Mistake 7

12K 324 23
                                    


Nakatulala lang ako habang patuloy na lumuluha. Kung may makakakita man sakin ngayon paniguradong iisipin nilang nababaliw na ako. Bakit,sino bang hindi? Para akong tanga na nakatulala lang at walang masabi.

"Shana.." Napatunghay ako ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. I looked up and saw Zircon. Halata sa mga mata niya ang pag-aalala at pagkalito. Nalilito marahil sa kung anong nangyayari sakin.

Hindi ko napigilang mapahikbi. Siguradong nagulat siya kaya agad siyang tumabi sakin saka ako niyakap.

"S-save me...please." I plead between my sobs. Ayoko na. Pagod na pagod na ako sa buhay ko. Kung pinaparusahan man ako sa kasalanang hindi ko alam nagmamakaawa ako. Itigil niyo na,please. Tao lang ako diba? Nasasaktan,napapagod.

"I don't what really happened but I promise I will save you. I surely will Shana. Hush it now." Just by hearing those words from him makes me want to cry more. And that's what I exactly did. I did cry in his arms. Hanggang sa hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

××

"Bakla tumigil ka nga! Baka magising si Beatrix!" Rinig kong sigaw ng kung sino. Anong meron? Bakit ang ingay ata sa kwarto ko? Gusto ko na sanang magmulat kaya lang pinili ko nalang munang manahimik saka pakinggan ang mga tao sa kwarto ko.

"Tumigil?! Tangina naman pala Miaka! Hindi natin alam kung anong nangyayari kay Beatrix! Ilang araw na ba siyang ganya ha?! Palagi nalang siyang may pasa sa katawan! Sa tingin mo ba anong iisipin ko?! Hindi ako pwedeng manahimik nalang basta-basta! Kaibigan natin yang pinag-uusapan dito!" Napapikit ako ng mariin ng marinig ang malakas na sigaw ni Brenon. Teka,si Brenon at Miaka?

"Kaya nga hintayin natin siyang magising diba?! Naman Brenon eh! Huwag mo kong sigawan! Nag-aalala din naman ako kay Beatrix eh!" Miaka hissed. Gustuhin ko mang manahimik nalang at magpanggap na tulog kailangan ko ng gumising talaga. Ayokong ako pa ang maging dahilan kung bakit mag-aaway ang dalawang kaibigan ko.

Masakit man ang ulo ay pinilit kong bumangon sa pagkakahiga. "Tumigil na kayong dalawa." Pagpigil ko sa pagsisigawan nila saka umayos ng pagkakaupo. Napakunot ang noo ko ng hindi ko makilala ang kwartong tinutuluyan ko.

"Beatrix! Thank God! Ayos ka lang ba? Sino bang may gawa sayo niyan? Para ka namang may asawang saksakan ng sama dahil sa itsura mo eh. Tignan mo,may pasa ka nanaman sa magkabilang pisngi mo hindi pa nga magaling yung dati. Anong nangyayari sayo? Nagulat nalang kami ng tawagan kami ni Zircon at sinabi nandito ka sa condo unit niya." And just by hearing those words para bang isa-isang bumabalik lahat sa isipan ko ang nangyari. Kung paanong nagsinungaling si Evana kay Onyx at kung paano niya ako saktan. Kung paano ako nakarating sa lugar na to.

"M-miaka.." I called her. At ganon nalang ang gulat sa mukha niya ng makita niyang lumuluha ako. Ulit. Wala na bang katapusan ang pag-iyak ko?

"Oh my god!" She gasped then hug me. Yumakap naman ako sa kanya saka umiyak na parang bata.

"M-miaka ayoko na.." Humihikbing saad ko. Hinahaplos niya lang naman ang ulo ko. At least nababawasan ang sakit na nararamdaman ko dahil don.

"Zircon told us you need help. Beatrix naman,paano ka namin tutulungan kung ayaw mong sabihin samin kung anong nangyayari sayo?" Puno ng pag-aalalang saad niya saka humiwalay ng yakap sakin saka ako hinawakan sa magkabilang pisngi.

Huminga ako ng malalim para pigilan ang paghikbi ko. Nang maging maayos ang paghinga ko ay saka ako tumingin sa kanilang tatlo-kay Miaka,Brenon at Zircon.

I don't I have a choice but to tell them the truth. Gusto ko ng makawala. Kasi habang tumatagal feeling ko bibigay at bibigay na ang buong katawan at isipan ko sa nangyayari. I heaved another sigh.

Just A Mistake ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon