"You've been sleeping for a week now wife." Mahinang saad ko habang hinahaplos ang mukha niya. Dalawang linggo. Dalawang linggo na siyang nakaratay. Hanggang ngayon ayaw niya pa ring gumising."Alam kong ako ang dahilan kung bakit ayaw mong gumising. But please Beatrix,kahit yung anak na lang natin ang gawin mong rason para mabuhay pa. Hahayaan ko. Please,gumising ka lang." Ilang beses na ba? Ilang beses na ba akong nakiusap sa kanya na gumising na siya?
Hindi ko alam. Sa sobrang dami hindi ko na mabilang. Tanggap ko namang kapag nagising siya ay ipagtatabuyan niya lamang ako. Pero tatanggapin ko iyon basta alam kong gigising siya. Tatanggapin ko.
"Buti naman alam mong ikaw ang may kasalanan ng lahat. Tss." Hindi ko na lamang pinansin ang sumbat ni Miaka sa akin. Hindi na mahalaga kung nasasaktan ako. Mas mahalaga pa rin para sa'kin ang paggising ni Beatrix.
"Tss. You know what,you should be thankful at hinayaan kitang magpabalik-balik dito kahit na gustung-gusto na kitang ipakulong or baka nga patayin na e. Kaya lang naisip ko kung papatayin naman kita ako naman ang makukulong. Kaya nevermind na lang." Aniya.
Napailing na lamang ako. Hindi ko naman nakakalimutan 'yon e. Hindi ko nakakalimutang nakatanggap muna ako ng ilang sampal mula saka kanya bago ko siya mapapayag na magbantay kay Beatrix at sa anak namin. Hindi ko nakakalimutan yung kasunduang pinag-usapan namin. Pero hindi ibig sabihin non hahayaan ko na lamang mawala si Beatrix at ang anak ko sa puder ko sa oras na magising siya. No. That's not gonna happen.
"Hindi ko nakakalimutan." Mahinang saad ko habang nakatingin lamang kay Beatrix.
Ayaw mo na ba talagang magising?
Alam kong kahit paulit-ulit ko pang itanong 'yan sa kanya hindi niya parin sasagutin. At kung sasagutin niya naman ay paniguradong 'oo' ang isasagot niya. Dahil sa akin. Alam kong paulit-ulit na ako pero kahit saang anggulo tignan babalik at babalik sa akin na ako ang dahilan ng lahat.
Nakaasawang marinig. Nakakapagod isipin. Pero kahit anong gawin ko,iyon ang totoo. Kahit si Papa ako ang sinisisi sa lahat. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung alam na ba nila Tito at Tita kung ano ang kondisyon ni Beatrix. Pero mukhang walang gustong magpaalam dahil ni minsan ay hindi ko pa silang nakitang dumalaw.
"Buti naman. Akala ko kasi sa sobrang katangahan mo nakalimutan mo pati ang simpleng kasunduan lang." Aniya sa mapanuksong saad. Napailing na lamang ako.
Alam ko namang noon pa lang hindi na ako tanggap ni Miaka bilang kaibigan ni Beatrix. Dahil alam niya daw na sasaktan ko lang ang huli. Pero hindi ba't tama naman siya? Sinaktan ko si Beatrix. Sinaktan ko siya to the point na hindi ko na maalala kung may nagawa akong kahit na isang mabuti sa kanya.
"Bukas.." Aniya. Hindi ko siya nilingon. Hinintay ko na lamang kung ano ang kasunod ng sasabihin niya.
"Dadating ang magulang niya.." Para akong nanigas sa pagkaka-upo ko dahil sa sinabi niya. Kung ganon alam na nila Tita ang nangyari kay Beatrix? Alam din kaya nila na ako ang dahilan ng lahat?
"Pero hindi nila alam na kasalanan mo.." Pagpapatuloy niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil doon o maguluhan.
Hindi nila sinabi? Bakit?
"As long as gusto kong sabihin sa kanila na kasalanan mo lahat ng nangyayari sa 'asawa' mo, still wala parin akong karapatan na gawin iyon. Kahit na kating kati na yung dila kong sabihin 'yon. Ikaw at si Beatrix lang ang may karapatan na sabihin sa kanila ang totoo." Mahabang pahayag niya.
Napabuntong hininga na lamang ako saka tumango. "Thank you Miaka." I sincerely said.
"Don't thank me because of that Onyx. Dahil kahit ilang sorry at thank you pa ang ipaulan mo sakin still, it will never change the fact na hindi kita matatanggap pang muli para kay Beatrix. Isa pa,malay ba natin kung pati magulang niya,kamuhian ka na rin after this. " Dahil sa sinabi niyang iyon ay hindi ko maiwasang magsisi sa lahat ng kagaguhan ko.
BINABASA MO ANG
Just A Mistake ✔
General FictionShanadeia Beatrix Dela Vega just a simple girl who fell in love with her guy best friend Onyx Hyron Levigne. Yes. It may sound cliche but that is the truth. They're as good and as sweet as a couples out there. But the only different is they're NOT b...