"Are you damn serious Beatrix?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Miaka sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako saka tumango.Ilang araw ang lumipas simula ng malaman kong buntis si Evana. Hindi ko naman magawang maglihim kay Miaka kung kaya't naikwento ko na sa kanya ang nangyari.
Sa ilang araw na lumipas ay walang mintis sa pagpunta sa bahay si Evana. Palagi niya na lamang irarason ang dinadala niya. Kung hindi niya sasabihing mukhang namimiss daw ng anak niya ang Daddy nito ay ipapamukha naman nito sa akin na may nabubuhay na bata sa loob ng tiyan niya.
Hindi ko na lamang pinapansin dahil sabi nga ng marami,the more na pinansin mo ang isang taong papansin ay the more na magpapapansin ito kung kaya't hinahayaan ko na lamang. Ngunit paminsan-minsa'y hindi ko namang maiwasang mainis sa kanya.
Sa ngayon hindi ipinapaalam ni Onyx kay Evana na buntis ako dahil baka kung ano raw ang gawin ni Evana sa amin ng anak niya. Hanggang ngayo'y hindi ako makapaniwalang tanggap niya ang anak namin. Ang akala ko talaga ay itatakwil niya ito bilang anak niya.
"Sigurado ba kayong anak ni Onyx 'yung bata? I don't think so." Aniya saka humalukipkip habang nakatingin sa akin ng diretso. Naguguluhan namang tinignan ko siya.
"What do you mean?" May pagtatakang tanong ko. Hindi ko kasi malaman kung ano ba ang ibig niyang sabihin.
"Sabi niya two weeks hindi ba?" Tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot.
"Kung ganon,imposibleng si Onyx ang ama ng dinadala niya. Dahil sa mga nakalipas na linggo ay hindi ko naman na sila nakikitang magkasama." Tila inaanalisa niyang mabuti ang mga sinasabi niya.
Sinasabi niya bang hindi talaga si Onyx ang ama ng dinadala ni Evana?Pero paano siya nakakasiguro? Kahit ako'y hindi sigurado pero malaki din talaga ang psibilidad na si Onyx ang ama.
"Miaka sa tingin mo,hindi talaga si Onyx ang ama ng anak ni Evana? Pero paano nangyari 'yon?" Naguguluhang turan ko.
"Iyon ang hindi ko alam Beatrix. Pero aalamin ko para hindi ka na mahirapan. Ayoko namang mahirapan ka pa dahil baka kung anong mangyari sa inyo ng baby mo." Aniya saka tinignan ako ng puno ng pag-aalala pero nandoon pa rin yung kaseryosohan ng titig niya.
Tumango na lamang ako bilang sagot. Marahan kong hinaplos ang di pa gaanong kalakihan na umbok ng tiyan ko. Nagiging halata narin ang paglaki nito. Ilang buwan na lamang pala at maisisilang ko na siya.
Ano kayang itsura niya? Siguro kamukha siya ni Onyx. Sino kaya ang magiging kaugali niya? Sana naman kahit sa ugali man lamang ay makuha niya sa akin. Baka kasi kapag kay Onyx niya makuha ang lahat ay hindi na makapamuhay ng normal ang anak ko lalo na kung lalaki ang kasarian niya.
Hindi pa kasi ako nakakapagpa-check up dahil baka sundan ako ni Evana. Naiintindihan ko kung bakit ayaw pa ipaalam ni Onyx sa iba ang baby namin dahil feeling niya kapag nalaman ni Evana ang baby namin ay may gawin siyang hindi maganda para mawala yung anak namin which is hindi ko hahayaang mangyari.
Kung noon pumapayag akong maliitin ni Evana pwes hindi ang anak ko. Anak ko na ang pinag-uusapan dito. Kaya hindi ko aatrasan ang kahit na sino pang mananakit sa anak ko.
Dugo't pawis ang ipinundar ko para lang sa anak ko kaya't hindi ko hahayaan ang kung sino man na sakatan siya o maliitin. Hindi ako makakapayag.
Napatingin ako kay Miaka ng bigla nalang magring ang cellphone niya. Nakita kong nag-iba ang timpla ng mukha niya habang nakatingin sa cellphone niyang tumutunog.
"Bakit ayaw mong sagutin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Mukhang nagulat naman siya pero sandali lang iyon. Marahan siyang umiling siya saka kinuha ang cellphone niyang nakapatong sa lamesa saka pinatay.
BINABASA MO ANG
Just A Mistake ✔
General FictionShanadeia Beatrix Dela Vega just a simple girl who fell in love with her guy best friend Onyx Hyron Levigne. Yes. It may sound cliche but that is the truth. They're as good and as sweet as a couples out there. But the only different is they're NOT b...