Untold Mistake 5

9.2K 144 8
                                    


"Ang cute cute naman ng batang ito. Kaya lang bakit parang hindi mo manlang kamukha ang Mama mo? Hay nako. Siguro mas nag-enjoy ang Papa mo nung gabing ginagawa ka no?" Naalimpungatan ako mula sa pagkakahimbing ng marinig ko ang boses ni Jermae na sinasabi 'yon.

Wait. Nandito si Jermae? Paano? Akala ko ba nasa Manila siya ngayon?

Marahan akong namulat saka sinubukang umupo pero sumakit lamang 'yung sa may ibabang parte ko. Damn. Ano bang nangyari?

"Oy, gising ka na pala." Aniya.

"Hindi. Hindi ako gising." Nahihirapang bigkas ko dahil sa masakit nga yung nararamdaman ko.

"Edi hindi. Nga pala, huwag ka munang gumalaw ng gumalaw sabi ng Doctor since may tahi ka pa nga." Aniya pero hindi ko siya pinakinggan.

Nasa buhat-buhat niya lang ako nakatuon. Hindi ko mapigilang maluha ng makita ko kung sino ang hawak-hawak niya.

"Ayy! Ano ba 'yan! Bakit umiiyak ka? Malusog at ligtas naman si baby mo o." Aniya saka marahang ibinigay sa akin ang anak ko.

Mas lalo kong hindi napigilan ang maluha dahil sa sayang nararamdaman ko ngayon. I can't help but to be happy ngayon at nailuwal ko siya ng maayos.

"Hi baby Hendrix.." Naluluhang saad ko saka hinawakan ang kamy niyang napakaliit. Agad naman itong gumalaw ng marahan saka kumapit pabalik sa daliri ko na para bang alam na alam niyang ako ang mama niya.

"Di mo kamukha Bea." Biglang saad ni Jermae kaya napatawa na lamang ako ng marahan.

Tama siya. Unang kita pa lamang malalaman mo ng hindi ako ang kamukha niya. Lahat ata ng pisikal na katangian ay kay Onyx niya nakuha. Gusto ko sanang tanungin kung bakit ang daya. Bakit lahat kay Onyx nakuha. Hindi ha dapat mas malakas ang kapit ng nanay sa anak kaysa sa tatay niya dahil nanay ang nagdadala sa kanila sa sinapupunan nila for nine months?

Pero hindi naman importante para sa akin kung sino ang kamukha niya. Ang mahalaga alam kong malusog at maayos siya. Walang problema na kakaharapin ang anak ko.

"Oo nga eh. Ganyan ata talaga." Nakangiting saad ko habang naka titig pa rin sa nahihimbing kong anak.

Nakakatuwa lang siyang pagmasdan. Tama nga sila, tama nga sila sa mga sinasabi nila sa ibang kabataan na maagang nagkakaroon ng anak. Hindi madaling mabuntis lalo na kung walang aagapay sa'yo pero lahat naman ng paghihirap mo worth it lalo na kapag nalaman at nakita mong maayos at malusog mo siyang nailabas. Alam mo sa sarili mong naalagaan mo siya ng maayos at nabigyan ng sapat na nutrisyon noong nasa loob pa lamang siya ng tiyan mo.

"Obviously Bea, yung tatay ang nag-enjoy nung ginagawa niyo si Baby Hendrix." Walang hintong saad niya.

Ako naman itong namula dahil sa sinabi niya. Hindi naman ako slow para hindi maintindihan yung tinutukoy niya.

"A-ano bang sinasabi mo?" Nauutal na tanong ko.

Hindi ko siya magawang tignan dahil sa ako iyong nahihiya sa mga pinagsasabi niya. Seriously? Paano ba naging ganito si Jerica noong mga panahong wala ako dito?

"Kasi alam mo friend, ang sabi ng karamihan kung sino ang mas kamukha ng bata siya yung nag-enjoy ng husto sa love making nila kaya ayan, malamang, yung tatay talaga niyan ang nag-enjoy since mata mo lang ata ang nakuha niya sa'yo." Mas lalo akong namula dahil sa mga sinasabi niya.

Pero may point naman kasi, mata nga lang kasi ata talaga ang nakuha ni Hendrix sakin. Pero ano bang connect nung mas nag-enjoy yung tatay kaysa sa nanay sa magiging kalalabasan ng anak nila?

Hindi ko na lamang siya pinansin. Mas pinili ko na lamang ang manahimik habang nilalaro ang maliit na daliri ng anak ko.

- -

Just A Mistake ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon