Untold Mistake 2

6.9K 82 5
                                    

Malaya lamang akong nakatingin sa mga nagliliwanag na ilaw sa kalsada habang tinatahak ng bus na sinasakyan ko ang daan papunta sa lugar na alam kong mas ligtas ako. Sa lugar kung saan alam kong mas makakatulong sakin na maghilom ang mga sakit.

Tumakas? Sabihin na nating oo. Pero ito lang ang tanging alam ko na makakatulong sakin na mailayo sa lahat ng panganib ang anak ko. Ayokong sapuhin lahat ng baby ko ang nararamdaman ko. Ayokong dumating doon sa point na pati siya mawawala sa akin. Siya na lamang ang tanging meron ako. Siya na lamang ang tanging alaala sakin ni Onyx na hinding-hindi ko kayang bitawan. Dahil siya sa lahat ang alaalang magiging katuwang ko sa buong buhay ko.

"Baby, sorry kung bad si Mama a? Sorry kung kailangan kitang ilayo sa Papa mo. Pero kasi ito na lang ang tanging paraan na alam ko para hindi ka mawala sa akin." Mahinang saad ko saka hinaplos ang hindi ko pa kalakihang tiyan.

Aalis tayo baby. Aalis tayo hindi para sakin. Kundi para sa'yo. Ayokong pati ikaw mawala sakin. Hindi ko kakayanin.

Matapos ang ilang oras ng biyahe ay nakarating din ako sa lugar nila Lola. Ang tagal na pala simula ng huli akong dumalaw sa lugar na ito.

May mga ilang bahay din akong nadaan bago ako nakapunta rito. Hindi naman kasi marami ang mga naninirahan dito since malapit sa dagat na pinanghahanap buhay ng ilang naninirahan dito.

Papasok na sana ako sa bahay kaya lamang ay natigil ako dahil na rin sa may biglaang nagsalita sa si kalayuan sa akin. Naguguluhang tinignan ko siya.

"Kaanu-ano mo po yung nakatira dyan?" Aniya. Napaisip naman ako kung may nakabili na ba nito pero kasi sabay nung isa kong Tita na huling tumira dito ay hindi naman daw ibinenta since sa akin daw nakapangalan ang bahay at lupa na ito.

"Apo? Bakit?"

"Apo?" Tumango ako ng bahagya dahil parang ibinalik niya lang naman sa akin yung tanong? Ay ewan. Sandali lang naman siya nag-isip saka sumigaw. Napatalon naman ako ng bahagya sa gulat. Geez. Nagiging magugulatin na ako.

"Ah! Ikaw si Bea! Hala! Kamusta ka na? Hindi mo ba ako naaalala? Si Jerica 'to! Jerica Mae? Yung kababata mo? Naalala mo pa?" Saglit akong napaisip sa sinabi niya.

Jerica? Kababata ko? Agad nanlaki ang mata ko ng maalala ko na siya. Oh god. Hanggang ngayon pala dito parin sila nakatira? Akala ko lumipat na sila?

"Jermae? Ikaw na ba 'yan? Talaga? Ang liit mo pa rin!" Natatawang saad ko na siyang nagpasimangot sa kanya.

"Grabe ka! Ang sama mo! Tss. Konti lang naman ang tinangkad mo sakin ah?! Naku nga Bea! Nag Maynila ka lang ay naging bully ka na. Tss." Aniya sa tila nagtatampong boses. Napatawa nalang ako saka lumapit sa kanya saka niyakap siya ng panandalian.

God. Namiss ko siya. Ang tagal na din since huli kaming nagkita. I think nasa seven years old pa lang ako nung huli akong nagstay rito tapos after non sa Bataan na kami nagstay nila Mama hanggang sa napadpad ako ng Manila para mag-aral and then ayun, nakilala ko si Onyx hanggang sa eto, dito din pala ako babagsak. Sa lupa kung saan ako pinanganak.

"Sira! Para niloloko ka lang eh. Teka, asan si Tatay mo? Dito pa rin pala kayo nakatira? Akala ko nag Manila ka na rin? Kasi diba iyon ang sabi mo sakin dati?" Hindi mapakaling tanong ko sa kanya.

Napansin ko namang parang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Hala? Bakit? May nasabi ba ako?

"Eh wala eh. Hindi pinalad na makapunta ng Maynila kaya eto dito parin ang bagsak ko. Pero hayaan mo na 'yon. Nga pala, bakit bumalik ka ata? Wala ka bang kasama? Sila Tita at Tito?" Aniya saka sinipat kung may kasama ba ako.

Just A Mistake ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon