Mistake 22

10.4K 234 18
                                    


I don't know what to do nor what to say. I don't even know what or how to react when I saw her face again. This is the first time after three years of being not around them na makita siyang muli.

H-how did she know where we are? Saka anong kailangan niya? Andito ba siya dahil nalaman niyang nabuhay ang anak ko? Tapos ano? Gusto niyang mawala ito ulit? Damn! No way in hell I will let her touch my son. But what if hindi ang anak ko ang gusto niya? Was it because she knew that I talked to Onyx the other day? Was it because of him?

"Ahm. H-hi?" Alanganing bati niya sa akin. I gasped hard. Seriously? Iyon lang ang ipinunta niya rito? Just to say hi to me?

"What are you doing here?" Kinakabahang tanong ko. Binalikan ko ng tingin ang anak ko sa kusina saka muling bumalik ng tingin kay Evana na hanggang ngayo'y nakangiti pa rin ng alanganin?

"Ahm. I...I just wanna talk to you kahit saglit lang?" Tila nag-alangan pa siyang itanong iyon sa akin. Nagtatakang tinitigan ko naman siya.

Usap? Bakit? May dapat ba kaming pag-usapan? Nagdadalawang isip ako kung dapat ba akong pumayag sa kanya o hindi. Should I really need to talk to her? Pero ano bang dapat naming pag-usapan? Is it about our past? Tungkol ba ito sa nangyari noong mga panahon na nagkasakitan kaming tatlo nila Onyx?

I sighed. Believe it or not pero simula ng umalis ako ay nakalimutan ko na lahat ng nagawa nila sa akin ni Onyx. Hindi ko alam kung bakit ganoon ko na lamang kabilis nakalimutan iyon to think na sobra akong nasaktan to the point na konting-konti na lamang ay masisira na ng tuluyan ang buhay ko.

Naisip ko lang kasi na kung patuloy pa akong magtatanim ng galit sa puso ko sa kanilang dalawa ni Onyx ay mas magiging mahirap para sa akin ang mabuhay kasama ang anak ko. Saka isa pa hindi ko naman na kailangang magalit pa sa kanila dahil nakasama ko pa naman ang anak ko.

Tanggap ko din namang may naging kasalanan ako sa nangyari. Tao lang naman kaming tatlo. Napaglaruan ng tadhana. Nagmahal at nasaktan. But it doesn't change the fact na hindi ko na sila magagawang patawarin pa. Kung ang Diyos nga't nagawang patawarin ang milyon-milyong kasalanan ng bawat isa sa mundo,ako pa kayang nilikha niya lamang?

I sighed and nod slowly. "Okay." I said then let her in.

"Ma! Ma! Mama!" Malakas na tawag ni Hendrix mula sa kusina. Nakita ko siyang patakbong lumapit sakin saka niyakap ako sa binti.

"Mama,y-you left Hendrix alone." He spoked then pouted. Napangiti na lamang ako saka pinantayan siya.

"May bisita kasi si Mama kaya naiwan kita saglit. Sorry na baby ha?" Saad ko saka tinanggal ang ilang butil ng pagkain sa mukha niya. Naku ang anak ko,makalat talagang kumain kahit kailan.

Nanlaki naman ang mata niya saka tumingin sa likod ko. Sinundan ko naman siya ng tingin. Nakangiti lamang si Evana sa kanya saka marahang kumaway. Nagulat ako ng bigla nalang yumakap sa leeg ko si Hendrix.

Napansin ko pa ng bahagya ang pamumula ng magkabilang tenga niya. Naku po,nahiya pa ang unico hijo ko.

"Oh. Natakot ko ba siya?" Tila nag-aalalang tanong ni Evana sa akin pagkalapit ko. Umupo naman ako sa tabi niya habang kalong-kalong ang anak kong mas sumiksik pa sa leeg ko.

I smiled. "Hindi. Nahihiya lang." Saad ko saka tumawa ng bahagya. Hindi ko din alam kung paano ko nagagawang tumawa sa kaalamang siya iyong taong halos sumira na ng buhay ko. Maybe they're really right. Time heals all wounds.

"Oh. So.." I don't know kung kinakabahan ba siya dahil sa way ng pagsasalita niya.

"What's his name?" Bandang huli'u iyon na lamang ang nasabi niya. I smiled. Saka binalingan ng tingin ang anak kong nilalaro ang ilang bahagi ng buhok ko.

Just A Mistake ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon