Mistake 6

12.6K 332 19
                                    


Nandito kaming apat ngayon sa coffee shop malapit sa school. The same coffee shop na lagi naming pinupuntahan ni Miaka at Brenon. The three of us both like coffees and tea. Nakasanayan na ata talaga ng taste buds namin saka ng katawan namin. Oh well,that's not the main topic here.

"Magkapatid kayo?" Ngiwing tanong ni Miaka kila Brenon at Zircon. Nakangiti namang tumango si Zircon habang tahimik lang na nakatingin sa amin si Brenon. So that explains why Brenon looks at him like that earlier. Kung magkapatid sila bakit hindi ata sila hawig? Well gaya ng sabi ko parehas silang gwapo kaya lang bakit naligaw ata ng landas si Brenon?

"Kapatid mo talaga si Brenon?" Para bang amaze na amaze si Miaka sa mga nalalaman niya. Ako naman tahimik lang na nakikig sa kanila pero paminsan-minsan nagtatanong din ako. Alam niyo na,curious din.

"Tch. Ba't ba paulit-ulit ka?" Ismid ni Brenon na masama ang tingin kay Miaka. Woah. What's with the deep manly voice now of Brenon? Naging lalaki ata siya bigla? Anyare?

"Bakla?! Anyare sayo?! Bakit naging lalaki ka na?!" Miaka gasped. Napailing nalang saka napatawa ng bahagya. Halata kasing nagulat siya sa way ng pagsasalita ni Brenon. Napansin ko namang napatingin ang ibang costumers sa gawi namin kaya marahan kong hinampas sa hita si Miaka. Tumingin naman siya sakin,I just signed her to lower her voice down. Nakakadistorbo na kasi siya eh.

"Bakla?" Takang tanong ni Zircon saka tinignan si Miaka ng nagtataka saka bumaling ng tingin kay Brenon.

"Bakla ka Kuya? Kailan pa? Alam na ba nila Mama at Papa?" Sunud-sunod na tanong ni Zircon kay Brenon. Sinamaan lang naman siya ng tingin nito saka hinampas sa braso-which is in a very very bakla way. Oh? Balik bakla na ulit?

"Witit! And hey dear brother,don't you dare tell to our Mudrabels and Pudrabels ah? Sasabunutan talaga kita!" Pagbabanta ni Brenon saka pinanlakihan ng mata si Zircon. Napakunot ang noo ko kasi para bang may ipinahihiwatig ang mga tingin ni Brenon kay Zircon.

"O-okay." Ngiwing pagsang-ayon ni Zircon saka binalik ang tingin samin saka alanganing tumingin.

"Uyy! Balik bakla na ulit si bruha! Anyare?" Pangungulit ni Miaka kaya inirapan lang siya ni Brenon. Napanguso lang si Miaka saka binaling ang tingin kay Zircon saka ngumiti ng pagkatamis-tamis. Naku po,alam ko na ang mga ngiti niyang ganito. Tsk.

"May girlfriend ka na?" Seryosong tanong ni Miaka kay Zircon na animo'y isang reporter. Napailing na lamang ako. Bruha talaga.

"Wala pa. Gusto mong mag-apply?" Ani Zircon saka ngumisi. Nakita nanaman tuloy namin yung dalawang dimples niya na talaga naman nakaka-aattract sa amin. Okay,lagi nalang dimples niya ang napapansin ko. Tch.

"Ay bet! Pwede ba?" Natatawang tanong ni Miaka. Agad naman siyang sinabunutan ni Brenon.

"Gagita kang bakla ka! Wag kang makipag-flirt sa kapatid ko! Tss." Asik ni Brenon kaya napanguso nalang si Miaka saka inayos ang buhok niyang nagulo.

"Tch. Masakit yun bakla ah?! Magpaka-lalaki ka nalang kasi ng ikaw ang nilalandi ko! Sabihin mo lang kung nagseselos ka ikaw na lalandiin ko. Tch." Irit ni Miaka kaya napatawa na lamang ako. Inirapan na lamang siya ni Brenon saka nag-iwas ng tingin.

Sa totoo lang bagay talaga silang dalawa. Kung di lang talaga bakla si Brenon malamang ay narape na siya ni Miaka. Kidding though. Pero bagay talaga sila,half Japanese kasi si Miaka tapos si Brenon naman medyo may pagka-Japanese look din. Ba't kaya di nalang silang dalawa ano? Nakakatuwa siguro yun.

"I had fun with you guys." Nakangiting saad ni Zircon. Napagpasyahan na kasi naming mag-uwian since ang tagal naming nakatambay sa coffee shop kanina. Buti nga at hindi kami pinagbawalan nung Manager ng shop eh.

Just A Mistake ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon