Mistake 3

8.2K 215 31
                                    

Buong byahe nakatingin lang ako sa labas. Hindi ko kasi alam kung dapat ba akong magsalita at magkwento kay Zircon. Hindi naman siya nagtatanong pero nakikita ko paminsan-minsan na tinitignan niya ako ng saglit lang saka babalik sa pagda-drive. Hindi na ako tumanggi ng sabihin niyang ihahatid niya ako pauwi kahit na gustong-gusto ko. Ayoko kasing makita siya ni Onyx at mag-isip ng masama. Kaya lang hindi ko alam kung saan pinaglihi si Zircon dahil napakakulit niya kaya in the end pumayag nalang ako.

Napabuga ako ng hangin ng huminto sa tapat ng bahay ang sasakyan ni Zircon.

"Maraming salamat sa lahat.'Wag kang mag-alala,mababayaran ko rin lahat ng naitulong mo." Pasasalamat ko sa kanya. Kunot noong tinignan niya lang ako saka umiling. Bakit?

"Hindi ko kailangan yun." Aniya saka bahagyang ngumisi. Ngayon ko lang napansin na may dalawang dimples siya sa pisngi. Magkabilaan. Tapos medyo grayish ang kulay ng mga mata niya. Messy hair. In short,GWAPO. Ba't kaya ngayon ko lang siya nakita? Kung tatanungin niyo ako kung sinong gwapo between Onyx and Zircon? No comment. Kasi para sakin parehas naman silang gwapo,malakas ang appeal at mayaman. Oo,yun ang napansin ko kay Zircon. Pero wala naman akong pakialam. Last naman na naming pagkikita to.

"Ha? Ano palang gusto mo?" May pagtatakang tanong ko. Muli nanaman siyang ngumisi saka bahagyang hinawi ang buhok niya. Bakit parang uminit ata sa loob ng kotse? I gulped at that thought. Naman Beatrix! Wag kang malandi! May asawa ka na diba? And speaking of asawa,nakita ko na siyang lumabas ng pintuan. Tinted na tinted ang kotse ni Zircon kaya malamang hindi niya kami nakikita sa loob. But why is he looking at us as if he can see us?

"A date will do,you know." Napabalik ang tingin ko kay Zircon when said that. Ano? Date? Ha?

"Date? Are you serious?" Ngiwing tanong ko. Hindi kaya nababaliw na siya? Date? Kami? Magdedate? Baliw na nga ata talaga siya. Sino bang matinong tao ang mag-aaya ng date sa kakakilala lang niya?

"Yup. So, I'll fetch you tomorrow night. You can now go." He smiled sweetly after saying those. Binigyan ko nalang siya ng alanganing ngiti saka lumabas ng sasakyan niya.

"Thank you ulit. Ingat." I said before closing the door. I saw him nod then leave.

Seryoso talaga siya sa date? Kaya lang hindi nasabing may trabaho ako bukas. Aish. So pumapayag kang makipag-date sa kanya Beatrix? Aish. Siraulong lalaki.

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng may tumikhim sa likod ko. Kahit naman di ko tignan alam kong si Onyx lang yun. Okay. Pinanindigan ko na talagang Onyx ang tawag sa kanya no? Tch. I will never ever call him Hyron starting today. I hate him but I still love him. Okay,ako ng magulo. Tsk. Ano bang magagawa ko? Kahit naman ata anong gawin ni Onyx mamahalin at mamahalin ko parin siya. Ganoon na lang ba talaga yun? Ako lang yung magmamahal at ako lang din ang masasaktan? Tapos ano? Silang dalawa ni Evana masaya? Hay buhay nga naman.

"Who's that?" Aniya sa kalmado ngunit mariing boses. I sighed saka nilingon siya. When my eyes met his gaze I feel like complete yet makes me incomplete at the same time. Really? What's wrong with me? Bakit ba kasi sa isang katulad niya pa ako nahulog? Sana kasi may babala manlang na nakasabit sa kanya na 'Do not Fall in love. No one will catch you' sign. Kaya lang wala eh. Wala.

"Kaibigan ko." Matabang na saad ko saka naglakad para lagpasan siya. Kaya lang bago pa man din ako makalagpas agad niya na akong nahagip sa braso. I flinched dahil sa higpit ng hawak niya.

"O-onyx nasasaktan ako!" Pero hindi niya ako pinakinggan. He dragged me inside the house. Nakita ko si Manang na lumabas ng kusina.

"Talagang masasaktan ka! Kaibigan?! Putangina naman pala Beatrix! Wag mo kong gaguhin!" Nagulat ako sa mga sinasabi niya. Ano bang sinasabi niya? Ginagago ko siya? Talaga? Sana kaya ko diba? Nang hindi na ako nasasaktan kapag nakikita ko sila ni Evana na ginagago ako. Kaya lang kahit gustuhin ko ayaw ng puso at isipan kong gawin kasi umaasa ako na mamahalin din niya ako.

Just A Mistake ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon