Mistake 13

11.2K 214 9
                                    


I was too shocked to even utter a single word. P-paanong nakapasok siya sa unit ni Onyx? And how did he know that I am here?

"B-brenon.." I stuttered. Napangisi siya saka nagtaas ng kilay. Bakit ganoon? Bakit ibang Brenon ang nakikita ko ngayon?

"What the hell are you doing here?" Marahang tanong ni Onyx saka mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang ko as if protecting me from someone-from Brenon. But why?

"Ikaw ang dapat kong tanungin ng ganyan Levigne. What the hell are you doing here? And why the fuck are you with Beatrix?" Mahinahon ngunit mariing tanong ni Brenon.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakatitig lang ako sa kaniya na para bang nalilito sa nangyayari. No,nalilito talaga ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang inaakto ni Brenon. Kung bakit hindi siya yung typical na Brenon na kasa-kasama namin ni Miaka sa campus.

Sa bawat salitang binibigkas niya nandon ang diin at pagkalalaki. Bakla ba talaga si Brenon? Kung bakla talaga siya,then why is he acting like this so sudden? Ibang-iba sa Brenon na nakakasalamuha ko.

"She's my wife so what the fuck is wrong with that?" Ani Onyx.

Kulang ang salitang nagulat ako sa sinabi niya. Nanlalaki ang matang tinignan ko siya. Sinabi niya ba talaga kay Brenon na asawa niya ako? P-pero akala ko ba ayaw niyang may makaalam na mag-asawa kami? Okay,given ng sinabi ko kila Miaka na mag-asawa kami because I had no choice but to admit it. Ang laki-laki na ng kasalanan ko sa kanila dahil sa pagsisinungaling ko. But Onyx? Siya na nagsabing isekreto sa lahat ang kasal namin? I..I just don't get it.

Oo,he's acting weird yet sweet this past few days pero hindi ko lang talaga maintindihan. Ganoon na ba ako kaslow sa nangyayari sa buhay ko ngayon?

"Wife? Woah. Big word,Onyx. Nakalimutan mo na bang ang asawa hindi magagawang saktan ang kabiyak niya? Ganoon ba ang ginagawa mo? No right? Palagi mong sinasaktan si Beatrix. Now,let her go and back off." Bigla akong naalarma ng magsimulang lumakad si Brenon palapit sa amin.

Agad akong bumaba sa counter top na ikinalingon ni Onyx sakin.

"Anong ginagawa mo?" Litong tanong niya.

I shook my head."P-pwede bang mag-usap muna kami sandali ni Brenon?" Utal na tanong ko saka tinignan pabalik si Brenon na tumigil sa paglapit niya.

"What? No,wife. Paano kung may gawin siya sayo? Paano kung-"

"N-no. I'll be fine. He's my friend after all. Please?" I plead. Napabuntong hininga na lamang siya saka pikit matang tumango.

"Okay. But promise me you'll come back to me." Marahan akong ngumiti dahil sa paraan ng pagkakasabi niya niyon. Para kasi siyang batang takot na takot maiwan ng pinakamamahal niyang ina.

Gustong-gusto kong isipin na mahal niya talaga ako pero natatakot akong baka mali nanaman ako ng iniisip. Marahan akong tumango muli.

"I will. I promise." I promised. He sighed again then kiss me on my forehead.

"I trust you." Aniya saka tumalikod sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako saka binalikan ng tingin si Brenon-na ngayon ay marahang nakatingin sa aming dalawa ni Onyx

"Done?" Mapang-uyam na tanong niya. Marahan akong tumango. Hindi na ako umalma pa ng hawakan niya ako sa braso saka hinatak palabas ng unit ni Onyx.

Agad naman niya akong binitiwan ng makarating kami sa rooftop ng building.

"B-brenon.." Tawag ko sa kanya ng ilang minuto na ang lumipas ay wala parin siyang sinasabi. Lumayo lamang siya ng ilang hakbang habang nakatalikod sa akin.

Just A Mistake ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon