Untold Mistake 1

9.4K 99 7
                                    

The picture alone, without the written word, leaves half the story untold.
- James Lafferty

Three years ago...

Napakislot ako sa sakit na nararamdaman ko sa bandang bewang ko. Shit. Ano bang nangyari? Kahit na hirap na hirap akong imulat ang mga mata ko'y sinubukan ko parin. Nagtatakang tinignan ko ang buong lugar. Nasa hospital ba ako?

Parang isang malakas na kidlat na bumalik sa akin ang mga alaala ng nangyari. Gustung-gusto kong umiyak at magwala pero hindi ko magawa. Masakit ang buong katawan ko. Iyon ang totoo. Ilang araw na ba akong nakahiga rito? Yung baby ko? Kamusta ang baby ko?

"Wife.." Para akong kahoy na naitulos sa kinahihigaan ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Agad akong bumaling sa kanan ko at tama nga ang hinala ko. Onyx is here. Pero bakit? Paano niya nalamang nandito ako? Siya ba ang nagsugod sakin rito? Pero imposible.

Gustung-gusto kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero hindi ko magawa dahil masyadong mahigpit iyon. Gustong-gusto kong tumakas at lumayo sa kanya pero hindi ko alam kung paano.

Agad akong napaayos ng higa saka pumikit na para bang walang nangyari ng marinig kong bumukas ang pintuan.

"Anong ginagawa mo rito?!" Miaka? Bakit pati siya narito? Pero hindi ko man lamang narinig na sumagot si Onyx. Imbis ay naramdaman ko ang labi niya sa noo ko. Why is he acting this way? Hindi ba dapat ay nasa hospital siya at binabantayan si Evana?

"Good morning wife.." Aniya saka ko naramdaman ang marahan niyang paghawi sa ilang hibla ng buhok ko.

What is he doing?

"Damn it Onyx! Ke-aga-aga naninira ka ng araw! Lumabas ka na please lang! Pagod na pagod na akong makipagtalo sa'yo! Iwanan mo na si Beatrix at bumalik ka na lamang doon sa baliw na Evana mo!" asik ni Miaka saka naramdaman ang mahinang pag-alog ng kamang kinahihigaan ko. Gusto kong makita kung anong nangyayari pero hindi ko kayang ipaalam sa kanila na gising na ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.

"I want to be with my wife." Mariin ngunit may halong pagmamakaawang bigkas ni Onyx. Nagmamakaawa siyang makasama ako?

"Damn it! Don't be such a jerk Onyx because you are already! Now get your ass out of this room or tatawag ako ng guard at ipapakaladkad kita!" Para bang anumang oras ay sasabog na si Miaka. Gusto kong siya patigilin pero ano bang magagawa ko? Hindi naman mapipigilan ang isang tulad niya.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil tanging katahimikan na lamang ang namayani sa kanilang dalawa. Anong nangyayari?

"H-hayaan mo naman ako Miaka na makasama ang mag-ina ko. Parang awa mo na. N-nagmamakaawa ako sayo. " I heards Miaka's gasp because of what Onyx's have said.

Gustung-gusto kong makita kung anong ginawa niya and so I did. I slightly open my eyes only to see Onyx on bended knees. Mariin akong bumalik sa pagkakapikit dahil sa hindi ko kayang makita ganito siya.

Hindi ko kailan man ninais na makitang lumuluhod siya para lamang magmaakaawa but he did. He did that for me. Kahit kailan hindi ko siya nakita na magmaakawa sa isang tao. Ngayon lang. Dahil sa akin? Bakit? Sino ba ako? Hindi naman ako ang mahal niya hindi ba? Bakit kailangan niyang lumuhod para lang sa akin?

Just A Mistake ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon