?" Sunud-sunod na tanobg niya kaya mas lalo akong napahagulgol.
Walang isang salitang yumakap ako sa kanya. Hindi ko alam kung para saan pa ba ang luhang iniluluha ko ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba sa saya na nag-aalala siya sakin,sa lungkot dahil ngayon lang siya dumating. Hindi ko na alam. Basta ang alam ko lang masaya ako at bumalik siya sa akin.
"B-bakit ngayon ka lang?" Tanong ko habang nakayakap parin sa kanya. Niyakap niya naman ako ng pabalik pero kumpara sa yakap ko mas mahigpit ang sa kanya. Para bang sinasabi nitong hindi na siya aalis muli sa tabi ko.
"I'm sorry kung ngayon lang ako. May inasikaso lang kasi ako sa opisina. You know that Dad wasn't here to arrange that,right?" Aniya saka sinimulang haplusin ang likod ko. Pinigilan ko naman na ang sarili kong umiyak pa saka tumango bilang sagot.
"Bakit ba umiiyak ka? May nangyari ba nung wala ako? Did Evana came here?" Sunud-sunod na tanong niya saka humiwalay sa pagkakayakap sakin. He cupped my face again. Habang titig na titig siya sakin kitang-kita ko kung paano rumihistro ang pag-aalala sa mga mata niya.
Umiling naman ako bilang sagot. Hindi naman talaga pumunta si Evana dito. Hindi ko nga alam kung alam niya bang nandito ako sa unit ni Onyx or kung alam niya bang may unit si Onyx na malapit sa unit ko. Ayoko nalang alamin pa kasi ayoko munang isama siya sa buhay ko o kung sakali ma'y huwag na talaga siyang masama pa sa buhay naming dalawa ni Onyx. Ayoko ng may iba pang babae na nababaliw sa asawa ko. Tama ng nababaliw na ako ng sobra sa kanya dahil sa pagmamahal ko wag lang ang ibang babae lalo na si Evana.
"W-wala naman. Nag-aalala lang ako sayo. Ang tagal mo kasing bumalik." Mahinang tugon ko saka nagbaba ng tingin. Hindi ko kasi magawang tumitig sa kanya pabalik ng sobrang tagal. Feeling ko kasi nanghihina ang buong pagkatao o dahil sa sobrang lalim ng titig niya.

BINABASA MO ANG
Just A Mistake ✔
General FictionShanadeia Beatrix Dela Vega just a simple girl who fell in love with her guy best friend Onyx Hyron Levigne. Yes. It may sound cliche but that is the truth. They're as good and as sweet as a couples out there. But the only different is they're NOT b...