Mistake 4

14.4K 303 21
                                    


Marahan akong nagmulat ng maramdaman ko ang init ng sikat ng araw. Nakalimutan ko bang isarado ang kurtina bago ako matulog? Pero para bang isang kidlat na bumalik lahat sa ala-ala ko ang nangyari.

Kung paano hinatak ni Onyx papasok ng kwarto. Kung paano niya ako pagsalitaan ng kung anu-anong masasakit na salita. And just like that,I can't help myself but to cry. I sat up and flinched when I felt a stinging pain on my womanhood.

Kahit na masakit ay pinilit kong yakapin ang magkabilang tuhod ko saka umiyak ng umiyak. Kahit anong gawin kong pigil hindi ko magawa. Kailan ba ako susuko? Kailan ako mapapagod sa buhay ko?

Nagtagal ako sa ganoong posisyon saka nagpasyang tumayo na para magbihis. Marahan akong napamura ng sa bawat hakabang ko'y nasasaktan ako. Hindi ko alam kung magagawa ko pang pumasok ngayon dahil sa sakit. Pero kailangan,ayokong mas lalong maging isang disappointment kila Mama. Tama na ang isang beses na sinira ko ang tiwala nila.

Nang makapasok ako sa banyo ay ganoon na lamang ang pagtulo ng mga luha ko ng makita ko ang sarili ko sa salamin. Why do I feel so violated? Ganito ba ang buhay na pinangarap ko? Hindi naman diba? Walang sinuman ang pinangarap na mabuhay sa piling ng asawa niya na masaktan not only emotionally but also physically.

"Ang tanga-tanga mo Beatrix. Ang tanga-tanga mo." Tanging naiusal ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. Paano ako makakapasok kung puros pasa ang mukha at katawan ko? Siguradong kukuyugin ako ng tanong nila Brenon at Miaka pag nakita nilang ganito ang kalagayan ko. Matatakpan man ng make-up to paniguradong halata parin. Hindi naman ako pwedeng hindi pumasok dahil hindi na ako nakapasok kahapon dahil na-hospital ako. Kaya sa ayaw man o gusto ko ay kailangan kong pumasok.

Naligo ako at kahit nasasaktan kailangan kong linisin ang katawan ko. Feeling ko ako iyong mga bida sa ilang teleserye na pinagmamalupitan ng asawa niya kaya lang ang pagkakaiba ay totoong buhay ito. Totoong mga pasa at sakit ang nararanasan ko hindi katulad ng mga nasa TV lang. Kasi sa kanila make-ups lang ang mga pasa at sugat nila.

Napabuga ako ng hangin ng maalalang wala ng pala akong kahit na anong damit sa kwarto na ito. Lahat nasa guest room. Mabuti na lang at may robe na nakasabit malapit sa pintuan kaya iyon na lang ang ginamit ko.

Napatigil ako sa paglabas ng makita ko si Onyx na nakaupo sa gilid ng kama. Mukhang napansin niya ang presensya ko kaya tumayo siya at tinitigan ako. Hindi ko mabasa ang mata niya dahil wala ni isang emosyon akong makita doon.

"Beatrix.." Tawag niya sa pangalan ko saka akmang lalapit sakin kaya agad akong umatras. Nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya sa gulat sa ginawa ko. Kahit sino namang tao ang nasaktan matatakot ng lumapit sa taong nakasakit sa kanila hindi ba? Ganoon ang nararamdaman ko kaya hindi niya ako masisisi.

"Nadeia.." Parang nagmamakaawang tawag niya sakin. Pinilit niyang lumapit pero umaatras lang ako sa bawat hakbang niya.

"D-don't come near me.." Puno ng takot na saad ko saka mas lalo pang lumayo sa kanya. Nakita ko kung paano kumuyom ang mga kamao niya saka kung paano siya napasinghap sa sinabi ko. Why is he being like this so sudden? Bakit? Naaawa siya sakin? Bakit pa? Siya ang may gawa nito diba?

"B-bakit? Naaawa ka? Kanino? Sakin? Bakit ka naaawa? Ikaw ang may gawa nito diba? Parusa ko to diba? Kaya tinanggap ko k-kahit masakit. P-pero sana hayaan mong maghilom muna lahat ng sugat bago ka gumawa ng panibagong hakbang na makakasakit ulit sakin." Yun lang at tuluyan na akong lumabas ng kwarto niya. Kahit kailan hindi ko na magagawang tawaging kwarto namin yun dahil sa kababuyang ginawa niya-nila ni Evana.

Pagkapasok na pagkapasok ko ng guest room agad kong nilock ito saka pumasok muli ng banyo saka nagsimulang magbasa muli. Ilang tubig ba ang dapat kong ipaligo para makilala ko pang muli ang sarili ko? Feeling ko kasi kahit anong gawin kong sabon at paligo sa sarili ko hindi na talaga nito maibabalik ang dating ako. Sabagay,ano nga ba naman ang magagawa ng mga iyon para mabuong muli ang pagkatao ko? Kulang,kulang na kulang ang pagkatao ko ngayon.

Just A Mistake ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon