Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi ko alam. Hindi ko na alam. Nagagalit ako,naiinis ako and at the same time nasasaktan ako.Buntis si Evana? Buntis siya at si Onyx ang ama? Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko saka napahawak sa ibabaw ng tiyan ko ng maramdaman kong nagclench ito ng bahagya.
Buntis siya,buntis din ako. Paano ang magiging baby namin ni Onyx? Mababalewala nalang ba kami dahil sa katotohanang dinadala ni Evana ang magiging anak nilang dalawa?
Pero sabi niya ako ang mahal niya diba? Hindi naman siguro dahilan ang pagbubuntis ni Evana para makalimutan ni Onyx na ako ang asawa niya't ako ang mahal niya,hindi ba?
"Beatrix.." Onyx called me. Lumuluhang bumaling ako sa kanya. Kitang-kita ko kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha niya ng makita ang mga luha ko.
"Oh,narinig mo naman na pala. So I don't need to repeat myself anymore to you. Yes,I'm pregnant with Onyx's child,so you better leave now. Hindi namin kailangan ng baby namin ng katulad mo. Shoo." Pataray na pagtataboy ni Evana sa akin na para bang isa akong hayop na pinandidirihan niya.
"Evana shut up! Wala kang karapatang paalisin si Beatrix sa pamamahay namin!" Napapitlag ako sa sigaw ni Onyx. Naglakad siya palapit sakin saka hinawakan ako sa magkabilang pisngi.
"W-wife,listen to me first okay? Please?" Tila nagsusumamong saad niya habang titig na titig sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin,o dapat ba'y may sabihin ako.
"Honey! Bakit kailangan mong mag-explain pa sa babaeng 'yan! Hindi naman siya importante! Paalisin mo na nga-" Bago pa man siya makatapos sa pagsasalita ay muli nanamang sumigaw si Onyx na siyang ikinagulat ko.
"I said shut the fuck up Evana! Wala kang karapatan na paalisin ang asawa ko sa sarili kong pamamahay! Kung gusto mong may umalis,bakit hindi ikaw ang mauna?! Leave us alone!" Angil ni Onyx.
Nakita kong gulat na gulat si Evana sa sinabi ni Onyx. Sino nga ba naman ang hindi diba? Si Evana ang matagal na nakasama ni Onyx noon pa man. Mahal na mahal ni Onyx si Evana to the point na nasaktan niya na ako diba? So hindi ko masisisi si Evana kung gulat na gulat siya sa ginawang pagsigaw sa kanya ni Onyx. Noon kasi'y hindi manlang nagagawa ni Onyx na sigawan o saktan siya. Ngaon lang. Dahil ba saakin? Dahil ba sa ako na ang mahal niya?
"H-how-argh! Fine! Aalis ako pero ngayon lang Onyx! Ngayon lang! At ikaw!.." Aniya saka tinitigan ako ng masama habang nakaturo sa akin.
"Humanda ka,hindi pa tayo tapos na babae ka." Puno ng pagbabantang saad niya saka nagmartsa palabas ng bahay.
Naiwan naman akong tulala habang lumuluha parin. Ngayon ko lang naisip lahat ng consequence ng mga nangyari. Bakit nga ba hindi ko naisip na maaaring mabuntis si Evana? Ilang beses na nga ba nilang ginawa iyon? Hindi ko alam,ayokong malaman. Nasasaktan lang ako sa tuwing iisipin kong may nangyari sa kanila ng asawa ko at hindi lang basta sex,dahil may kasamang pagmamahal iyon sa tuwing gagawin nila.
"Wife.." Muli akong napatunghay ng marinig ko ang marahang pagtawag sa akin ni Onyx.
"Wife,I'm sorry.." Nagsusumamong saad niya saka pinagdikit ang noo naming dalawa. Mariin akong napapikit para pigilan ang mga luha kong hindi tumitigil sa pagbagsak.
Bakit kung kailan ayos na kaming dalawa saka pa nangyari ito? Bakit kailangang dalawang bata ang mapagitnan sa nangyayari sa aming tatlo? Buntis si Evana,isang napakalaking posibilidad na si Onyx ang ama. Bakit ang hirap-hirap tanggapin ng puso't isipan ko na buntis din siya?
"B-buntis siya Onyx." Nanghihinang saad ko. Parang bigla akong nawalan ng lakas dahil sa nalaman ko.
"Pero hindi pa tayo sigurado kung sino ang ama." Bakas sa boses niyang nahihirapan siya sa nangyayari. Kahit ako,nahihirapan sa nangyayari.
BINABASA MO ANG
Just A Mistake ✔
Fiksi UmumShanadeia Beatrix Dela Vega just a simple girl who fell in love with her guy best friend Onyx Hyron Levigne. Yes. It may sound cliche but that is the truth. They're as good and as sweet as a couples out there. But the only different is they're NOT b...