Mistake 10

13.4K 269 12
                                    

Nakatingin lang ako sa labas habang nakapatong ang magkabilang kamay ko sa ibabaw ng tiyan ko. Hindi ko mapigilang mapangiti sa iisiping may nabubuong isang anghel doon. Yes,I'm pregnant. I'm pregnant with Onyx's child. Ilang araw na akong hindi pumapasok dahil sabi ng doktor ay kailangan ko ng pahinga. Hindi daw kasi nagiging maganda ang kinalalabasan kapag masyado akong pagod kaya minabuti ko munang hindi pumasok.

Ilang araw na din akong nakakatanggap ng samu't saring tawag at texts mula kay Onyx. Tinatanong niya kung hindi niya ako nakikita sa campus. Sinabi ko nalang na kailangan kong bisitahin si Mama sa Bataan since namimiss na daw niya ako. Gustong-gusto ko ng sabihin sa kanyang buntis ako't magkaka-anak na kami pero natatakot ako. Sa kabila kasi ng ipinapakita at pinaparamdam niya ay hindi ko parin mapaniwalaan lahat. Natatakot akong itanggi niya ang anak ko. Paano kung sabihin niyang ipalaglag ko ang bata? Hindi pwede. Ayoko.

"Ang sabi magpahinga,hindi magpagod lalo kakaisip." Napalingon ako marinig ko ang boses ni Miaka. Napangiti ako ng makita ko siya. Ngumiti naman siya pabling sa akin saka umupo sa tabi ko. Sa ngayon si Miaka palang ang nakakaalam na buntis ako. Hindi ko kasi alam kung matutuwa ba sila Brenon at Zircon kapag nalaman nila na dinadala ko ang anak namin ni Onyx.

"Hindi naman talaga Miaka. Iniisip ko lang kung matatanggap ba ni Onyx ang anak namin. Tapos sila Brenon at Zircon pa. Hindi ko alam kung paano sila haharapin ngayon. Alam ko naman kasing galit silang pareho kay Onyx." May lungkot na saad ko habang nakatingin sa kanya. Napabuntong hininga siya saka ngumiti sakin.

"Naiintindihan ko sila Brenon at Zircon kung magagalit sila lalo kay Onyx. Pero ito ang tatandaan mo Beatrix. Kahit na gaano pa sila kagalit kay Onyx hindi naman nila magagawang magalit sayo lalo na sa magiging baby mo. Hindi mo kasalanang nagmahal ka at mas lalong hindi kasalanan ng baby na nabuo siya. Sigurado akong maiintindihan ka nilang pareho. Magagalit sila oo,pero hindi nila paiiralin yun lalo na sa kalagayan mo ngayon. Kaya mabuti pa,huwag mo ng isipin yun. Sa ngayon,magpagaling ka para sa iyo at para sa baby mo. Okay?" Puno ng sinseredad na saad niya kaya tumango lang ako bilang sagot. Pero natatakot parin ako sa pwedeng maging reaksyon ni Onyx para sa baby namin.

"And about Onyx.." Pagpapatuloy niya na para bang nabasa niya kung anong iniisip ko. She sighed. "I really don't know what would be his reaction towards this. But as a father of your baby,siguro naman matatanggap niya ang baby niyo. Walang ama ang makakayang itanggi ang anak niya. Tanga nalang siya kapag ginawa niya yun. At kapag ginawa niya yun,asahan niyang may mangyayaring hindi maganda kapag nalaman nila Zircon iyon. Kaya huwag munang isipin okay? Maging masaya ka para sa sarili mo dahil magiging Mommy ka na." Tumango nalang ulit ako bilang sagot saka ngumiti.

Sana nga tama si Miaka. Sana nga hindi magawang itanggi ni Onyx na anak niya ang dinadala ko. Kasi pag nangyari yun hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko kailanman inisip na mawalan ng ama ang magiging anak ko. Gusto ko lumaki siyang may pagmamahal din ng ama niya at hindi lang galing saakin.

××

"Wala ba kayong pasok Miaka? Kahapon kasi nandito ka din eh." Nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa TV at tumingin sa kanya sandali saka binalik ang tingin ko sa pinapanuood ko. Nakapagtataka kasi kahapon pa siyang nandito sa condo unit. Hindi naman sa ipinagdadamot ko tong unit niya,wala naman akong problema doon. Sa kanya ito kaya wala akong angal kung dito na din siya tumira. Ang kapal naman siguro ng mukha ko kung hindi ko siya payagan. Kaya lang kasi ni isang beses hindi siya lumabas ng unit. Palagi lang siyang nandito kasama ko. Katulad ngayon,parehas kaming nakaupo sa couch habang nanunuod ng movie.

Tumingin siya saglit sakin saka nadako ang tingin niya sa kinakain ko na kamias na isinasawsaw sa banana ketchup saka napangiwi atsaka bumalik ang tingin sa TV. Bakit? Masarap kaya. Try niyo minsan.

Just A Mistake ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon