"Mr. Levigne.." Napatunghay ako ng marinig kong may tumawag sa akin. Agad kong nakita yung doctor na tumitingin kay Evana."How is she Doc?" Agad kong tanong.
Hindi ako makapali. Parang ang daming maling nangyayari ngayon. Napakunot ang noo ko bahagya itong napabuntong hininga saka inayos ang salamin niya.
"Maayos naman na ang lagay ng asawa mo Mr. Levigne kaya nga lang ay hindi naging maganda ang pagbagsak niya kung kaya't naging dahilan iyon upang mawala ang baby na dinadala niya. I'm so sorry but we did try our best to save your baby pero hindi kami Diyos. I'm sorry but the baby is gone. I'm sorry for your lost. Excuse me." Iyon lamang at tinalikuran niya na ako.
Gustuhin ko mang umangal na hindi ako ang asawa ni Evana kaya lang para akong tinubuan ng ilang milyong ugat sa paa dahil sa hindi ako makakilos sa lahat ng narinig ko. Wala na ang bata?
Bakit ganito kasakit? Hindi pa naman kami sigurado kung anak ko ba talaga ang dinadala ni Evana hindi ba? Pero bakit masakit sa parte ko lalo na sa may bandang dibdib?
Agad akong napahilamos sa mukha saka pabalang na naupo sa waiting area. Fuck. Bakit ganoon nalang kabilis lahat ng nangyayari sa buhay namin?
Ang bilis dumating pero mabilis lang din palang mawawala? Damn.
"Doc! Doc!"
Hindi ko magawang mag-angat ng tingin dahil sa nararamdaman ko. Basta alam ko nalang na may mga dumaang nurses habang may tulak-tulak na stretcher.
Paniguradong sa Emergency Room ang tuloy nila. Isinawalang bahala ko na lamang iyon dahil may mas importante pa akong dapat gawin at pagtuunan ng pansin kaysa sa ibang taong napahamak.
Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Naiinis na nagagalit ako dahil sa nangyayari. Hindi ko maiwasang magalit kay Beatrix dahil sa nangyari. Alam kong dapat pinakinggan ko muna ang paliwanag niya pero ng makita ko si Evana na nababalot sa dugo hindi ko na magawang isipin kung dapat ko pa ba siyang hayaang magpaliwanag.
I know Beatrix can't do such things like that. Pero nang iyon na ang maabutan ko'y hindi na ako nakapag-isip pang mabuti.
Hindi ko alam kung sinong dapat paniwalaan but in the end alam kong mas naniwala ako kay Evana. Maybe natakot lang ako sa pwedeng mangyari sa bata at kay Evana kaya napagsalitaan ko ng ganoon si Beatrix. I know I should be sorry for that.
•
Nagtaka ako ng makailang tawag na ako kay Beatrix pagpasok ko ng bahay ay wala pa ring lumalabas.
Agad ko siyang pinuntahan sa kwarto,nagbabakasaling naroon siya at natutulog pero wala. Kahit sa banyo ay tinignan ko siya pero still walang Beatrix akong nakita.
Sinimulan ko siyang hanapin sa buong bahay pero wala parin akong nakita kahit na anino niya. Sobra akong kinabahan at dahil doon.
Fuck! Beatrix where the hell are you?
Kinuha ko yung cellphone ko saka sinimulang tawagan siya. Kunot noong napatingin ako sa isang banda ng marinig ko ang isang cellphone na nagriring.
Mas lalo pa akong kinabahan ng makita ko itong nasa tabi ng bakas ng dugo sa sahig. Miski ang cellphone ay nababalot sa dugo.
Fuck.
Mas lalo akong nangamba ng maalala ko ang nangyari kanina-nina lang.
Fuck! No. Not Beatrix please. Hindi pwede. Hindi pwedeng pati ang anak namin ni Beatrix mawala.
"Fuck! Answer the damn calls Miaka!" I hissed ng ilang beses ko ng sinubukang tawagan si Miaka pero wala parin.
Nakahinga ako ng malalim ng may sumagot na sa kabilang linya. "Where's Beatrix?!" Hindi mapakaling tanong ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Just A Mistake ✔
General FictionShanadeia Beatrix Dela Vega just a simple girl who fell in love with her guy best friend Onyx Hyron Levigne. Yes. It may sound cliche but that is the truth. They're as good and as sweet as a couples out there. But the only different is they're NOT b...