Bakit ganoon? Yung akala mong magiging simula ng maayos mong buhay ay siya rin pa lang magiging hudyat non para mas lalong magulo ang pilit mong inaayos na buhay?Hindi ko na alam kung amo bang dapat kong gawin o isipin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kinahantungan ng lahat. Kahit ilang beses kong isiksik sa isipan kong magiging maayos ang lahat,wala,walang-wala pa rin. Dahil sa bawat segundong lumilipas mas nahihirapan akong alamin kung bakit kailangang maging ganito kakomplikado ang buhay na mayroon ako.
I just want to have a simple life with my son. Pero bakit hindi ko makayang makamit 'yon? Bakit napakahirap makuha ang kagustuhan kong mamuhay ng simple kasama ang anak ko?
Akala ko kapag inayos ko na ang lahat,kapag sinimulan kong buuin ang pagkatao ng anak ko ay siya ring magiging hudyat ng panibagong buhay na ninananais ko para sa aming dalawa.
Where did I go wrong? What did I do to be in this kind of situation? Ano bang ginawa ko sa nakaraang buhay ko at ganito na lamang kung pahirapan akong makamit ang simpleng kahilingan ko?
Naging masama ba akong tao noon? May napatay ba ako? Tell me. Kasi kung meron,tatanggapin ko lahat-lahat ng pasakit na nararamdaman ko ngayon. Tatanggapin ko.
Pero bakit kailangang madamay ng anak ko? Wala pa siyang kamalay-malay sa mundo. Kung gaano kakumplikado at kahirap mamuhay bilang isang tao. Bakit siya pa? Bakit kami pa ang hilig paglaruan ng kapalaran?
"What now Beatrix? Ang bagal mo naman. Hindi mo ba gustong makita ang mag-ama mo sa huling pagkakataon?" May panunuyang saad ni Evana sa kabilang linya.
Hindi ko mapigilang mapahikbi dahil sa mga naririnig ko. Alam kong dapat tatagan ko ang sarili ko,pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya hangga't alam kong nasa panganib ang dalawang taong napakahalaga sa akin.
"I'm..I'm almost there Evana. P-please,wag mong sasaktan ang mag-ama ko. P-please.." Puno ng pag-susumamong saad ko.
"Tss. Kung hindi lang dahil sa asawa mo. Aish! Fine! Bilisan mo kung hindi alam mo na ang kasunod!" Bago pa man ako makahuma ay agad niya ng ibinaba ang tawag.
Nagtatakang tinitigan ko ng panandalian ang cellphone ko saka muling bumalik sa pagmamaneho. Ano bang sinabi niya? Hindi ko maintindihan? Basta ang narinig ko lang ay yung bilisan ko.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ng makita ko ang ilang pamilyar na bahay sa dinaraanan ko. Hanggang sa tuluyan na nga akong mahinto sa mismong tapat ng bahay namin noon ni Onyx.
Agad akong bumaba saka lumapit sa maliit na gate niyon. Susubukin ko pa sanang magtawag kaya lamang ay nakabukas pala ang pintuan. Mas lalo akong kinabahan ng magsimula akong tahakin ang pintuan papasok ng bahay.
Nagsimula akong maglibot ng tingin sa paligid dahil pakiramdam ko'y may nakamasid sa akin. Sa tingin ko nga'y noon pa mang umalis ako ng bahay namin sa Quezon. Ilang oras din ang biyaheng itinagal ko dahil sa layo ng lugar kaya't mas lalo akong kinabahan sa maaaring gawin ni Evana sa bawat lumilipas na minuto dahil sa tagal ng oras ng pagdating ko.
Dapat ko na bang buksan ang pinto? Pero ano ang tatambad sa akin? Huwag naman sana ang walang buhay na katawan ng mag-ama ko dahil feeling ko'y mawawalan rin ako ng buhay kapag ganoon.
Kahit na nanginginig ang aking mga kama'y sinimulan ko ng pihitin ang seradura ng pintuan.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na makitang buhay pa si Onyx o dapat bang masaktan dahil sa ilang galos at marka ng dugo sa kanyang katawan ng buksan ko ang pintuan.
"Onyx!" I called his and tried to come near him pero isang kasa ng baril ang nagpatigil sa akin sa paglapit.
"Oh no you can't my dear Beatrix. Nah uh ah." Evana playfully said.

BINABASA MO ANG
Just A Mistake ✔
Ficción GeneralShanadeia Beatrix Dela Vega just a simple girl who fell in love with her guy best friend Onyx Hyron Levigne. Yes. It may sound cliche but that is the truth. They're as good and as sweet as a couples out there. But the only different is they're NOT b...