Marahan akong napabangon ng makaramdam ako ng kakaiba. Para bang imiikot ang sikmura ko at may gustong ilabas. Hindi ko na sana papansin pa kaya lang hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumakbo ako papasok ng banyo saka sumuka sa bowl not minding what it looks like anymore. Feeling ko hinang hina ako ng matapos akong sumuka. Nang alam kong wala na akong mailalabas ay tumayo na ako saka nagmumog. Bumalik ako sa kama saka humiga. Napatingin ako sa orasan na nasa table ko at ganon nalang ang pagtataka ko ng makita kong alas-kwatro imedia pa lamang ng umaga.May nakain ba akong masama? O baka naman nasobrahan ako ng kain kagabi kaya ako nagsuka? Siguro nga ganon ang nangyari.
Gustuhin ko mang bumalik sa pagkakaidlip ay hindi ko na magawa. Naisip ko nalang maglakad-lakad sa labas tutal ay wala pa naman gaanong tao at sasakyan na dumaraan. Malayo din kasi masyado ang pinagtatayuan ng buong building ng condo nila Miaka.
Nagsuot na lamang ako ng leggings at tinernuhan ng white shirt saka pinatungan ng jacket. Malamig kasi sa labas tuwing madaling araw kaya kailangan kong magsuot ng jacket. Matapos nun ay nagsuot ako ng robber shoes saka nag-ipit ng buhok.
Lumabas na ako ng unit saka nilock ito. Mahirap na,hindi naman sakin to baka manakawan pa. Kahit saan naman kasi uso ang mga magnanakaw. Napatingin ako sa unit ni Zircon ng madaanan ko. Siguro tulog pa siya,gusto ko sana siyang isama sa paglalakad kaya lamang ay mukhang nahihimbing ito sa pagtulog. Hindi ko na siya ginising pa saka naglakad na papuntang elevator. I waited for at least two to three minutes para makababa ang elevator sa pinaka ground floor since wala naman akong nakasabay.
Habang naglalakad ako palabas ng building ay may napansin din akong taong palabas din tulad ko. Hindi ko nalang pinansin kasi baka may bibilhin lang siya sa grocery malapit sa building. Agad akong napayakap sa sarili ko ng maramdaman ko ang malamig na hangin. Geez. Kahit na nakajacket ako ang lamig parin pala.
Pag ganitong maaga akong nagigising noon sa probinsya namin sa Bataan pupunta ako sa pinakamalipit na ilog saamin saka doon maghihintay para makita ang pagsikat ng araw. Nakakatuwa kasing makita ang unang pagsilay ng liwanag sa kadilim. Para bang nakakakita ng panibagong pag-asa sa buhay dahil doon.
Napangiti ako ng maisip ko yung Parke na malapit lang dito. Doon ko nalang siguro aabangan ang pagsikat ng araw.
Habang naglalakad ako napansin kong parang may sumusunod sa akin. I stopped and turned around to see who is it. Napakunot ang noo ko ng makita ko yung same guy na lumabas sa building kanina. Is he following me? Dahil sa isiping yun kinabahan ako. Kahit na kinakabahan nagpatuloy parin ako sa paglalakad papunta doon sa park.
Napapikit ako ng mariin habang naglalakad ng mapansin kong sinusundan niya nga talaga ako. Mas lalo kong binilisan ang lakad ko at ganon nalang ang pagkatakot ko ng ganon din ang ginawa niya. Mabilis din ang lakad niya gaya ng sakin.
Gusto kong mapasigaw ng bigla siyang tumakbo kaya tumakbo din ako. Pero hindi sapat yun dahil nahabol niya ako saka hinatak sa isang taong eskinita di kalayuan sa building ng condo unit.
"Bitiwan mo ako! Sino ka ba!" Sigaw ko habang pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa dalawang palapulsuhan ko.
Napangiwi ako ng biglaan niya akong isandig sa pader. Nanlalaki ang mata kong tinitignan siya only to find out Onyx's eyes looking at me intently.
"O-onyx.." I mumbled. Titig na titig ako sa kanya habang siya ay ganon din sakin. Anong nangyayari? Bakit nandito siya? Paano niya nalamang nandito ako? Saka,bakit iba ang pananamit niya ngayon?
"Beatrix.." He called my name as if he loves saying it.
"A-anong ginagawa mo dito? Paano mo nalamang nandito ako? B-bitiwan mo ako. Gusto ko ng umuwi." Lakas loob na saad ko saka pilit na kumakawala sa mga hawak niya pero mas lalo lang nyang hinigpitan iyon saka mas lalong lumapit sakin to the point na ramdam na ramdam ko ang buong katawan niya na nakadikit sakin. I felt myself blush when I felt something poking my belly. Hindi naman ako inosente para hindi malaman kung ano yun

BINABASA MO ANG
Just A Mistake ✔
General FictionShanadeia Beatrix Dela Vega just a simple girl who fell in love with her guy best friend Onyx Hyron Levigne. Yes. It may sound cliche but that is the truth. They're as good and as sweet as a couples out there. But the only different is they're NOT b...